CHAPTER 15

514K 10.7K 403
                                    

Daming votes salamat sa mga votes.. please support niyo ang  new story na ginawa ko.. entitled  LEGACY- I Kiss You 'Coz I Hate You. Thanks! Muawh....

________________________________

Papunta si Iñigo sa resthouse niya. Halos paliparin niya ang sasakyan, gustong-gusto niya na talagang makita ang mag ina. Maaga siyang nagising para bumyahe.

Narating niya ang resthouse at agad na umibis ng sasakyan, hindi na nito inayos ang pagkakaparada pa. Tumakbo siya papunta sa loob.

"Sir Iñigo ang aga niyo po." Sabi ng nakasalubong niyang si Nana Caring.

"Nana Caring si Andra po?"

"Sa loob nag aalmusal." Mabilis siyang tumakbo papunta sa loob. Agad siya pumunta ng dining area at napahinto siya bigla ng makita ang dalawa.

Sinusubuan ni Cassandra si Gelo, nakaupo ito sa dulo ng table. Napangiti si Iñigo habang nakatingin. Napansin siya ni Cassandra.

"Iñigo hi." Bati sakanya ni Cassandra. Lumingon din si Gelo na nakatalikod sakanya, nakaupo sa longside table.

"Tito Iñigo!" Bumababa agad si Gelo sa upuan at mabilis na tumakbo papunta sakanya.  Agad niyang binuhat si Gelo at mahigpit na niyakap.

Hinalikan niya ang ulo nito ng paulit-ulit at muling hihigpitan ang yakap. Parang natutunaw ang puso niya sa sobrang saya at nagtubig ng bahagya ang mata niya na agad naman niyang sinupil para hindi tuluyan bumagsak ang luha.

"Did you miss me Gelo?" He asks. Umangat ng ulo si Gelo.

"Opo! I miss you very big!" Masiglang sagot ni Gelo.

"Ahahaha! I miss you too very very big." Pinupog niya ito ng halik sa mukha kaya napahagikgik ang bata.

Napangiti naman si Cassandra na nakatingin sa dalawa. Lumapit si Iñigo sa table tinitigan niya si Andra ng mabuti. Gustong-gusto niya itong yakapin. Ngumiti nalang siya dito at tumingin kay Gelo uli.

"Ako magpapakain sayo Gelo ah. Gusto mo?" Tanong niya at pinaupo uli si Gelo.

"Opo!" Sagot ng bata at umupo din si Iñigo sa tabi nito.

"Ako na Andra ang magpapakain." Kinuha ni Iñigo ang pagkain at sinubuan si Gelo.

"Ang aga mo ata ngayon?" Tanong ni Cassandra

"Oo, wala naman akong appointment." Sagot niya pero ang totoo punong-puno ang schedule niya ngayon lahat pinaka cancel niya.

"Gelo, gusto mo bang mamasyal tayo?" Tanong niya.

"Opo! Gusto ko!" Masiglang sagot nito.

"Saan mo gustong pumunta?"

"Theme park!" Tinaas pa nito ang dalawang kamay.

"Theme park!  Masaya nga d'on. Halika nga." Tumayo siya at binuhat si Gelo.

"Gusto mo punta tayo sa Disney Land? Huh?" Nanglaki ang mata ni Gelo.

"Yehey! I wanna see mickey mouse. Yehey!" Tinaas ni Iñigo si Gelo habang nakatingala siya dito tawa naman ito ng tawa.

"Okay! Pupunta tayo ng Disney land."

"Hoy Iñigo!  Pwede ba wag mo akong pinapasubo sa anak ko. Anong Disney land ka d'yan." Saway ni Cassandra. Kinarga uli ni Iñigo si Gelo ng maayos.

"Ayaw ni mommy Gelo." Iñigo says.

"Mommy! I wanna go to Disney land. Please!"

"Dadalhin kita sa enchanted kingdom. Doon lang kaya ko." Bumulong si Iñigo kay Gelo. Pagkatapos binaba ito. Lumapit si Gelo kay Cassandra.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon