20

36 1 0
                                    

Chapter 20

Athena

Another boring day. :((
Ako lang mag-isa dito sa unit kasi pumasok na sa trabaho si Astheria tapos si Skier ay gumagala.

Hmp! Bakit naman kaya secretary ang in-apply-an ng kakambal kong yun? Kung gusto niyang maging secretary, pwede naman siyang maging secretary sa kompanya namin ah. Hays, ewan ko dun.

Tapos, napapansin kong parang hindi sila magkasundo ng boss niyang si Levin. Oo nga pala, naging kaibigan ko si Levin bigla. Alam kasi niya ang nangyari sakin at sinabi niyang isa siya sa mga naging kaibigan ko dito. Hayy! Nakakalungkot naman! Sino pa kaya ang mga kaibigan kong nakalimotan ko?

Naalala ko bigla ang babae dun sa mall. Isa kaya siya sa mga kaibigan ko? Tapos na-offend ko pa! Sana makita ko siya ulit para humingi ng sorry.

Napabalikwas ako ng bangon ng magnotify ang cellphone ko. Pagtingin ko, nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng tuwa. Did he just follow me back on Instagram? OMG!!!!!

Nagtalon-talon pa ako dahil sa tuwa. Sabi na eh, crush mo rin ako! Hmp! Pa-choosy ka pa ah!

Ngingiti akong tiningnan ulit yung notification pero wala na doon ang nakalagay na fi-nollow ako ni Daren. Wait! Namamalik-mata lang ba ako? Pero hindi eh! Kitang-kita ko na fi-nollow niya ako.

I stalked his account at tiningnan ang following niya. Si-nearch ko ang username ko pero no users found ang nakalagay. "W-What? Does that mean.... binawi niya ang pag-follow sakin?" Hindi makapaniwalang usal ko.

Napanguso ako. "Pa-choosy ka pa! Gusto mo rin naman ako. Tsk. Hindi mo rin si-neen ang DM ko. Mapuntahan nga. Siguro naman pumasok siya sa trabaho niya ngayon."

****

"Good morning, engineer!" Bati ko agad pagkakita kay Daren. Malapit lang kasi ang building na ito sa condominium kaya isang sakayan lang.  Napakunot-noo siya na hindi ako nilingon. "Snob, hmp! Uy ikaw ah kala mo diko nakita. Fi-nollow mo ako sa Instagram pero binawi mo rin agad!"

"Shut up!" Nakakunot-noo pa rin. "Get out!" Sigaw niya kaya muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Ayoko nga!" Prente pa akong umupo. "Girlfriend mo ba si Liane? Ah nga pala, kapatid ko si Liane in case you don't know hihi."

"Ano na naman bang plano mo?" Pasinghal niyang turan.

"Wala. Gusto lang kitang makita." Sabi ko so he stares at me na parang isang kabaliwan ang sinabi ko. "Oh nadidistract ka ba sa beauty ko?" I grin.

"Fvcking fvck!" Mura niya saka umalis.

Ngumisi ako dahil naaaliw akong makita siya na naaasar. Pero bakit nga ba parang galit na galit siya sakin hindi dahil sinusundan ko siya kundi dahil parang may kasalanan ako sa kanya?

Umupo ako sa upuang nandun habang nakatingin sa mga trabahador. "Hi po, maam!" Bati nung isa habang kumakaway.

Kumaway din ako pabalik. "Hi din." Nginitian ko silang lahat dahil silang lahat na ang nakatingin sakin.

"Ang ganda niyo po, ma'am. Crush kayo ni Arnolfo." Nagkantyawan pa sila.

"Ah hehehe, salamat. Parehas din kayong gwapo." Sabi ko at napangiwi din.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now