CHAPTER 29

522K 9.2K 1.1K
                                    

A/n: hello guys! sorry sa matagal na update.. wala parin akong net. connection. huhuhu! gusto ko na ngang mag-bigti... tyaga lang ako sa piso net. cafe ngayon, para makapag-update. wahahaha! sorry talaga.

___________________________________

"Mommy! Mommy" Kinakalabog ni Gelo ang pinto ng guest room kung asan si Cassandra, kasama nito ang matandang yaya ni Iñigo. Bumukas ang pinto.

"Baby!" Agad na niyakap ito ni Cassandra.

"I miss you baby!" Pinupog niya ito ng halik.

"I miss you too mommy." Sagot naman ni Gelo at yumakap din sakanya ng mahigpit.

"Hija, halika na, mag aalmusal na." Ngumiti dito si Cassandra at tumayo.

Hinwakan niya ang kamay ni Gelo at sabay na silang nag lakad papuntang hagdan. Bumababa sila, bumitaw si Gelo sa 'kanya at tumakbo papuntang dining room. Nakita niyang yumakap si Gelo sa tatay ni Iñigo, nakaramdam siya bigla ng hiya. Bumitaw naman si Gelo at tumakbo kay Iñigo na galing kusina, naka-suot ito ng pang opisina, pero naka apron at may dalang plato..

"Hi baby, where's mommy? Ginising mo na ba?"Tinuro ni Gelo si Cassandra na nakatayo sa di kalayuan. Napangiti naman ng husto so Iñigo, agad itong nagpunta ng lamesa at nilapag ang dala-dalang pagkain. Lumapit ito kay Cassandra.

"Halika Andra" Hinawakan ni Iñigo si Cassandra sa mag kabilang balikat at giniya papuntang dining table. Tumayo naman ang daddy ni Iñigo.

"Welcome home hija." Niyakap siya nito, napangiti nalang si Cassandra. Kumalas ito ng yakap.

"Kaya naman pala biglang nag sipag mag luto itong si Iñigo, dahil may espesyal na bisita." Sabi ng daddy ni Iñigo.

"Sit down hija."Sumunod naman si Cassandra, umupo naman si Iñigo sa tabi ni Cassandra, si Gelo naman sa katabi ni Madam Sonia, gusto kasi nito na siya ang mag papakain sa apo.

"Cassandra hija, salamat huh." Sabi ni madam Sonia.

"Salamat po saan?"

"For giving us Gelo." Ngumiti lang si Cassandra.

"Hindi naman sa abuso ako hija, pero sana bigyan niyo uli ako ng isa pang apo, baby girl naman." Nanglaki ang mata ni Cassandra sa sinabi ng madam.

"Sonia! ito laging excited. Kasal na muna ang unahin." Parang natutuyuan ng laway si Cassandra sa mga pinag-sasabi ng magulang ni Iñigo.

Napainom nalang siya ng tubig, tumingin siya kay Iñigo sa pamamagitan ng gilid ng mata niya. Nakita niyang ngiting-ngiti ito.

Bakit kaya ako ang hinihingan ng apo ng mga ito? Bakit hindi nila hingan si Martina? - Sa isip niya, at bigla-bigla parang nag ngi-ngit-ngit na naman ang kalooban niya.

"Andra kain ka ng madami ah." Nilagyan ni Iñigo ng pagkain ang plato niya.

"Um... Iñigo-"

"Yes baby" Mabilis na sagot ni Iñigo kaya napahagik-gik ang mommy nito, kahit ang daddy niya napangiti ng husto.

Pasimpleng irap naman ang pinukol niya kay Iñigo, nginitian lang siya nito.

"Yung offer mo na.... pwede ako dito habang nandito si Gelo, pwede pa--"

"Of course! Pwedeng-pwede! Sabi ko naman sayo diba, you can stay here as long as you want." Putol ni Iñigo sa sasabihin ni Cassandra.

Para kay Iñigo hindi na kailangan makiusap ni Cassandra, dahil kung siya lang gusto niya habang buhay na itong tumira kasama niya.

"Salamat" Tipid niyang sabi, napag-isip-isip niya rin kasi ng nakaraang gabi na parang hindi niya talaga kaya kung malalayo siya kay Gelo ng isang buong linggo.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now