Chapter 2

65 3 1
                                    

Chapter 2


Day 30: Sevelanio High (Present)



“I think this will do.”


Hindi ko napigilang mapangiti nang marinig ang komento ni Farrah. Ipinabasa ko sa kanya ang isinulat kong editorial article patungkol sa topic na ibinigay sa akin ni Marwin, death by illness or death by accident.

Paano, wala namang sinabi sa akin na bago ako maging official member ng journalism team, kailangan ko pang dumaan sa leader nila—which means na kailangan ko pang mapapayag si Marwin dahil nagkataon na siya rin pala ang leader. Bakit hindi na lang sa coach?


At heto nga ang ibinigay niyang task sa akin, he told me to write an article about the above-mentioned topic. It was a relief na mayroon akong alam tungkol sa mga bagay na ‘yon. Mahilig din kasi akong manood ng balita at magbasa ng libro. I like observing my surrounding and discovering new things. Sadyang madalas lang talaga akong dalawin ng katamaran kaya minsan ay balewala rin ang lahat ng sinasabi ko ngayon.


“Nakita ko si Pres. Kadaraan lang,” saad ni Jaimee.


Ibinalik na sa akin ni Farrah ang papel na kinalalagyan ng article. Sumenyas ako sa kanila na lalabas muna ako. Hahanapin ko lang si Marwin para ipasa sa kanya ang natapos ko. I just wish he would be easy to please. Pinaghirapan ko naman ito saka parang piniga ko na rin ang utak ko habang nagsusulat nito.


“Grey!” I shouted when I saw him from afar.

Mukhang nagmamadali siya dahil sa laki ng hakbang ng mga paa niya. Nagsalubong ang kilay ko nang hindi man lang ako lingunin ng lalaki. Is he really deaf?


“President Grey!” Tumakbo ako para habulin siya. “Can you please stop for a while? Natapos ko na,” ani ko habang unti-unti nang nakakalapit sa kanya. Damn him! Parang hangin lang ako na walang epekto sa kanya. I think he’s intentionally snubbing me.

Bakit na naman kaya?


“Pres!” Finally! I was able to make him stop after grabbing his sleeve. Ngiting-tagumpay akong lumipat sa harapan niya. I held the paper vertically in front of his face. “Tapos na.”


He moved his head sideward para silipin ako sa likod ng papel. “Ulitin mo.” Tipid niyang sabi bago niya marahang tinabig ang kamay ko. He started to move his feet again and walked pass me.


I tilted my head a bit while creasing my forehead. Did he even read my article? He just took a short glance at it, pagkatapos ay nagbigay na siya ng feedback.

Wow, this is so unfair. Gumaganti ba siya dahil naangasan ko siya the last time we fought?


“Sandali lang!” I ran after him and blocked his way. “Teka nga muna!” I hissed as I stretched both of my arms to make sure na hindi siya makakalusot sa akin.


“Ano na naman?” iritado niyang tanong.


“Anong problema sa isinulat ko?” I saw his tongue touch his inner cheeks. He looks irritated pero nagpipigil pa rin siya.


“I should be the one asking you that question, Dominguez.” Napangiwi ako nang marinig ang sagot niya. “What is wrong with your article? What made me reject it? Think about it.” Sinubukan niyang humakbang pero muli ko siyang pinigilan. I shook my head while glaring at him.
“Get out of my way, kung ayaw mong magkaroon ng penalty.”

He is using his authority as the SSG President. How shameful.


“What made you reject it?”

Napahawak siya sa kanyang sentido.


“Ulitin mo.” He restated. “Ulitin mo hanggang sa mapapayag mo ako.” He said before continuing his walk, not minding me who was standing on his way. Binangga niya ang braso ko, dahilan para mapadaing ako. Even so, hindi niya man lang ako nilingon para humingi ng sorry.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Where stories live. Discover now