Chapter 11

76 2 0
                                    

"KADARATING lang namin dito sa Polillo ngayong araw. Kumusta ka na?" tanong ni Mrs. Damian sa akin. Bahagya lang namang ngumiti ang asawa niya. Parehas silang nakangiti pero hindi umaabot sa mga mata.

Umiwas ako ng tingin. "Narito po ba kayo para sisihin ako sa nangyari sa anak niyo?"

Halatang natigilan sila. Sandaling bumuka ang bibig nila marahil sa pagkabigla.

"Hindi ko po nabantayan nang maayos ang anak ninyong si... R-Roxy." Hindi ko kayang sabihin ang pangalan niya nang hindi namamasa ang mga mata ko. Muli akong napaiwas ng tingin.

"Hindi ka namin sinisisi. In fact, sarili namin ang sinisisi namin sa lahat. Hindi namin dapat iniasa sa iba ang responsibilidad namin sa anak namin. Kami dapat ang nagbabantay at nag-aaruga sa kaniya."

Hindi ko sila magawang tingnan sa mga mukha nila. Naitungo ko na lang ang ulo ko. "K-Kasalanan ko po ang lahat."

"Wala kang kasalanan, Reo. Sa totoo lang ay gusto naming magpasalamat sa 'yo dahil minahal mo ang anak namin. Pinunan mo ang pagmamahal na hindi namin naibigay sa kaniya."

Napapikit ako. At doon na nagsipatakan ang mga luha ko. Binasa ng mga iyon ang sementadong sahig.

"Nagpapasalamat din kami dahil hindi mo siya sinukuan."

Itinaas ko ang ulo at sinalubong ang paningin nila. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Matagal na 'kong may kutob sa mga nangyayari. Ang akala ko, mali ako. Pero nang paimbestigahan namin ang mga pangyayari, nalaman ng mga pulis na hindi pala katawan ni Roxy ang nai-cremate."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naihinto ko ang paghinga. Nanumbalik lang ako sa katinuan nang makita ko ang pagpatak ng luha ni Mrs. Damian.

"M-May posibilidad na buhay ang... a-anak ko."

Buhay si Roxy.

Buhay siya!

Tama ang hinala ko. Hindi ako nababaliw lang!

"Kaya ka namin kinausap ngayon para ipaalam sa 'yo na patuloy na ang imbestigasyon para sa paghahanap kay Roxy. Ilang buwan na ring sinisimulan ang searching operation para sa anak namin. At kaya kami nandito sa Polillo dahil dito nakatira ang prime suspect na si Hanz. Maaaring itinatago niya si Roxy."

Nagtiim ang mga bagang ko kasabay ng pagkuyom ng mga kamao. "Sinasabi ko na nga ba."

"Pero wala pang sigurado sa mga iyon bukod sa katotohanang maaaring buhay si Roxy. Iyon ang mahalaga."

"Tutulong po ako sa paghahanap," determinado kong imik.

Muling pumatak ang mga luha ni Mrs. Damian saka niya ako hinawakan sa kamay. "S-Salamat, Reo."

"Hindi dapat malaman ni Hanz na hinahanap natin si Roxy. Malamang sa malamang, mas itatago niya pag nalaman niya," dagdag ko.

---

"WALA pa rin po bang lead kung nasaan si Roxy?" tanong ko kina Mrs. Damian sa kabilang linya.

"Wala pa, Reo. Babalitaan ka namin agad pag meron nang update sa amin."

Napabuntonghininga ako. "Salamat po."

Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa dagat. Bumubula ang mga alon na humahampas sa pampang.

"Reo..."

Napalingon ako sa pamilyar na boses na 'yun. Gayon na lamang ang pagkagulat ko nang makita si Maryknoll. Pero kapagkuwa'y nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong ginagawa mo rito?"

PARA KAY REO | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon