Heartless Mom

90 0 0
                                    


TW: SELF HARM, SUICIDAL

Lahat gagawin mo para sa ikakasaya ng mama mo, pero paano kung...yong gustong gusto niya na gawin mo na ikakasaya niya ay...mamatay ka? Magagawa mo kaya iyon? O hindi?

**
Kararylle santos pov

"Alam mong bata ka simula nong dumating ka nagkanda malas malas na ang buhay ko. Nagsisisi ako kung bakit pinanganak pa kita sa mundong to. Nagsisisi ako na naging anak kita, sana hindi nalang kita naging anak, sana hindi nalang. Sa karami rami na tao na pwede kong maging anak, bakit ikaw pa?"

Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa aking pisnge. Ramdam ko ang pagsisisi sa bawat salitang binibitawan ni mama sa akin at iyon ang masakit na simula pala nong dumating ako nagkanda malas malas na ang buhay ni mama. Sorry ma ha? Sorry, kasi ng dahil pala sakin kaya nagkanda malas malas ang buhay no hindi ko naman ginusto iyon ma eh.

Nagsisisi siya na pinanganak niya ko sa mundo. Nagsisisi siya na naging anak nya ko. Sorry ma ha?Sorry, kung bakit ako pa ang lumabas sa sinapupunan mo.Oo nga naman sa karami rami ng tao na pwede niya maging anak bakit ako pa? Pero kahit na ganoon.

Pinunasan ko yong luha ko,
"Hinding hindi ako nagsisisi na naging ina ko kaw ma. Napakaswerte ko pa nga eh kasi mayroon akong magulang at kontento na'ko doon. Kahit ilan mang magulang ang dumating ikaw at ikaw ang pipiliin ko ma kasi mahal kita. Mahal na mahal (kahit emotionally, mentally physically, ang natatanggap ko mula saiyo.) At handa kong gawin ang lahat para mawala ang kamalasan na dala ko kung iyon ang ikakasaya mo."

"Handa mong gawin ang lahat mapasaya mo lang ako?"

Tumango ako at ngumiti
"Kahit ano pa iyan ma gagawin ko."

"Ang mamatay ka, iyan ang gustong gusto ko na gawin mo na ikakasaya ko."

Bigla nalang napalitan ang ngiti sa labi ko ng malungkot, pilit na ngiti na may bahid na sakit.

Gusto niya kong mamatay sa mundo? Sinong ina ang gustong gusto na mamatay ang sariling anak tas ikakasaya pa? Si mama

"Mali lang narinig ko ma diba? Mali lang narinig ko?" Tanong ko pa kahit na rinig na rinig na ng tainga ko ang sinabi niya.

"Hindi ka nagkamali sa narinig. Tama ang narinig mo ang mamatay ka iyon ang gustong gusto ko na gawin mo na ikakasaya ko."

Bigla nangilid ang luha ko. Tuloy tuloy lang sa pag-agos. Pano mo ma nasasabi sakin yan? Bakit ganoon ka nalang kung magbitaw ng masasakit na salita parang ang dali dali lang saiyo, walang kahirap hirap. Sinubukan kong punasan ang luha ko pero kada punas ko may panibago na namang luha.Sabi nila "Pag nakikita raw ng ina na umiiyak, nasasaktan ang anak nila nasasaktan daw sila para sa anak nila" pero bakit sa nakikita ko kay mama parang wala lang sa kaniya na nakikita niya kong umiiyak, nasasaktan? Sabagay siya nga pala ang dahilan kung bakit umiiyak, nasasaktan sa harapan ang anak niya. Why so heartless mama. Simula nong bata pa ako hindi ko naramdaman ang pagmamahal ni mama sakin, ano bang pakiramdam? Sa pananakit nya(emotionally, mentally physically)doon ko naramdaman ang pagmamahal ni mama. Ang sweet nga eh dahil dinadaan sa pananakit ang pagmamahal.
Ganiyan kapanakit, kalupit ang mundo sakin. Kadaya, pati pagmamahal ng isang ina pinagdamot pa sakin. Tao lang naman ako ah, naghahanap ng pagmamahal ng isang ina pero bakit? Bakit ang hirap hirap ibigay sakin. Naging mabuting anak naman ako pero bakit ganito kasakit ang binigay sakin. May nagawa ba kong kasalanan at pinarusaan ako ng ganito.

"Iyan ba ma, ang gustong gusto mo na gawin ko na ikakasaya mo ang mamatay ako?"

"Oo."Walang pag-alinlangan na sagot niya. Dalawang letra pero grabe ang sakit na idinulot sa akin. Alam ko naman na, ang isasagot niya pero tinanong ko pa. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko sa ginagawa ko.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now