Chapter 28

1.1K 21 2
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

Gusto kong umiyak pero may parte sa akin na masaya dahil sa biyayang ito. Binigyan kaagad kami ni Thunder ng anak. Isang beses lang naman may nangyari sa amin, akala ko ay walang mabubuo kaya hindi na ako gumamit ng pills. Bakit ganoon? Isang beses lang naman iyon.

Ano'ng sperm ang mayroon si Thunder? Masyado siyang sharpshooter.

Dahil sa batang 'to na nasa sinapupunan ko ay parang hindi ko na kailangang mag-isip kung ano ang ibibigay ko sa kaniya. Ito naman kasi talaga ang regalong gusto niyang matanggap. Gustong-gusto na niyang magkaanak kami.

Tinago ko muna ang pregnancy test sa cabinet, sinigurado kong hindi niya ito makikita kapag binuksan niya ang cabinet. Ito na lang ang ibibigay ko sa kaniya sa birthday niya.

Bumuntong hininga muna ako bago tignan ang sarili sa malaking salamin na nasa aking harapan. Hinawakan ko ang aking tiyan, hindi pa naman masyadong halata dahil flat pa ito. Siguro ay pagkatapos na lang ng birthday ni Thunder saka ako magpapacheck up. Baka kasi magduda siya kung saan ako pupunta.

Isa pa ay hindi safe sa akin ang magpagala-gala na lang sa labas. Baka bigla na lang akong kidnapin n'ong taong nagtatangka sa buhay ko.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin namin alam kung sino siya at kung saan siya nagtatago. May mga inassign na rin naman sa akin si Thunder na bodyguard at hindi ko alam kung nasaan ang mga iyon, basta ay nasa paligid lang sila at nagmamatyag. Nangangamba ako na baka sabihin nila kay Thunder na lumabas ako kanina. Sana lang ay hindi.

Dahil din siguro sa pagbubuntis ko kaya paiba-iba ang mood ko. Lalo na ang morning sickness na nararanasan ko araw-araw. Ni hindi ko man lang napansin na buntis na pala ako. Mabuti na lang ay napanood ko ang video na iyon. At mabuti na lang din ay mahaba ang pasensya sa akin ni Thunder, hindi siya nagagalit sa akin. O baka naman may alam na rin siya pero hindi niya lang sinasabi sa akin?

Kailangan kong tawagan si Storm, gusto kong magpatulong sa kaniya para sa gagawin kong surprise kay Thunder. Gusto kong maging memorable itong kaarawan niya. Paniguradong matutuwa iyon dahil sa regalo ko.

"Baby, I'm home!"

Dali-dali akong lumabas ng CR upang tignan si Thunder. Ang bilis naman niyang makauwi. Akala ko ay magtatagal siya. Naunahan niya pang umuwi si Levin.

"Tapos na ang emergency sa kompanya mo?"

Naupo siya sa sofa at ako naman ay agad na lumapit. Hinila niya ako paupo sa kaniyang kandungan at niyakap, hindi naman sobrang higpit kaya hindi maiipit ang anak namin.

Anak namin, ang sarap pakinggan.

"Yeah, it was just a minor problem, baby. Nothing to worry about," mahina niyang bulong.

Tumango na lang ako bago kinuha ang kanan niyang kamay at ipinatong sa aking tiyan. Sumandal siya kaya napasama rin ako sa pagsandal. Tahimik lang kami pareho at nang tignan ko siya ay nakapikit na pala. Parang pagod. Saglit lang naman siya sa kompanya.

"Pagod ka ba, Thunder?"

"No, I'm not. Dinadama ko lang 'tong tiyan mo, baka may laman na kasi," pabiro niyang saad.

"Laman-loob lang laman ng tiyan ko."

"I know, nagbabakasakali lang naman ako."

Hindi na lang muna ako umimik at pumikit na lang din. Gusto kong damhin namin pareho itong anak namin na nasa sinapupunan ko. Hindi niya pa ito alam pero alam kong may idea na rin siya na baka buntis nga ako.

"Gusto mo na talagang magkaanak?"

"Yeah. Next week, I'll be 26 years old. Matanda na ako, baby. I want to settle down with you. And besides, 23 ka na rin naman."

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now