Chapter 15

1.3K 31 0
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

It's Tuesday at pumasok na ulit ako, ganoon din naman si Thunder. Ayaw niya pa nga sana pero ginalitan ko. Hindi na nga kami pumasok kahapon dahil nga nagdate kami tapos ngayon ay hindi pa rin?

Naisip ko lang na unfair iyon sa mga taong nagtatrabaho rin kagaya ko. May kani-kaniya kaming suweldo kaya dapat lang na gampanan namin ng maayos ang trabaho namin. Mabuti nga at nagawa kong pilitin si Thunder na pumasok kami.

Kanina pa lang sa pagpasok ko ay ang sama na kaagad ng tingin nila sa akin at alam ko kung bakit. Marahil ay nakita nila ang post ni Thunder kahapon, lahat kasi sila ay naka-follow sa lahat ng social media account ni Thunder.

Hindi ko rin naman sila masisi dahil malabo pa sa tubig ng kanal namagustuhan ako ng boss namin. Siguro ay iniisip nilang ginayuma ko si Thunder pero hindi naman totoo iyon. Halos takot nga akong lapitan siya dahil nga nakakatakot ang kaniyang awra. Hindi ko naman aakalain na may makulit din palang side ang boss namin. Hindi ko akalain na kaya niyang umakto na parang bata kahit na 25 years old na siya. Parang baliw pa minsan kung umasta. Pero isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya, kung bakit ko siya minahal.

"Yow, Ate Levana!"

Agad akong napatingin sa taong tumawag ng pangalan ko at doon nga ay nakita ko si Uno, Dos, Tres at may kasama silang isa pang lalaki. Kamukha nila ito kaya baka isa rin sa mga kapatid nila.

"Kayo pala. Ano'ng ginagawa n'yo rito?"

"Guguluhin lang namin si Kuya. And, oh, meet Fire Flame Ferrer. He is one of the quadruplets," pakilala ni Tres sa taong kasama nila.

Nilingon ko ang binata at ngumiti. He smiled back. Jeez, it's a Ferrer thing. Masyadong nakakainlove ang ngiti nila but I love Thunder Sa kaniya lang ako maiinlove ng sobra. Argh! Cringe.

"Is she Kuya Thunder's girlfriend?" Tanong ni Earth.

"Yes, she is. She's beautiful, right?" Nakangiting tanong ni Uno.

"Yes. Hello, I am Fire Flame Ferrer, please call me Flame. Nice to finally meet you, Kuya Thunder's girlfriend," sabi ni Flame kaya hindi ko maiwasang mag-blush. Masyadong pogi ang batang ito.

"Hi, I am Levana Hera Nyx Imperial. Nice to meet you, Flame."

"Nand'yan ba si Kuya sa loob, Ate?" Tanong ni Dos kaya tumango ako.

Sinamahan ko silang apat sa loob. Doon nga ay nakita namin si Thunder na busy sa pagbasa ng mga documents. Nakasuot pa siya ng reading glass niya na nakadagdag sa pagiging guwapo niya. Sobrang seryoso niya habang nagbabasa kaya hindi man lang napansin na narito na kami sa loob ng opisina niya.

"Hey, bro!" Malakas na sigaw ni Uno at Flame kya napatakip kami ni Dos ng tenga.

Akala ko naman ay matino itong si Flame pero mukhang kaugali rin niya ang Kuya niyang si Uno at Tres.

Parang iilan lang sa kanila ang matitino, although hindi ko pa nakilala ang tatlo nilang kapatid. Si Miss Storm naman kasi ay mukhang mataray pero kapag nakilala mo siya ay mabait siya.

"What are you guys doing here?" Tanong ni Thunder at hinilot ang kaniyang temple.

Makita pa lang niya ang mga kapatid niya ay parang problemado na kaagad siya. Ganoon ba talaga sila kakulit?

"Wala naman. Masama bang bisitahin ka rito sa opisina mo?" Nakangiting tanong ni Uno at naupo silang lahat sa sofa.

Lalabas na sana ako ng kaniyang opisina nang tawagin ni Thunder ang pangalan ko. "Hera, come here."

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now