Chapter 8

1.5K 34 0
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Ate, kakain na ba tayo?" Tanong ni Levin nang makapasok sa kusina.

"Mamaya pa, palalambutin ko pa itong karne. Bakit, gutom kana ba?"

"Hindi pa naman, busog pa nga ako dahil sa libre ni Kuya Thunder," sagot niya na inungusan ko lang.

Close na ba sila ni Thunder? Kanina nga ay naririnig ko pa ang kanilang tawanan. Ngayon lang naman sila nagkakilala pero bakit close na kaagad?

Kilala ko si Levin, hindi siya basta na lang makikipag-usap sa lalaking hindi niya kilala, magsusungit pa nga ang isang 'yon kapag kinausap siya ng lalaki ngunit bakit pagdating kay Thunder ay close na kaagad sila? Siguro ay ginayuma ni Thunder ang kapatid ko.

"Ate," tawag niya sa akin habang naghahalo ako ng aking niluluto.

"Hmm? May kailangan ka pa?"

"Gusto ko si Kuya Thunder para sa 'yo," aniya.

Dahil sa kan'yang sinabi ay hindi ko maiwasan na lingunin siya. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Ano bang sinasabi mo, Levin? Walang namamagitan sa amin ng boss ko kaya itigil mo 'yan."

"Kuya Thunder confessed to me. He said that he likes you and you are already his girlfriend na raw. Ramdam ko naman iyon kahit hindi n'yo sabihin sa akin, Ate. Sa paraan pa lang ng titig niya sa 'yo kanina ay may kislap akong nakikita sa kan'yang mga mata. Noong nasa Mang Inasal din tayo. Bagay na bagay kayong dalawa, Ate. Alam kong magiging mabuti ang buhay mo kung sakaling siya ang makatuluyan mo. Matanda kana, Ate. Panahon na rin siguro para sarili mo naman ang isipin mo," seryoso niyang saad.

Dahil sa kan'yang mga sinabi ay para na talaga siyang matanda kung mag-isip. Napansin niya pa ang mga tingin sa akin ng boss ko. Akala ko pa naman kanina ay busy siya sa pagkain.

"Levin, don't say that. Palaging ikaw ang uunahin ko. Mas mahalaga ka sa lahat ng bagay na mayroon ako."

"Iyon na nga, Ate. Palagi na lang ako ang inuuna mo, palaging ako ang iniisip mo. Paano naman ang sarili mo? Dapat isipin mo rin ang sarili mo, Ate. Kung mahalaga ako sa 'yo, mas mahalaga ka para sa akin. Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamilya. Si Kuya Thunder, alam kong maibibigay niya lahat ng pangangailangan mo. Alam kong magiging mabuti ka sa kamay niya," aniya.

"Ipinamimigay mo na ba ako, Levin?"

"Hindi naman sa gano'n, Ate. Sinasabi ko lang ito kasi gusto kong unahin mo rin ang sarili mo. Malaki na rin naman ako," sagot niya.

"Tigilan mo ako, Levin. Kahit na ano pa ang edad mo, kahit pa nasa legal age kana ay ikaw pa rin ang uunhin ko. Hindi magbabago 'yon."

"Ewan ko sa 'yo, Ate. Paniguradong mahihirapan si Kuya Thunder na ligawan at mapasagot ka dahil sa akin," naiinis niyang sambit at lumisan ng kusina.

Napatawa na lamang ako dahil sa inasta ng batang 'yon. Madali talaga siyang mainis lalo na kung tungkol dito ang pinag-uusapan namin. Madalas na ganito ang topic namin, 'yong sinasabi niyang panahon na para magkaroon ako ng kasintahan dahil nga matanda na rin naman daw ako.

Sabi niya na panahon na raw para ayusin ko ang sarili ko, tanggalin ko itong malaking salamin ko at sarili ko naman ang unahin ko pero ayaw ko. Dito nagsimula ang lahat, sa mukha kong ito. Namatay ang mga magulang ko dahil sa mukhang ito.

Namana ko ang aking mukha sa aking Lola, may lahi kasing british ang aming pamilya kaya may taglay akong ganda.

Masaya naman ang pamumuhay namin noon. Kompleto pa kami at masaya lang. Parang wala nga kaming iniisip na problema. Not until I reach 12, doon nagsimula ang kalbaryo ko.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now