CHAPTER 28

473K 8.7K 447
                                    

GALVEZ' Comp:

Magkausap si Iñigo at David sa opisina ni Iñigo.

"David I'm sorry sa nang-yari, hindi ko talaga yun sinasadya." Hinging paumanhin ni Iñigo sa kabigan. Alam na nito ang tungkol kay Iñigo at Cassandra.

"Gago ka! Ikaw pala ang dahilan kung bakit kami nasira ni Cassandra." Napahampas pa ito sa desk niya.

"Again, I'm sorry david."

"Balita ko niligawan mo lang si Cassandra dahil sa naging anak niyo? Binalaan na kita na wag mo siyang sasaktan diba?"

"Hindi yun totoo!" mabilis niyang sagot.

"Wala na kayo ni Cassandra, liligawan ko uli siya."

"Dude hindi." Mabilis na sagot ni Iñigo at napabuga pa ng hangin.

"Dude, david. Si Andra mahal ko, misunderstanding lang ang lahat. Utang na loob David, hindi ko na alam kung paano ko pa ma-papaamo si Cassandra, wag ka ng dumagdag pa."

"Mahal mo talaga siya?" Tanong ni David.

"Mahal na mahal. And I'll do everything to win her back." Seryoso niyang pahayag, tumango nalang si David.

"Daddy!" Masiglang hiyaw ni Gelo ang narinig ng dalawa. Tumakbo si Gelo, papunta kay Iñigo at agad naman niya itong kinandong.

"Hi Gelo, remember me? Tito David."

"Hi tito David." Bati ni Gelo dito.

"Sino kasama mo nag-punta dito? Si lola ba?" Tanong ni Iñigo sa anak.

"Hi guys!" Muling tumingin ang dalawa sa may pinto.

"Si tita Martina po at lola ang kasama ko daddy." Sabi ni Gelo, lumapit si Martina at nag beso kay Iñigo, maging kay David at umupo ito sa tapat ng desk ni Iñigo.

"Martina, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Iñigo.

"Pumunta ako sa bahay niyo, binisita ko si Tita, pero ako ang na-surprise ng husto sa nalaman ko. God! Anak mo pala si Gelo, nakakagulat talaga yun." Ngumiti lang si Iñigo.

"So, kumusta kayo ni Cassandra?" Tanong ni Martina.

"Ayon, galit na galit sakin. Pero, hindi naman ako susuko, gagawin ko ang lahat para patawarin niya ako." Napa-chin-up ng husto si Martina sa narinig.

"Dude, mauna na ako. Ikaw na bahala kay Andra ah." Paalam ni David.

"Okay dude, salamat." Nagpaalam din ito kay Gelo at Martina bago umalis. Bumababa si Gelo mula sa pagkakandong kay Iñigo at nag tatakbo sa loob ng opisina.

"Iñigo, mahal mo ba talaga si Cassandra?" Seryosong tanong ni Martina. Tumango si Iñigo.

"Mas mahal mo ba siya kesa sa pag mamahal mo sakin noon?" Bahagyang ngumiti si Iñigo.

"Minahal kita Martina. ( Sigh) Pero si Andra kasi.... siya na talaga ang gustong makasama habang buhay." Napakuyom ng husto ang palad ni Martina na nakapatong sa mga hita nito.

"Pwede pa naman siguro tayong maging magkaibigan diba?" Tanong ni Martina at matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Of course! I would love to be your friend." Nakangiting sabi ni Iñigo, nilahad ni Martina ang palad niya.

"Friends" She says.

"Friends" He replied, and they shake their hands.

Biglang nag ring ang cellphone ni Iñigo na nasa ibabaw ng desk nito, mabilis niyang kinuha ito ng masilip niyang pangalan ni Cassandra ang nag flash sa screen.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon