Fall Out Of Love

177 0 0
                                    


Chandria Grande pov

"I'm begging you please please don't leave me love, I'll do everything just to make you stay, stay with me." Humagolhol na lumuhod ako sa harap niya, yinakap ko rin ang binti niya kahit na kumakawala siya doon. Ayaw kong bitawan siya. Hindi ko kaya na mawala ang isang tulad niya sa buhay ko, ikakamatay ko yon. Siya na yong itinuri kong mundo. Siya na yong gusto kong makasama sa habambuhay.

"I don't love you anymore. I fall in love with....with someone else." Malamig na wika niya sakin na ikinailing ko. Pipilitin ko parin kahit hindi na.. ako

"I don't care. I don't care if you don't love me, i don't care if you inlove with someone else, just please stay I'll do everything, I promised para mawala yan at bumalik ulit ang pagmamahal mo sakin." Desperadang saad ko. Wala nakong pakialam kung ano man ang tingin nila sakin, ang mahalaga bumalik ulit ang tao'ng mahal ko.

"I'm sorry but please.. this is my birthday wish to you, to let me go."

"A-ang h-hirap naman at ang sakit ng hiling mo pero o-okay, your wish is my command." Nakakapagod rin pala.

"I'm letting you go now. Best wishes for the both of you." Tuluyan ko ng binitawan ang binti niya kasabay ng pagbitaw ko rin sa kaniya. This is what he wants. This is what he wish for his birthday. Iyon ay ang pagbitaw ko sa kaniya na akala mo ang dali dali lang gawin.

"Please, be happy."Huling saad niya bago siya nawala sa paningin ko. Mas lalo akong humagolhol. Wala na, wala na siya sa piling ko.

H-how, how can I be happy if siya ang kaligayahan ko?

"Cut! Goob job!" Masayang wika ng direktor samin na pumapalakpak pa. Nagtataping kami sa sunod na teleserye na ipapalabas na next week. It was a tragic love story.

Inabot ng P. A ko ang tubig na agad ko ring nilagok at ang towel, pinunasan ko agad ang mukha ko dahil sa pawis na tumatagktak.

"Ang husay husay mo po talaga umarte maam." Agad naman akong tumanggi sa sinabi niya. Hindi ko talaga ina-ano  sa sarili ko na mahusay akong artista dahil may mas mahusay pa sakin. May mas magaling pa. Na-aapreciate ko naman yon at nagpasalamat ako.

"At hindi ko rin po mapigilan na maluha habang pinapanuod kayo. Ang sakit niyo po panuorin parang binibiyak ang puso ko." Nginitian ko siya. Natutuwa ako sa magagandang komento kasi ang ibig lang sabihin non may epekto sa kanila. Ramdam nila ang emosyon namin. Wala ang manager ko nagpapagaling pa sa sakit. Nagpaalam na'ko sa kanila. Tinawagan ko ang aking asawa pero nakapatay ang cellphone niya. May tinawagan ulit ako.

"Nakahanda na ba ang lahat?" Masayang saad ko sa kabilang linya. Ako naman ang mag susurpresa sa kaniya na alam kong sobra sobra siyang matutuwa lalo na sa regalo ko sa kaniya. Anniversary naming dalawa ngayon.

"Yes po ma'am."

"Thank you." Pinatay ko na ang tawag. Excited na'ko sa magiging ekapresyon niya. Pinuntahan ko kung saan naka parking ang sasakyan. Mabilis ko ng pinaandar ang makina at mahina lang na pinatakbo ang sasakyan.

"Happy Anniversary, Love!" Masayang bati ko ng nakarating na sa bahay namin, I kiss him kaso agad siyang umiwas na ikinapagtaka ko. Hindi rin siya bumati? Seryoso rin ang kaniyang mukha na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"What's wrong, love? Tell me?" Hindi siya umimik. Hindi ko nalang pinilit baka hindi pa siya handa na sabihin sakin kung ano man iyon.

"Anong gusto mong pagkain? Ipagluluto kita tapos labas tayo." Nakangiting ani ko sa kaniya saka hindi pa man nakakahakbang para pumunta sa kitchen napahinto nako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now