I Hate You, Daddy!

80 0 0
                                    


I hate you daddy but it doesn't mean I don't love you, I hate you but I love you!

**
Jamairah Ramirez pov

" Ilang buwan lang namatay si mommy dad, pero may bago ka na agad." May hinanakit na sabi ko sa kaniya.

"Bakit ang dali dali mong palitan si mommy?" Tanong ko sa kaniya.

"Jamairah!"

"Oh bakit, totoo naman ah"

"Ganon ganon na lang ba yon? Minahal mo ba talaga si mommy dad kasi kung minahal mo talaga siya, hindi mo agad iyon basta basta mapapalitan?" Hindi ko man siya gustong pagdudahan, pero siya na rin mismo ang gumagawa ng rason para pagdudahan ko siya sa pagmamahal niya kay mommy.

Napatingin ako sa bagong babae niya na nakakapit sa kaniya at unti unti binaba ang tingin sa umbok na tiyan niya.

"Anong ginawa mo kay daddy ha?, anong ginawa mo sa kaniya, siguro nilandi mo at inakit, nagpabuntis ka pa talaga, para an-?"

Naputol ang aking sasabihin ng may isang kamay ang dumapo sa aking pisngi ikinatabingi ng ulo ko. Natulala ko at labis na nagulat. Hindi ako makapaniwala na nagawa akong sampalin ni daddy dahil sa bagong babae niya. Hindi kayang ipropreso sa utak ko iyon. Ingat na ingat sila sakin mula pagkabata, lalo si daddy. Ni paluin ako hindi ko yon naranasan mula sa kanila tapos ngayon, ngayon nagagawa niya na kong saktan.

"Jack!" Biglang sigaw ng bagong asawa niya sa kaniya, pati siya nagulat rin sa ginawa ni daddy.

"Hindi mo dapat ginanon si jamairah, ano ba!" Ngunit hindi siya pinansin ni daddy.

"Sumusobra ka na, Jamairah."

Pagak akong natawa at nagbadya ring tumulo ang luha ko.

"You- you slap me." Wika ko. "You slap me, pero noon, kahit lamok ayaw mong padapuin sakin, tas ngayon, ngayon nagagawa mo ng padapuin ang iyong kamay sa pisngi ko." Doon mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko at naiyak. Ang hindi niya kailan man ginawa, ngayon nagawa niya. Nagawa niya.

"Kaya mo pala yon gawin dad?" Nanunuya na saad ko sa kaniya.

"Anak.." Ng mapagtanto niya siguro ang kaniyang ginawa.

"Sorry, sorry nadala lang si daddy, anak hindi ko sinasadya-" Akmang lalapit siya sakin pero lumayo agad ako.

"I hate you! I hate you, daddy!" Diretsong saad ko. Gumuhit ang sakit sa mukha niya, Hindi ko siya gustong saktan sa totooo lang, kusa nalang iyon lumabas sa aking bibig.

"But it doesn't mean I don't love you, I hate you daddy but I love you !" Gusto ko pa sanang idugtong iyon pero walang lumabas sa aking bibig.

"Jamairah Anak-"

"You change," Umiiyak na saad ko.
"Hindi na ikaw ang daddy ko. Ibang iba siya sayo. Ang daddy ko kasi hindi siya nanakit, hindi siya nananakit, hindi katulad mo na...nananakit." Nangilid ang luha sa pisnge niya.

"Anak, Ako parin to. Ako parin ang daddy mo, anak ko."

Umiling ako bago tumakbo paalis, takbo lang ako ng takbo na di ko inalintana ang pagod. Namalayan ko nalang na sa park ako dinala ng mga paa ko kung saan maraming bata ang naglalaro halata sa mukha nila ang sobrang kasiyahan na nararamdaman, na paglaki hindi na nila minsan maramdaman ang ganoong kasiyahan. Tumigil ako at umupo sa may bench saka tuminggala sa kalangitan habang hinahayaan na umagos ang luha sa aking mga mata. Bumabalik na naman yong lungkot at sakit. Halo halo, nong nawala si mommy, totoo pala na pag hindi ka pa nakahilom sa nakaraan dala dala mo parin siya sa kasalukuyan. Dumagdag ba iyong kay daddy at sa bagong asawa niya.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now