Chapter 56

100K 1K 96
                                    

CELINE'S POV

Wala na si Shaun. Umalis na papuntang Spain. Ayaw mang mag-sink in sa utak ko, unti-unti ko ng nararamdaman na, wala na sa tabi ko ang asawa ko.

And I'll be alone for 2 weeks.

Well, yes ... I have our mommies and daddies since dito muna ako kila mommy habang wala siya pero, iba pa rin kapag nandyan siya.

"Baby ... Kanina ka pa tahimik, baka nai-stress ka na, wag mong masyadong isipin yung pag-alis ni Jared. Babalik agad yun." payo ni mommy Jas na katabi ko sa kotse.

Nalingon ko siya mula sa pagkakatanaw ko sa labas ng bintana.

At nabigyan ng matipid na ngiti.

"Yes, mommy."

Namimiss ko na agad siya. For sure, ganon din ang mga babies namin. Hayy.

Nayakap ako ni mommy Jas.

"Princess, wag na masyadong mag-isip, ang mga apo namin, mai-stress din kapag stress ang mommy nila." si daddy Chris.

"And don't worry, for sure ang unang gagawin ni Jared pagkadating niya sa Barcelona ay ang tawagan ka. Hinding-hindi lilipas ang araw ng hindi niya gagawin yun, hija." si daddy Sonny.

"Mukhang inlove na inlove ang princess ko sa dati niyang kaaway. I was just so happy na naging maganda ang bunga ng arrange marriage niyo. And I know, Jared loves you so much, sweetie. So nothing to worry about, okay ? Smile !" cheer ni mommy Jane.

At tuluyan na akong napangiti. Ang sarap lang sa feeling, na merong mga taong nandito para sakin, kapag nalulungkot ako.

And they happened to be my parents.

"I'm lucky to have you, guys." sabay ganti ng yakap kay mommy Jas.

Natawa sila doon pero, yumakap din si daddy Sonny na katabi lang ni mommy Jas dito sa backseat.

Nalingon kami nila mommy Jane and daddy Chris na mula sa front seat at nangitian.

Alam kong magiging masaya ang mga kambal kapag lumabas na sila dahil masayahin ang pamilya niya.

***

JARED'S POV

Ngayon pa lang, parang gusto ko ng mag-resign sa president's position ng bagong business nila. Kung puro ganito ang magiging takbo ng career ko, labas pasok ng bansa na hindi kasama ang pamilya ko, shit. Magreresign talaga ako.

Hindi ko man lang na-enjoy ang byahe ko. Of course, wala si Celine.

Ano na kayang ginagawa niya ? Miss na kaya niya ako ? Kasi ako, miss na miss ko na siya agad.

Nagmamadali na nga akong mag-drive para makarating agad sa bahay ng makatawag na.

Gustong-gusto ko ng marinig ang boses niya, eh.

Pagkadating ko sa bahay, agad kong pinark ang sasakyan, at agad na pumasok. Naipasok ng care taker ang mga gamit ko sa kwarto. May bahay naman kasi kami dito so, walang magiging problema sa tutuluyan.

I hurriedly press number 2 para sa speed dial number ni Celine.

"Hello ? Baby ?"

"Shaun, ikaw na ba yan ? Oh God ! Nakarating ka na ba ?"

"Yepp, kararating ko pa lang. Tumawag nga ako agad sa yo dahil namimiss kita agad, eh. Namiss mo ba ako ?"

"Kung alam mo lang ... Buti nga at chinicheer ako ng mga oldies dito. Uwi ka na dito, please." at parang batang nagrerequest.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon