Chapter 60 - THE LAST CHAPTER

135K 1.6K 140
                                    

CELINE'S POV

Napangiti si Shaun bago naisubo ang natitirang isang kutsara ng soup na pinapakain ko sa kanya.

"See ? Naubos mo din yung soup mo ?" I said, smiling to him.

Natingnan niya ako. "Paano ba namang hindi ko mauubos kung ganito kaganda at kaseksi ang personal nurse ko." sabay kindat sakin.

Natawa ako. Ang asawa ko talaga, ang dami-daming alam, makapambola lang.

"Sexy ? You call me sexy ? Eh kita mong tumataba na nga ako ng dahil sa kambal, eh."

"Don't worry, kahit na super taba ka pa in the future, hindi ako magsasawa sa yo. Tsaka okay lang yan, for sure after you give birth to our twins, your body will be back in good shape. So, don't mind your figure, baby."

And this is one of the things I love the most about him. I know that no matter how I look in the future, he will still love me. And it will not change.

I stare at him.

"Really ? What if hindi na ako bumalik sa dati pagkatapos kong manganak ? Maghahanap ka ba ng mas sexy at hindi matabang babae ?"

He pinch my nose.

"Aray ko naman !" at napahawak ako sa ilong ko. Nakakainis tong lalaki na to, kung hindi ka lang nasa ospital at puro gasgas at pasa sa katawan mo, kanina pa kita hinampas.

Bigla-bigla na lang nangungurot. Hmp.

"Do you really think I will do that ?! Grabe ka talaga, hanggang ngayon ba, wala ka pa ring bilib sakin ? Kahit na nangyari na to ?" and he made a sad face. Gusto kong matawa, kaso baka naman magalit.

I smiled. Niloloko lang, eh. Dinaig pa ako sa pagtatampo. Hindi naman siya buntis.

I carress his face.

"It's only a joke, Shaun. Don't take it seriously."

And soon, ngumiti na ulit siya. "Kahit ilang beses mo pa akong tanungin ng tungkol dyan, hindi magbabago ang sagot ko. It will remain the same. At yun ay, hinding-hindi ako maghahanap ng iba dahil alam kong nakita ko na ang para sakin. And I know it's you, Celine. Ang lampa kong asawa ..." sabay tawa.

Doon ko siya nahampas.

Grabe, pinagbigyan ko na nga, eh. Pero ginantihan rin ako.

Hanggang ngayon talaga, inaasar pa rin ako ng lalaking to, hindi na nagbago. It's 11 years ago, pero ginagamit niya pa rin yung laban sakin. Hmp.

I pouted.

"Baby, halika nga dito." at iginiya niya ako paakyat ng kama.

Naalalayan ako ni Shaun hanggang sa makasampa ako, at makatabi sa kanya. Napasandal kami sa headboard ng kama.

Humarap siya sakin at natitigan ako.

Hindi talaga ako magsasawang titigan habangbuhay ang asawa ko.

Ang gwapo ng mukha niya, at hindi nakakasawa ang hitsura.

"Kahit naman lampa ka noon pa man, mahal na mahal pa rin kita, Celine. At mamahalin kita hanggang sa mabuo na natin ang pangarap naming basketball nila daddy, at hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin. Hinding-hindi tayo maghihiwalay, oo mag-aaway, pero ang maghihiwalay ... itaga mo sa bato, hinding-hindi mangyayari yun. Mamamatay muna ako, bago mangyari yun, Pero wag muna ngayon, ha. Kasi, miss na miss na kita eh. At hindi pa ako nakaka-iskor sa misis ko. SO, I think, after 100 years, pwede na siguro."

Natawa na ako ng tuluyan. Nababaliw na si Shuan. Kung ano-ano ng sinasabi.

"Hindi na pwede, sabi ng mga babies natin. Baka masaktan daw sila."

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon