Chapter 7

1.6K 39 1
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

Hindi ako makatingin sa kan'ya. Bakit niya ba kasi iyon ginawa? Wala namang kami. Oo, ipinakilala niya ako sa mga empleyado niya na girlfriend niya ako pero hindi naman ako naniniwala roon. Hindi ako naniniwala na gusto niya ako dahil sino nga ba ako para magustuhan? Isa lang akong hamak na pangit na sekretarya niya.

"Let's go home, baby," malambing niyang aya nang makalabas sa banyo.

Agad akong napalingon sa kan'ya at sandaling napatulala. Kanina pa ako nag-iisip. Hindi na rin ako nakapunta sa meeting ni Levin dahil nga sa nangyari. Baka magtampo ang isang 'yon sa akin.

"Ha? Ano 'yon?"

"I'll drive you home. Alam kong pagod kana," ulit niya at lumapit sa akin. Sumandal ako sa sandalan dahil masyado na siyang malapit sa akin.

"Susunduin ko pa si Levin sa school niya. Hindi rin ako naka-attend sa meeting niya kanina kaya paniguradong magtatampo iyon sa akin."

"I am sorry, baby. Alam ko namang ako ang may kasalanan kaya hindi mo napuntahan ang kapatid mo. Kung noon pa lamang ay pinalayas ko na ang babaeng iyon sa kompanya ko, sana hindi ka na niya sinaktan. She's rich but mas gusto niyang magtrabaho sa kompanya ko para lang makita ako araw-araw. It's his father's favor," aniya.

"No, it's okay. Wala ka namang kasalanan."

Hindi siya sumagot sa akin at ngumiti na lang. Inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Nag-aalangan pa akong kunin ito ngunit tinanggap ko rin.

"Ahh! Thunder!"

"What?" Natatawa niyang tanong.

Loko kasi ang isang 'to. Matapos kong tanggapin ang kan'yang kamay ay hinila niya ako at binuhat, bridal style.

"Ibaba mo na ako. Ano, lalabas tayo rito sa opisina mo nang buhat ako?"

"Why not?" Taas-kilay niyang tanong. Sumimangot ako.

"Thunder, masyadong nakakahiya iyon. Baka kung ano ang isipin ng mga empleyado mo."

"Baby, come on. Alam naman nilang girlfriend kita," malambing niyang saad at nagsimula nang maglakad.

"Pero hindi mo naman talaga ako girlfriend."

"Yeah, not now. We are not officially in a relationship yet but soon we will," hindi ko narinig ang ibinulong niya dahil masyadong mahina.

"Ha? Ano 'yong sinabi mo? Pakiulit nga."

"Nothing to worry about. Sunduin na lang natin ang kapatid mo," aniya.

Halos manginig ako nang makarating kami sa ground floor. Halos lahat ay nasa amin ang atensyon. Sino nga ba ang hindi? Thunder Razelle Ferrer is caring his ugly secretary. Napatungo na lang ako ng aking ulo dahil hindi ko matagalan ang mga tingin nila. Kita ko ang disgusto sa bawat mukha ng taong madadaanan namin.

"Baby, look up. Be proud of who you are. Huwag mong ikakahiya kung sino ka. I know what you're thinking, you are not ugly. You are the most gorgeous woman I've ever seen except my mom and sister. You are beyond beautiful, babe," mahinang ani ni Thunder.

Hindi ko alam ngunit sa mga simpleng salita niya lang ay napapangiti na lang ako. Natatakot ako, natatakot ako dahil paniguradong hindi magtatagal ay mahuhulog na rin ako sa kan'ya dahil sa mga kilos at salita niya.

Huwag ka namang gan'yan, Thunder. Kahit ano'ng sabi mo sa akin na gusto mo ako ay hirap akong paniwalaan ito. Ayaw kong maniwala dahil alam kong imposible ang mga sinasabi mo.

***

"Why didn't you attend the meeting?" Nakangusong tanong sa akin ni Levin.

Narito ako sa loob ng paaralan niya, naiwan na sa kotse si Thunder. Gusto niyang sumama ngunit pinigilan ko lamang. Baka kahit dito sa loob ng school ay pagtinginan siya.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora