CHAPTER 34

519K 8.7K 443
                                    


Hey Yamara my dear, ito na extra ka na dito.

______________________
Pagkatapos ng nangyari sa beach resort,  agad na umalis si Cassandra, mabuti na lang at hindi pa nila nailalagay sa closet ang mga damit nila kaya binuhat na lang nila, kahit tulog na si Gelo byenahe pa rin niya. Nag-pahatid na lang siya kay Miguel at dito sila tumuloy sa bahay ng mga magulang niya. Masyado talaga siyang nasasaktan sa nangyayari sa kanila ni Iñigo,  nalalabuan talaga siya ng husto sa mga ginagawa nito. Ito siya ngayon nakaupo sa beranda at nakatingin sa kawalan.

"Andra" Nilingon niya ang tumawag sa kanya.

"Dad" Umupo ito sa kaharap na upuan kung saan siya nakaupo. Tinaas nito ang isang newspaper, takang kinuha naman niya ito at tinignan.

"Oh my!" Halos lumuwa ang mata niya dahil sa balita at mga pictures niyang nakabalandara dito, throughout her life ngayon lang siya nabalita sa isang newspaper.

Kuha ang mga pictures sa beach at kahapon lang yon, lahat ata ng eksena na nangyari sa beach ay nasa newspaper na, pati si Gelo nadamay na din. Ayon sa balita siya ang dahilan kung bakit nag-kakalabuan si Martina at Iñigo dahil siya ang babaeng nabuntis ni Iñigo noon, at ngayon sinasabi na nag-hahabol siya at gusto niyang panagutan siya ni Iñigo.

Ayon naman sa isang writer, siya naman daw ngayon ang kinahuhumalingan at pinag-aagawan ng dalawang most eligible bachelor in the country. May pictures pa na magkahawak sila ni Miguel ng kamay at hinila siya ni Iñigo. 

"Grabe! Ang lumapit ng mga paparazzi dito, akala ko sa hollywood lang ang may ganito." Tumingin siya sa daddy niya, napapikit siya dahil 'yong titig nito mukhang maraming nakalistang tanong.

"So.." Napabuntong hininga siya kahit 'so' palang ang naririnig niya mula dito,  baka masermon na naman siya nito dahil nakakaladkad na naman ang pangalan nito sa kahihiyan.

Hindi pa rin niya nasasabi sa mga magulang niya ang tungkol kay Iñigo. Nilapag ni Cassandra sa bilog na salaming lamesa ang newspaper na hawak niya bago sumagot.

"Dad, that is not the entirely true. Some.... but  not all."

"So, which is true?" Hindi siya sumagot.

"Is that Inigo Galvez is a father of Gelo?" Tumitig siya mata ng daddy niya at tumango.

"Siya ang lalaking ng iwan at nangloko sa 'yo?"

"Dad no. not that! he didn't know that I was pregnat." Hindi na niya balak pang sabihin na aksidente lang ang pag-kakabuntis niya, mas nanaisin na lang niyang isipin nito na na buntis lang siya ng naging kasintahan niya.

"CEO yan ng Galvez group of company, nag karelasyon pala kayo niyan? Bakit hindi mo sinabi yan noon? Noon pa man laman na yan ng mga balita dahil sa pagiging babaero niyan."

Malay ko! Hindi ko siya kilala noon.. -Kung malamang lagi siyang sumama sa mga party na dinadaluhan ng magulang niya possibleng nakilala niya si Iñigo.

Hindi rin siya magtataka kung kilala ito ng mga magulang niya dahil kilala naman talaga ito ng halos lahat, ewan ba niya kung bakit siya lang ang hindi nakakakilala dito. Siguro dahil wala siyang ibang interest maliban kung may kinalaman sa interior designing.  Kahit mga magazine, binabasa lang niya  pag tungkol sa arts.

"Nakatira ka sa kanya ngayon?"Tanong nito, dahil nasa balita din yong tungkol sa pagtira  niya kila Iñigo.

"For Gelo dad, iniiyakan niya ako eh, he wants his father."

"Hindi ba 'yon makakasama sa apo ko Andra?" Nagtatanong ang mata niyang tumitig sa daddy niya.

"A broken family. He has girlfriend and soon they will get married, and you will have your own as well. Kawawa ang bata niyan." Napaisip si Cassandra at napasandal. Kawawa nga ang anak niya, umaasa ito na magiging happy family sila na impossible naman mangyari. Naiisip pa lang niyang masasaktan si Gelo naiiyak na siya.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now