7

38 2 0
                                    

Chapter 07

Athena

"Hey, you okay?" Tanong sakin ni Pomela pagkapasok palang sa kwarto ko.

Tumango ako. "I'm fine now.." niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Napabaling ako sa pinto nang may pumasok. Sina Coreen, Jaiden at Ley. Kapwa sila nakangiti sakin kaya nginitian ko sila pabalik.

"Nabalitaan namin ang nangyari, Athena. Ayos na ka na ba ngayon?" Alalang sambit ni Coreen pagkaupo nila.

"Don't worry about me, ayos na ako. Hindi naman siguro ako sinaktan." Wala akong maalala sa nangyari.

"Buti nalang talaga nadakip na si Fuentes. Siya pala ang dahilan kung bakit maraming mga kababaihan ang nawawala at siya din ang dahilan ng pakalat-kalat na droga." Ani Ley.

Oo nga, bali-balita na maraming kababaihan ang nawawala, kinidnap daw. Tapos maraming mga kabataan ang natuto ng magdroga.

"Nga pala, sino ang nagligtas sakin?" Tanong ko.

"Hindi din namin alam eh." Ani Pomela at tumango nalang ako. Hindi ko naiwasang mapatingin sa gawi ni Jaiden. Ang tahimik niya ata? At talagang nakatitig lang siya kay Pomela. Nanliit ang mata ko sa nakita. May something talaga sa dalawang to eh. Matanong nga si Pomela mamaya.

Maya-maya pay may biglang nagflash sa utak ko kaya napahiyaw ako. "Pom, kailan ka nga ulit aalis?"

"Next week na." Tipid na sagot niya. Nakapagtataka dahil naging malungkot ang boses niya. Hindi kagaya nung unang sabi niya sakin na aalis siya ng bansa, ang saya-saya niya nun.

"Ahh.."

"Magpahinga ka lang muna.." humiga ako at pinakatitigan silang lahat. Na-appreciate ko ang mga presence nila. Kahit na kakilala ko palang sa kanila nung isang buwan, nakakatuwang naging magkaibigan na kaming lahat.

Nagkwentuhan sila at nakinig lang ako. Panay tawa nila Ley at Coreen samantalang tahimik si Pomela at Jaiden. Maya pay, nakisali si Pomela kina Ley at Coreen.

Nakatuon lang ang mata ko kay Jaiden dahil hindi maalis-alis ang tingin niya sa best friend ko. Anyare ba sa dalawang to?

Napabuntong-hininga nalang ako. Ilang oras ang lumipat hanggang sa nagpaalam silang lahat dahil may kanya-kanya pa silang gagawin.

"Rest well.." Ani Ley. Siya nalang ang nandito kasi nakalabas na ang iba.

Nginitian ko siya. "Thank you, Ley. Ingat kayo." Ngumiti lang siya saka tumango at kumaway. Hmm.. bakit ngayon ko lang napansin na gwapo pala si Ley?

Mag-isa na naman ako dito sa ospital. Kanina ng magising ako, agad sinuri ng mga nurse ang vital signs ko and fortunately, maayos na daw ako.

Pipikit na sana ako ng may narinig akong katok. "Pasok.."

At dun pumasok ang lalaking hindi ko inaasahang bibisitahin ako.

Nagwawala na naman ang puso kong kyot. Kahit na ganun kalakas ang pintig ng puso ko, hindi ko parin pinahalata at pinatigas ang mukha ko.

"Ahm.. a-anong ginagawa mo dito?" Sinubukan ko ring maging normal ang pananalita ko.

Umupo siya sa upuan nandun sa gilid. "Bakit ka napunta dun? Paano?" Tanong niya. Tanginang lalaki to! Wala man lang 'kumusta ang pakiramdam mo?'. Diretsahan talaga, tol?

"Huh?" Takang usal ko. Wala nga akong maalala eh. "Sorry, pero wala akong maalala eh.." napatigil ako ng may sumagi sa utak ko. "Wait, i-ikaw ba ang nagligtas saminㅡoh my god! Si Kaede!" Napahiyaw ako. Naalala ko bigla ang lahat.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now