Chapter 20

36 4 1
                                    

Chapter 20

Day 69: Sevelanio High (Present)

“Look at him. He looks like a walking corpse.”

Gusto kong makisabay sa tawanan ng mga kaibigan ko, pero hindi ko magawa. Maski ang silipin ang mukha ng lalaking pinag-uusapan nila ay tila naging imposible para sa akin. I don’t find the situation awkward. Sadyang wala lang talaga akong ideya kung paano ko siya pakikisamahan matapos ang narinig ko mula sa kanya. I know he was drunk, but I’m still bothered.

Nag-research na rin ako. The result says na half chances lang ang meron kung totoo ba o hindi ang sinasabi ng taong lasing. Sometimes, it depends on the person. It is possible to be under the influence of alcohol. However, there are cases when people only tell lies when they’re intoxicated. Sa kaso ni Marwin, hindi ko alam.

“Nakatingin dito,” bulong sa akin ni Jaimee.

Sinubukan kong mag-angat ng tingin, pero agad rin akong nagsisi nang magtama ang mga mata naming dalawa. Mula sa kabilang bahagi ng cafeteria, kitang-kita ko kung paano magsalubong ang dalawa niyang kilay habang tiim na nakatitig sa akin. I heaved my chest as I swallowed the huge lump in my throat. His stares are a bit confusing. Tila hindi para sa akin ang ekspresyong nakalatag sa mukha niya.

Siya ang unang nag-iwas ng tingin. He lifted his tray and started to walk away. Medyo nakapagtataka dahil hindi niya ugaling magpatalo tuwing nagkakaroon kami ng mala-staring contest na eksena.

Still, I am thankful. Pakiramdam ko ay hindi ko makakayanan ang matagal niyang pagtitig. Baka matunaw ako.

After finishing our food, bumalik na kami ni Farrah at Jaimee sa classrooms namin. Nanumbalik ang kaba ko nang mapagtanto na magiging malapit ang distansya ko sa lalaking gusto ko sanang iwasan. He is my freaking seatmate, kaya malabong makaiwas ako sa kanya ng tuluyan.

Huminto muna ako sa may pinto para silipin kung nasa loob na si Marwin. Fortunately, hindi pa siya dumarating, kaya walang uncomfortable situation na magaganap habang naglalakad ako patungo sa desk ko. I quietly occupied my chair. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang sumusulpot na Marwin sa harapan ko. Maybe he’s also trying to ignore me.

Wait! Does he even remember what happened last night?

I sighed and pulled out my notebook from inside my bag. Binuklat ko iyon at tumambad din sa akin ang ballpen na nakaipit sa pahina nito. “Day 69…” I took note of the date. My eyes landed on my long and slender finger. Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko habang tinitingnan iyon.

Bahagya akong napatingala. I took a deep breath to erase the negative thoughts in my head. I shouldn’t be like this right now. I have to focus on my studies—on everything that needs my attention—while I still have time to spare.

Someone knocked on my desk. Hindi ko man lang namalayan ang presensya ng taong nakatayo na pala sa harapan ko. My heart automatically raced when his green eyes met mine. “Do you have money for transportation?” Mahina lang ang boses niya para walang makarinig sa amin.

I just nodded my head.

“Did you eat your breakfast before coming to school? You left too early, so I..." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. He’s talking too much.

“I did.”

Sandali siyang natahimik. Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi saka marahang tumango.

“Y-yeah. I’m sure you did. "Malumanay nitong saad bago nagtungo sa kanyang upuan. He tiredly sat down on the chair. I saw him frown before turning his gaze on the opened window. Narinig ko pa ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga, pero kalaunan ay hindi ko na lang iyon pinansin. Dumating na rin ang guro at nag-umpisa na sa kanyang discussion.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Where stories live. Discover now