Silent Love

81 0 0
                                    


Tahimik ako magmahal kaya tahimik din akong masasaktan.Masakit.Okay lang, as long as mahal ko siya at nakikita ko harap harapan na masaya siya sa piling ng taong mahal niya at mahal rin siya kaya kong tiisin ang sakit, kahit ikadurog man ng puso ko iyon,patuloy ko lang siyang tahimik na mamahalin hanggang sa hindi na.

**
Aleiyah Toress pov

"Kyahhhhhh!O to the M to the G,OMG,Dai nandito na ulit siya."

Pagkapasok namin sa Mores National High School,Iyan agad ang narinig namin ni Arelle doon sa dalawang babae na naglalakad sa hallway,maliban diyan, at sa'min wala na rin akong nakikitang mga estudyante na naglalakad dahil simula na ang kanilang first period.Kami naman ni Arelle mag-kaklase sa first period kay Sir Apollo na siyang subject teacher namin,saka wala siya late na kaming pumasok.

"Sino?" Nagtataka na tanong nong babae.

"Si Kuya Arvin Tan Dai" Kinikilig na sabi niya.

"Fake news mo,kung nandito na ulit yon edi sana pinagkakaguluhan na yon dito."

"Dai,ako palang ang nakakaalam dahil maaga akong pumasok sakto na inutusan ako ni maam archon na ibigay yong folder kay pricipal ariel at doon ko nakita si kuya Arvin at yong Auxrelle."

Nagkatinginan kami ni arelle na mayroong pagtataka,

"Nandito si ate at kuya Arvin?"

"Nandito si Kuya Arvin at ate Auxrelle?" Sabay naming tanong ni Arelle sa isat isa kaya naman natawa kami pareho.

"Kung nandito nga sila ate at kuya Arvin bakit hindi manlang tumawag?" Ani Arelle.

"Dai,mas lalo siyang gumwapo nakakalaglag panty at sobrang ganda rin nong Auxrelle,nakakatomboy pero parang may kamukha siya si...si.." Tumigil siya at nag-isip isip muna ng nalala niya siguro, "Ah oo,yong Arelle,si Arelle dai kamukha niya."

Nagkatinginan ulit kami ni arelle at natawa,
"Malamang magkapatid kami eh." Bulong ni Arelle.

Nagpatuloy kami sa paglalakad,sakto rin na nadaanan namin ang office ng principal na siyang may lumabas rin,na ikinatigil at ikinagulat namin ni Arelle.

"Ate,kuya Arvin"
"Kuya Arvin,Ate Auxrelle" Hindi namin alam na napalakas pala ang sigaw namin ni Arelle kaya napalingon sila.

"Arelle,Alei." Nasasabik na sigaw niya saka mabilis na tumakbo si ate Auxrelle palapit sa'min,narinig pa namin ang pagsigaw ni kuya Arvin,

"Just run slowly babe." Babe?Parang may kumirot sa puso ko ng tawagin niya si ate Auxrelle ng ganoon.

Sinalubong agad namin siya ng mahigpit na yakap.

"Namiss ka namin ate." Ani Arelle.

"Namiss ko rin kayong dalawa."

Kumala ako sa pagyakap kay ate Auxrelle na siya rin pagdating ni kuya Arvin.

"Kyaaahhh namiss kita, kuya Arvin." Saad ko saka ko siya yinakap.

"Na miss rin kita Alei."Aniya sabay gulo ng buhok ko na ikinasimangot ko.

"Kuya naman eh."Bumitaw ako sa pagkayakap at inaayos iyon dahil magulo na.

"Ang cute mo talaga."Sabay pisil sa aking pisnge.Sunod na yumakap si Arelle kay kuya Arvin at agad ring bumitaw.

"Bakit pala,hindi manlang kayo pumunta sa bahay at bakit hindi rin kayo tumawag na nandito pala kayo ?"Tanong ni Arelle.

"Nagpunta kami,si tita lang nandoon at si daddy,tinanong kita sabi nila tulog ka pa raw."Ani auxrelle

Tumango tango si Arelle "Ano palang ginawa niyo dito sabi niyo next week pa kayo uuwi."

"Napaaga dahil hindi to makapag hintay sabihin sa inyo na....." Putol nito sa sasabihin.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now