Chapter 20

150K 1.3K 51
                                    

CELINE'S POV

After ng breakfast, umalis na din ang mga Monteverde. Mabuti naman at umalis na rin si Shaun. Aatakihin pa yata kasi ako sa puso ng dahil kanya.

Isa pa, ayoko na muna siyang makita ngayon. Nahihiya talaga ako sa nangyari. Sa naging kilos ko. I just let him all the way to do it. Pero may magagawa pa ba ako ? Eh tapos na. Nangyari na.

I sighed. Tuluyan na lang akong naghanda para sa pagpasok. Mas mabuti kung iiwasan ko na lang siya mamaya.

**

Sari-sari ang naging reaksyon ng schoolmates ko pagdating sa school. Alam kong nabalitaan na nila ang engagement naming ni Shaun. Merong mga natuwa, at karamihan ay nagtaas ng kilay.

"Congrats, Celine !"

"Ang swerte mo, ha. Ang hot ni Jared."

"Grabe, childhood friends pala kayo, no ? Hindi kasi obvious eh."

Eh hindi naman kasi talaga.

Pero nginitian ko lang ang lahat ng yon matapos ko silang mapasalamatan.

Sanay na ako sa mga ganito. Sila mommy naman kasi, ang hilig magpa-media ng family events. Yan tuloy, ako ang nagsa-suffer.

Hindi ko alam kung paano ako maglalakad ng maayos dahil masakit talaga ang gitnang bahagi na yon. Ganito ba kahirap mawalan ng virginity ? Masakit na nga sa katawan, mahirap pang maglakad.

Ito na ba yung sinasabi ni Shaun ?

Kasalanan mo yan, pumayag ka, eh.

Ang galing talaga nitong konsensya ko, eh. Ang galing manisi pero kapag nandyan naman si Shaun, kung todo panged-demonyo sakin.

As much as I can, pinipilit ko talagang maglakad ng maayos, nahihiya na rin kasi ako kila Jason and Marcus, napapansin kasi nila.

"Ms. Celine, okay lang po ba talaga kayo ?" tanong ni Marcus.

Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Yah, m-medyo masakit lang ang talampakan ko. Don't mind me." alibi ko na lang.

So, siya pala ang fiancee ni Jared.

Maganda naman kasi, model pa.

Maganda nga, magaling ba sa kama ?

Eh mahinhin yang si Celine, eh. Malamang, wala yang binatbat sa kama.

Will Jared be satisfied with her ?

Aba't grabe tong mga babaeng to, ah ! Pag-usapan daw ba ako at talagang iparinig pa sakin ? Kung hindi lang ako mabait, kanina ko pa sila pinatulan. Pero nilagpasan ko na lang. Ayokong simulan ang umaga ko ng bad vibes. Kaya nagtuloy-tuloy ako ng lakad.

Pero may narinig akong nagtatawag sakin.

"Celine ! Please, talk to me, please !" at unti-unti na namang nanayo ang mga balahibo ko.

I know that voice. I know who he is.

Ayokong lumingon. Maaalala ko lang lahat ng ginawa niya sakin.

"Sir, wag na po kayong makulit. Hindi kayo pwedeng lumapit sa kanya." si Jason.

Okay na kaya ang mukha niya ?

Magaling na kaya ? I somehow still care for James.

"Please, payagan niyo naman ako, o. Gusto ko lang siyang makausap. Hindi ko naman siya sasaktan, eh. Please, nagmamakaawa po ako sa inyo." Basag na basag na ang boses niya.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon