Chapter 19

148K 1.3K 43
                                    

JAMES'S POV

Tama ba ang nakikita niya sa broadsheet na binabasa niya ?

"Finally ... it was revealed that Ms. Celine De Asis of De Asis Corporation was engaged to Monteverde's group of companies, their very own handsome young man, Jared Monteverde. Their wedding was said to be a month from now, as per Mr. De Asis, father of the heiress."

Said by the article.

"Shit ! No !" at naibagsak niya ang dyaryo.

Hindi maiwasang mapamura ni James sa nalaman. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ang lahat ng to ngayon. Yung pakitang gilas na yun, yung ang pinagkasundo ng parents ni Celine sa kanya ? Yun ang pakakasalan niya ?!

Kaya ganon na lang ba kung magsalita ito ? At kaya ba nandun ito nung nasa police station siya ? kaya ganon na lang ito ka-protecrive kay Celine ?

He thought they're just mere childhood enemies.

How come they'll end up like this ?

At siya dapat ang pakakasalan ni Celine.

And he remember their plan to get married, before everything happened.

Kung hindi lang talaga sa kagaguhan niya.

Pero desperado na rin kasi siya ng mga oras na yun. Nakipag-break si Celine sa kanya. Hindi niya ito kayang mawala. Mahal na mahal niya si Celine.

Gusto niya itong ipaglaban.

Pero paano pa kung may bodyguards na ito para protektahan laban sa kanya ? Proscribed person pa siya dito. Iniisip niya kung paano pa siya makakalapit sa dalaga.

Agad din namang ibinalita sa kanya ng attorney ng pamilya De Asis na binabawi na nila ang kaso laban sa kanya. At mismong si Celine ang nagpabawi noon.

Gusto niyang pasalamatan ang dalaga sa ginawa nito para sa kanya. Pero paano niya gagawin yun kung may mga taong laging nakabantay dito at ni ayaw siyang palapitin kay Celine ?

Idagdag pa ang Jared na yun na palaging umeeksena.

G'go ka, Jared ! Bakit ikaw ?! Bakit hindi ako ?!

Naalala niya pa kung ano ang naging reaksyon ni Celine matapos siyang Makita nito noong subukan niya itong kausapin. Mabilis na bumakas ang takot sa mukha nito pagkakita sa kanya. Sobrang takot na takot siya.

And he can't blame her. he really can't.

At hindi niya rin maiwasang hindi madisappoint ng sobra sa sarili niya. Hindi niya alam kung paano niyang nagawa iyon sa pinakamamahal niya. Hindi niya rin expected na magagawa niya ito kay Celine ng dahil lang sa sobrang pagmamahal niya para ditto.

Pero nagawa na niya, at kahit pagsisihan niya pa yun, tapos na. hindi na pwedeng burahin pa. mahirap ng ibalik sa dati ang lahat.

And James is not aware that tears are streaming down his face while remembering the sweetest moments he has with Celine and realizing how broke he is, right now.

***

JARED'S POV

Napatingin ako sa digital clock, it's already 6:00 am. Naalimpungatan kasi ako.

Umaga na pala. Napasarap kasi ang tulog ko, eh.

Naimulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko.

Ramdam ko kasing may nakayakap sakin.

And, she's there.

Celine, sleeping so peacefully.

Napagmasdan ko ang mukha niya. Ang ganda, mas maganda pala ang morning face niya. Hindi ko naman sinabing pangit kapag hindi ang morning face niya ang nakikita ko but, I find her more pretty when she's in her morning face.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon