8

45 2 0
                                    

Chapter 08

Athena

"Are you avoiding me?"

Napakurap-kurap ako. Nangangapa ng mga salitang isagot sa kanya.

"H-Hindi ah. Bakit ko naman gagawin yun?" Sabi ko habang dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Naningkit ang mga maganda niyang mata na tila ba kinikilatis kung totoo ba ang sinabi ko. "H-Hindi nga, ge ah.." tuluyan akong nakalabas nang biglang may nagsalita.

"Astheria?" Napalingon kami sa lalaking kakapasok lang. Matangkad siya, matangos ang ilong, maputi at mapupula ang labi. Napalunok ako.

Pero ano daw? Astheria? Ibig sabihin, kilala niya ang kambal ko.

Nakatingin pa rin sakin yung lalaki. Nilingon ko si Daren na nakalabas din pala pero sa lalaki lang siya nakatingin. Malamig ang ekpresyon at tila ba parang manununtok.

"Hey.. I know you. Nagkita tayo nung isang araw diba? Para iligtas ang pinsan ni Nally right?" Biglang sabi ni lalaki at tinuro-turo pa si Daren. "Hm.. aha! You're Daren, right?"

Tiningnan ko si Daren at nakita kong hindi man lang nagbago ang aura niya pero bahagya naman siyang tumango sa lalaki.

Magkakilala sila? Pero bakit parang wala lang kay Daren?

Agad kong hinawakan sa braso yung lalaki saka hinarap ulit si Daren. "Una na kami ah.." pagkatapos, basta ko nalang hinila yung lalaki. Kaibigan naman siguro to ni Amber. At laking pasalamat ko sa kanya dahil dumating siya.

Hila-hila ko pa rin siya at ng makalayo-layo na ay saka ko lang siya binitawan.

"Your boyfriend?" Tanong niya.

"What?" Takang tanong ko. Tinuro niya yung sa bandang canteen. "Um.. no!"

Tumango-tango siya. "May I know your name?" Napatanga ako sa sinabi niya.

"I thought I'm Astheria?" Ngumisi ako. I guess, nakilala niya na hindi ako si Astheria. Nice one!

"Nah! The moment I stared at your face earlier, I knew already you weren't Astheria." Kibit-balikat niyang sabi.

Nagtaas-baba naman ang kilay ko. "Are you my twin's boyfriend?" Ngumisi ako.

Tumawa naman siya. "We're.. friends. And I never thought totoo ang sinabi niya na may kakambal siya."

Nagulat ako. "She said that?" Hindi ko akalain na sasabihin sa iba ni Amber na may kakambal siya. Noon kasi, nanloko muna kami bago ipagtapat na kambal kami. Yung tipong tinitesting pa namin sila kung makilala ba talaga nila kami.

"Yup, but I didn't take it seriously though." Aniya.

"I'm Athena Aurora, Astheria Amber's twin sister. Nice to meet you." Inilahad ko ang kamay sa harapan niya.

"And I'm Levin. Same here!" Nagshake-hands kami pero bumitiw din ako agad. "Hinahanap ko kasi si Astheria pero hindi ko siya mahagilap."

Nangunot ang noo ko. Oo nga pala, tinext ko siya na mauna na ako sa canteen. Pero asan kaya yung kambal kong yun?

"Sige ah, hahanapin ko muna. Nice to meet you again, Athena." Aalis na sana ako ng pigilan ko siya.

"Hey, don't mention to my sister na nakilala mo ako ha?" Mahinang sabi ko.

"Why?" Takang tanong niya.

"Wala lang hehe.. sige, bye!" Umalis ako at pumunta nalang sa batibot. Maghintay nalang siguro ako kung kailan aalis si Daren saka ako babalik sa canteen. Tutal, may 2 hours pa naman ako.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now