Chapter 24

29 2 0
                                    

Chapter 24

Day 78: Sevelanio High (Present)

I honestly don’t feel good today. Pakiramdam ko ay mas napapadalas ang pagkahilo ko. I always experience stomachaches, but these past few days, parang doble pa ang sakit na nararamdaman ko kumpara noon. My skin turned paler than before—even my friends and classmates noticed it.

“Kumain ka na?”

Napatingala ako nang marinig ang tinig niya. Sumalubong sa akin ang maaliwalas niyang itsura. He was smiling at me, but may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin. I can see his concern in his eyes.

“Yeah, marami akong kinain bago umalis sa bahay,” I lied. Honestly, lagi na rin akong nawawalan ng gana. Ipinagluluto ako ni Papa ng pagkain sa umaga, pero hindi ko naman ginagalaw. Tanging ang timpladong gatas na nakahanda sa mesa ang pinagtatyagaan ko.

“Are you sick?”

Ngumiti ako at marahang umiling. “I don’t think so.” Nilabanan ko ang titig niya, kahit pa kanina ko pa gustong iwasan iyon. My heart does flutter, but at the same time, I feel something off with my emotions.

“Gusto mong samahan kita sa clinic? Namumutla ka.”

Umiling ako sa kanya. He’s making it so obvious, na nagugustuhan niya nga ako. Maging ang mga kaklase ay nagtataka na rin kung bakit lagi siyang nakadikit sa akin, pero tila wala siyang pakialam.

“Puyat lang. Tsaka, medyo stress din ako sa studies. Alam mo naman, kailangang pagsabayin ang pag-aaral ng mga nakaligtaang lessons at practice para sa Journalism.”

Napatango siya sa isinagot ko.

“Tell me if you need something; dito lang ako.” Itinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi ko. I nodded my head at him. Akala ko ay lilipat na siya roon ngunit hindi pa rin siya umalis sa harapan ko. Tumitig siya sa akin dahilan para makaramdam ako ng kaunting pagkailang. May dumi ba sa mukha ko?

“Ang cute talaga ng misis ko!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malakas niyang pagkakasabi nito. Napatingin ako sa paligid upang suriin ang sitwasyon. I was shocked when I realized that everyone inside the room was looking at us. I even spotted Jaimee and Farrah. Hindi na maipinta ang mga mukha nila habang pinagmamasdan kami ni Marwin.

“Ano bang ginagawa mo?” pabulong kong tanong sa kanya. Pinandilatan ko pa siya ng mata sa pag-asang titigil na siya sa kalokohan niya, pero ngumisi lang siya sa akin.

“Grabe! Mas cute ka talaga kapag ganyan mo ako tingnan.” Parang sasabog ang puso ko sa pinaghalong kilig at kahihiyan. Gigil niyang pinisil ang ilong ko saka niya inilapit ang mukha niya sa akin. He smiled cutely, making his eyes narrow and exposing his shining white teeth.

“Are you trying to kill me?” Halos mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. He cupped my face and gently shook his head.

“I’m trying to revive your liveliness, misis ko." With that, lumayo na siya sa akin at nagtungo sa upuan niya.

Bagsak ang balikat na tumingin ako sa mga kasamahan namin. Karamihan sa kanila lumaglag na ang panga at halos lumuwa na ang mata dahil sa labis na pagkagulat. Van was looking at me suspiciously. Para bang suspect ako sa isang krimen. Calianna, the bitch, gave me a deadly glare. Meanwhile, kung makatingin ang dalawang bruha kong kaibigan ay tila gusto na nila akong ilibing ng buhay.

I just want the ground to open up and swallow me whole.

Mabuti na lang at sakto ang pagdating ni sir Lexus kaya nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya. He didn’t even greet us. Basta na lamang siyang umupo sa harap ng table sa unahang bahagi ng silid. Hindi niya kami pinansin. Binuksan niya ang dala niya laptop at nag-umpisa nang mag-type doon. Ibang level talaga ang pagiging suplado niya.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Where stories live. Discover now