Die In The Sea

67 0 0
                                    


Si Yuna, namatay hindi dahil nalunod sa dagat kundi dahil... pinilit nila ito na maligo at itinulak pa sa dagat.

**

Enero 08, 2022

Kaarawan ni Yel, kaya't nagka-anyayahan ang mga mag-kaibigan na sina Yuna, Zin, Zel, Ica, Iza, Lily, Liz na ipag-diwang iyon, sa dagat. Alas singko na ng hapon hindi na ganoon katirik ang araw at kita na iyong sunset na kay gandang pagmasdan.

Kinuha na nila ang mga nakalagay sa plastik bag na mga pagkain (Spaghetti, pancit, maja, puto kutchenta, cassava cake, biko, suman)na naka tupperware. At inilatag iyon sa mesa na talaga namang pinagtulungan pa nila iyon buhatin. Ganiyan sila ka effort, trenta minuto ang lalakarin mo, bago ka makarating sa dagat.

Medyo nagutom na rin sila kaya nagsimula na silang mag sandok ng kani-kanilang mga gustong kainin at naupo sa buhangin,

"Ang sarap sarap talaga magluto ni tita, the best!" Ani Ica na sinang-ayunan ng lahat.

"Tama yan, talagang kakaiba ang luto niya sa lahat, na kahit paulit-ulitin mong kainin hindi ka talaga magsasawa" Zin.

Totoo. Talagang napakasarap at iba sa lahat, kung isip-isipin simple lang naman ang kinakain nila pero bakit parang mayayamang pagkain rin lang naman ang kinakain nila.

"'Nong sikreto ni tita sa pagluluto bakit ang sarap, hindi naman siya chef pero dinaig pa iyong chef sa pagluluto ha? Kaloka" Iza.

"Sa magic palayok" Kanta ni Yel at napakibit nalang balikat,
"Hindi ko rin alam eh, *natawa* ano nga ba? Patanong na sabi niya na ikinatawa nilang lahat.

Pati siya eh, hindi rin niya alam kung anong sikreto ng mama niya sa pagluluto na kahit pagmasid man lang nga sa pagluluto hindi niya pa magawa, ganoon siya ka walang interes pagdating diyan at wala rin siyang hilig sa pagluluto ang alam lang niya ang kumain ng kumain, yun lang.

Pagkatapos nilang kumain naglaro muna sila ng spin of the bottle hanggang sa napag desisyunan na ng iba na magligo na sa dagat, tumayo na ang lahat pwera kay yuna na nakaupo parin, napansin yon ng iba,

"Ikaw? Hindi ka maligo?!"Tanong ni Zel

"A-ayaw k-ko" Nauutal na saad ni yuna, halata ang kaba at takot sa boses nito pati sa mukha na, ikinakunot ng noo nila.

"Bakit ayaw mo?" Taka na tanong ni Zin.

"H-hin-d-di ak-ko m-m-arun-nong l-lum-mangoy"

"Susss. Dahilan mo lang yan e." Iza.

"P-pero h-hindi t-talaga a-ako ma_"

"Sige na... it's my birthday okay, so bawal tumanggi" Yel.

"Hoy!"Hinawakan nila ito sa kamay at saka hinila.

"H-hndi talaga ako m-marunong lumangoy at mayroon a-ako'ng t-tra-aum-ma s-sa dagat." Ani niya sa sa mga kaibigan pero tumawa lang ito na akala mo nagbibiro lang.

Bata pa lang siya at pa hanggang ngayon dala dala parin niya ang takot sa dagat dahil sa isang masaklap na pangyayari sa nakaraan niya 15 years ago. Kayat nagkaroon siya ng trauma. Gusto niyang harapin ang kaniyang takot at ang trauma sa dagat dahil hindi habang buhay na ganoon nalang siya pero paano kung pinapangunahan agad siya. Bumabalik ang kaniyang trauma na matagal na niyang ibinaon sa limot.
Pwera diyan, hindi rin siya marunong lumangoy. Hindi alam ng mga kaibigan niya iyon, hindi mo rin sila masisisi kung ayaw nilang maniwala sa sinabi ni yuna dahil ngayon lang talaga niya ito nasabi kaya't ang akala nila nagbibiro lamang.

"Huwag mo kaming biruin, nagpapalusot lusot ka lang eh" Iza.

"Hindi, hindi ako nagbibiro hindi ako nagpapalusot lusot, nagsasabi ako ng totoo paniwalaan niyo 'ko please please"Naiiyak na pakiusap nito sa mga kaibigan.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now