Chapter 27

1.1K 23 2
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

Isang linggo, isang linggo na lang bago ang kaarawan ni Thunder at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibibigay ko sa kaniya. Halos mabaliw na ako kakaisip kung ano nga ba. Sinabi niya naman sa akin na huwag na lang akong magbibigay ng regalo pero gusto kong may maibigay ako sa kaniya.

Bilang nobya niya, dapat lang na magbigay ako pero hindi ko naman alam kung ano. Halos lahat ay nasa kaniya na kaya ano pa nga ba ang ibibigay ko?

Tatlong linggo na rin ang nakararaan noong huling may nangyari sa amin ni Thunder. Hindi na naman iyon nasundan kahit pa minsan ay kinakalabit niya ako, lalo na sa gabi. Hindi ko siya hinahayaan. Mahirap na, baka may mabuo at hindi pa ako handa. Masyado pa akong bata, bente-tres anyos pa lang ako. Kailangan ko pang pag-aralin si Levin na palagi ko ngang katwiran sa kaniya. Isa pa ay hindi pa kami kasal. Hindi dapat iyon ginagawa ng mga taong hindi naman kasal.

Dali-dali akong napatakbo sa CR nang maramdaman kong para na naman akong nasusuka. Halos ilang araw ko na rin itong nararamdaman at hindi ko alam kung bakit. Pare-pareho lang naman kami ng kinakain pero palagi ko lang isinusuka sa umaga ang mga kinakain ko. Wala naman siguro akong sakit. Wala nga ba?

Pansin ko rin ang pabago-bago kong mood at pagsigaw ko kay Thunder, bagay na hindi ko ginagawa sa kaniya noon. Mabuti na lang ay mahaba ang pasensya sa akin ni Thunder at hindi naiinis. Kung ibang lalaki lang siguro iyon ay baka nasigawan na rin ako dahil sa ginagawa ko.

"Baby, are you okay? Are you sick? Do we have to go to the hospital na? Ilang araw ka nang ganiyan. I'm worried," nag-aalalang tanong sa akin ni Thunder habang hinahagod ang aking likod. Hawak din niya ang aking buhok para hindi ko masukahan.

Agad akong nagmumog matapos magsuka. Lumuluha akong tumingin sa kaniya at bahagya pang suminghot. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at pinunasan ang luhang tumutulo.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

"Thunder..."

"Yes, baby? May masakit ba sa iyo? Do you want me to take you to the hospital so they can check your condition? You're always like this and I'm worried about it," aniya ngunit umiling lang ako.

Ayaw ko pumunta sa hospital. Natatakot ako, natatakot na baka may malubha akong sakit at baka walang lunas. Hindi ko gusto iyon, ayaw kong iwanan si Thunder at Levin dito. Baka makahanap pa ng ibang babae si Thunder na ipapalit sa akin. At sino na lang ang magpapaaral kay Levin kapag nawala na ako? Wala! Kaya hindi ako magpapadala sa kaniya sa hospital kahit ano man ang mangyari.

"Ayaw ko sa hospital. Kung gusto mo ay ikaw na lang ang pumunta pero hindi ako kasama."

"Baby, it is you who is vomiting so you should see the doctor and not me. How can we know if you are sick or not if you don't want to come with me to the hospital?" He asked.

"Pero ayaw ko ngang pumunta sa doctor. Bakit ba ang kulit mo? Huwag ka nga tanong nang tanong."

Kumunot na ang aking noo at sumimangot, tanda na hindi ko na nagugustuhan ang kaniyang inaakto. Ang kulit kasi, sabing ayaw ko sumama sa kaniya pero pinipilit niya pa rin ako. Siya na lang ang pumunta sa hospital kung gusto niya.

"Fine, fine, fine. Then what do you want to do? It's Sunday and your brother is not here, he says he has a project to do with his group mates," sabi niya kaya sandali akong napaisip.

Ang gusto ko lang naman ngayon ay matulog nang matulog. Parang tinatamad akong gumalaw at hindi ko trip ang gumala sa kung saan-saan. Mas masarap matulog lalo na kapag malambot ang kama.

"Hmmm, gusto ko lang matulog buong araw."

"What? What did you say? Want to sleep all day? Baby, yesterday you slept all day at the office and now you want to sleep again? You're unbelievable," hindi makapaniwala niyang saad.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن