Chapter 22

137K 1.2K 74
                                    

CELINE'S POV

Be sure you'll ready.

What ?! Kinabahan naman ako dun. Ano'ng ibig sabihin ng unggoy na yun ?

Dapat pala, sinabi ko na lang na nagpunta na ako ng OB. Mukhang may binabalak pang masama.

Napakagat ako ng labi ko.

"Ah ... Jason, alam mo ba kung nasa school na si Shaun ?"

Mukhang nagtaka ito.

"Po ?"

Oo nga pala, ako lang ang tumatawag ng Shaun sa kanya.

"Ah, I mean si Jared ... Nasa school na ba siya ?"

"Opo. Kanina pa po, Ms. Celine. Gusto nga po sana kayong sunduin kaso, maaga daw po ang pasok niya."

Ha ? Susunduin niya sana ako ?

Mamaya, tumunog yung cellphone ko.

[Gusto mo ng tagu-taguan, ha. Well, be ready for my price. I'm sure I'll get you.]

Nanlaki ang mga mata ko.

Tagu-taguan daw ?

Oh my goodness, text pa lang, nase-sense ko ng hindi maganda ang tagu-taguan na yan.

No ! Hindi ako magpapatalo sa yo, unggoy ka ! Hindi mo ako makikita, hindi mo ako mahuhuli.

Pero saan naman ako magtatago ?

Pero mas lalo akong kinabahan nung, makarating na pala kami sa school.

Sht. Paano kung makasalubong ko si Shaun ?

"Ah ... Guys, kapag nagtanong si Sha--- I mean si Jared kung nandito na ako, pakisabi, nasa klase na ako, ha. Wag niyong sasabihin na 11 am pa ang pasok ko, okay ?"

Tumango naman ang dalawa.

"Yes, ma'am." si Marcus.

I sighed. Ano ba kasing pinagsasabi ko ?

***

JARED'S POV

Gusto mo pala yung ganito, ha ?

Pakipot ka pa, I know how you want it too, Celine. Nahihiya ka lang.

At talagang hindi ka pa nagpunta ng OB, tapos magdadahilan ka na naman sakin na masakit.

Lagot ka talaga sakin, dumating ka lang.

Hindi kita pakakawalan.

Ipapakita ko sa yo kung gaano kasarap makipagtaguan sakin. Hindi ko maiwasang matawa habang iniisip yun.

Naisip kong tawagan sila Jason.

"Hey, nandito na ba si Celine ?"

"Yes, sir."

"Where is she ?"

"Nasa media room po, sir. May urgent activity po kasi sila."

"What ? Nandyan ba kayo ngayon ?"

"Opo, sir."

"Okay, good." at naibaba ko na ang phone.

Ano to, iniisahan ako ? Urgent activity sa media room ?

Hindi naman ako makaalis dahil may klase ako, nag-excuse nga lang ako para lang i-confirm kung nandito na siya.

Sige, pagbibigyan kita, magkikita naman tayo mamaya eh.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon