Internet Love

109 0 0
                                    


Cresett Lopez pov

"Sana all may jowa, pero dapat all." Pagpopost ko sa Facebook. May nakikita kasi ako lagi sa news feed na I'n Relationship with. Laging laman iyon sakin. Hindi pa nga segundo nagdagsa dagsa na ang pagreact nila ng masayang emoji at pagcocoment.

JuLiAmAe: Jumowa ka na kasi.

NiANa: Ikaw na lang yong hindi pa nag-jojowa, huli ka na HAHAHA.

JhERa: Landiin mo to bhie @Rex

LaTTe: Reto ko sayo @JuswaMo

Pagbabasa ko ng mga comment nila, Hindi ko maiwasan na matawa, mga abno!Namention pa kung sino ang jojowain ko. Nagkaroon ako ng kaibigan sa rpw, kahit pekeng mundo ang ginagalawan namin.

YoUrRiOn: Gusto mo jowain kita?

Umagaw ito ng atensiyon ko na nakapag pataas ng kilay ko. For pete sake sino naman kaya to? So before I reply, I stalk first. Namilog ang mata ko ng makitang friends pala kami sa Facebook, tapos hindi ko manlang alam. Iyong profile pic niya naman, magka same lang ng akin, blurred pero hindi ko lang alam kong siya ba talaga iyon o hindi, Ang sakin kasi, tunay ko talagang pic iyon. Wala siyang ka shared-shared post pero iyong followers, 5.8k. Wow! At mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang taga rito pala siya sa Angeles Pampanga.

Binack ko na at ni replyan siya,

ImCreSe: For real?

Wala pa ngang ilang segundo, may biglang may nag pop sa messenger ko which is siya, dinerekta niya nalang sa messenger ko, ang raming makabasa pag doon pa siya nagreply sa comment section.

YoUrRiOn: Opo. Can you be my girlfriend?

ImCreSe: Ang bilis mo naman, manligaw ka muna.

YoUrRiOn: Paano ba manligaw?

Napaawang ang labi ko.

ImCreSe: Seriously? Kalalaki mong tao hindi mo alam kung paano?

YoUrRiOn: Paano ba dapat?

ImCreSe: Ask google, alam niya lahat.

Ilang araw sineryoso nga niya, nanligaw siya through pan chachat. Napa ibig rin niya ko sa kaniyang matatamis na salita. Naks! Sinagot ko na siya, hindi ko na pinatagal pa. Doon naman patutungo eh. Araw araw lagi kaming nag-cha chat. Lagi rin akong ganado sa lahat ng bagay, kusa akong gumagawa sa gawaing bahay ni hindi na kailangan utusan ni mama at hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Nagtataka nga sila sakin at nagulat nong una. Ano raw ba ang nakain ko at ganito ako kasipag magtrabaho, eh dakilang tamad ako, at buhay prinsesa. Iba talaga ang epekto ng inlab.

ImCreSe: Hi babe, kumusta? Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo?

8:20 pm

ImCreSe: Babe? Bakit hindi ka nagrereply?

8: 30 pm

ImCreSe: May problema ba? Okay ka lang? May nangyari ba?

8: 45pm

ImCrese: Babe, nag-aalala na'ko sayo, ano bang nang-yari?

9: 10 pm

ImCreSe: Please. Chat back.

9: 25pm

Sunod sunod na pag chachat ko.
Nilibang ko nalang muna ang sarili ko sa panunuod ng anime habang hinihintay ang reply niya. Pero hindi ako makafocus sa panunuod dahil lumilipad ang aking isipan sa kung ano bang nangyari sa jowa ko kung bakit hindi nag-rereply. Kaya pinause ko muna at naghintay ng ilang segundo na baka mag-reply. Lumigid ligid nako sa aking kama at napahikab bigla. Mabilis kong kinuha ang cellphone sa side table ng marinig ko itong nag vibrate, tanda na may nag chat, baka ang jowa ko na'to. Agad kong binuksan ang messenger ko, at nadismaya ng makitang hindi siya ang nag chat kundi ang member namin sa g.c.

One Shot Stories Compilation حيث تعيش القصص. اكتشف الآن