CHAPTER 49

380K 6.8K 610
                                    

Makikipag kitang muli si Andra kay Miguel. Pinuntahan niya ito sa condo unit nito. Nakausap na niya ito kahapon at nangako na kakausapin nito si Martina. She was hoping na may magandang ibabalita ito sa kanya. Tinawagan niya ito kanina pero ani nito ay mag-kita na lang sila sa unit nito.

Si Miguel na lang ang pag-asa niya ngayon dahil kasama ito sa deal na gusto ni Martina. Desido rin siyang mabalik sa kanila ang kumpanya, lalo ngayon na nag-kamalay na ang kanyang ama. Kitang-kita niya ang bigat na dinadala nito kaninang puntahan niya ito sa ospital.

Agad nitong hinahanap ang abogado, dahil may kailangan daw silang pag-usapan. Pero ng sabihin niya ditong maiibalik na ang kumpanya ay nakita niya ang pagguhit ng kaginhawaan sa mukha nito.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng ama sa kanya.

"Salamat, Andra, salamat, salamat anak ko," Iyon ang mga katagang sinasambit ng kanyang ama ng paulit-ulit. Parang dinudurog ang puso sa isipang wala pa naman talagang kasiguraduhang maibabalik ang kumpanya nila.

Ayon din sa doctor, hindi ito maaaring ma-stress dahil hindi pa raw nito kakayanin ang stress. Posibleng ikamatay na nito kung muli itong atakehin.

Nasa harap siya ng pinto ng unit ni Miguel at inaantay ang pag-bukas nito. Nang bumukas ito ay agad itong humalik sa pisngi niya at pinapasok siya.

"Miguel, anong balita? Anong sabi ni Martina?" agad niyang tanong dito.

"Upo ka muna," umupo silang mag-katabi.

"I'm sorry, Cassy," umiling-iling si Miguel, nanglulumo siyang napasandal at napahawak sa ulo. Biglang siyang nakaramdam ng pag-kahilo.

"Are you okay? You look pale," mabilis na tumalilis si Miguel papunta sa kitchen. Bumalik ito na may dalang isang basong tubig at pinainom sa kanya.

"Thanks," saglit niyang ipinikit ang kanyang mata. Nawawalan na talaga siya ng pag-asa- walang-wala na.

Napadilat siya ng biglang may naisip. Tumingin siya kay Miguel.

"Miguel," hinawakan niya ang kamay nito.

"Let's get married," bakas ang pag-kagulat sa mukha ni Miguel sa tinuran niya.

"I know it's ridiculous, nadadamay ka sa problema kong 'to. Wala na talaga akong choice," bigla na lang siyang umiyak na naman. Agad naman siyang niyakap ni Miguel.

"Tahan na, I'm willing to help you." Nilayo niya ang sarili dito at tumingin muli kay Miguel.

"Mag-pakasal tayo, a fake marriage. 'Yon lang naman ang gusto ni Martina eh, after na makuha ko ang company, magiging okay na ang lahat." She acts so desperate, pero talagang desperada na siya. Susunggaban na niya kahit ano, ma-protektahan lang ang pamilya niya. Dahil sa oras na mawala ng tuluyan ang kumpanya nila, maraming stockholder na siguradong mag-wawala talaga.

Maaaring magalit at kamumuhian talaga siya ni Iñigo, pero magiging maayos ang lahat kapag naipaliwanag niya na dito. Masyadong desperada si Martina, kaya kahit ano gagawin din nito. Pero hindi nito naisip na posible naman malaman ni Iñigo ang lahat pag-nakuha na niya ang kumpanya at maaari rin silang mag-pa-annul ni Miguel. Marahil naisip nitong by that time , makukuha na niya si Iñigo. Pero hindi niya hahayaan iyon.

"Okay, tahan na 'wag ka ng umiyak."

"I'm sorry kung nadadamay ka sa gulong 'to Miguel."

"It's okay," ramdam niya rin ang lungkot sa tinig ni Miguel.

Pag-katapos ng pag-uusap nila ni Miguel ay nag-paalam na rin siya dito. Tumawag si Iñigo sa kanya at nag-tatanong kung asan siya. Sinabi niya dito na nasa opisina pa siya. Hindi na nito kailangan malaman na nasa unit siya ni Miguel dahil paniguradong mag-tatanong iyon kung ano ang ginagawa niya doon.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon