Chapter 7

42 3 1
                                    


Chapter 7

Day 44: Sevelanio High (Present)

“Ang lalim ng iniisip natin ah!”

Jaimee sat beside me as she hands me over the sandwich on her right hand. Ngumiti lang ako at tinanggihan ang ibinibigay niya. Wala akong ganang kumain. Ewan ko ba, parang may mali lang talaga sa araw ko. Ang boring—it’s like something is missing.
Or maybe someone?

“No wonder why the air feels nice today, absent pa rin pala si President Grey.” Farrah suddenly popped out of nowhere.

Itinuon ko ang paningin ko sa bakanteng upuan ni Marwin. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya pumapasok. Malubha ba ang sakit niya? Paano kung nakakamatay pala ‘yung sakit niya tapos wala man lang kaming kaalam-alam?

Nababaliw na ako. I can’t help but to overthink.
Madalas ko pa namang mapanood sa pelikula na ‘yung mga taong may masasamang ugali, sila pala ‘yung tipo na may matinding pinagdaraanan. What if Marwin is like that? Paano kung pangit lang ang pakikitungo niya sa kapwa dahil ayaw niyang mapalapit sa iba? Is he dying?  Iyon ba ang dahilan niya, kasi natatakot siyang masaktan ang taong maiiwan niya?

“I almost forgot, sinabi sa akin ni coach na by next week na ang start ng practice and preparations para sa Journalism.”

Napasinghap ako sa narinig. Next week na pero wala pa rin ang siraulong si Marwin. Paano na lang kung tama ang hinala ko? Hindi siya makakasali sa contest. Much worst, baka hindi na namin siya makita. Mawawalan na siya ng pag-asang magbago. Paano na lang siya pupunta sa afterlife kung mamamatay siyang puro kaaway ang nakapaligid sa kanya?

“Is there any way to save him?” I murmured.

“Anong sabi mo?” Farrah asked, mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.

“Nakabukas pa kaya ang gate?” Balik kong tanong sa kanya.

She looked at her wristwatch and read the time. “I think, open pa naman ang gate. Almost twenty minutes pa bago magsimula ang klase eh. Why are you suddenly asking?” Napatango na lang ako at hindi na nag-abalang sagutin ang pahabol niyang tanong.

I bit my fingernail in deep frustration. Should I go and check on him? Damn, as if may pagpipilian pa ako. Panigurado naman na wala akong maiintindihan sa discussions ng mga propesor namin dahil lilipad ang isip ko patungo sa ibang dimension. Kaso wala akong pamasahe.

“Mga bes! May extra money ba kayo?”

They are my last resort. Kung wala akong mahihiram sa kanila, baka mabaliw ako in a span of seven hours.

Bakit ko ba kasi iniisip ang lalaking ‘yun? We’re actually not in good terms. Enemies are not supposed to care about each other. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt sa tuwing naaalala ko ang ilang araw niyang pagkawala. Do I miss him? Please tell me I don’t because that is so disgusting.

Siguro, nasanay lang talaga ako sa pang-aasar niya. ‘Yung tipong pagpasok ko pa lang sa classroom, yung lukot niyang mukha ang agad sa tatambad sa akin. His deadly glare, naughty grin, mocking tone and even his annoying serious face—I can’t seem to erase it from my mind. Kung pwede ko nga lang alisin ang utak ko para hindi ko na siya isipin, ginawa ko na.

“May two hundred pa ako dito, pwede ko namang ipahiram sayo.” Tugon ni Jaimee. “Pero teka! Saan mo ba gagamitin?”

Napakamot ako sa aking batok. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. “May nakita kasi akong pulubi sa labas ng gate, gusto ko lang sanang tulungan.” I lied.

“Pulubi? Wala naman akong nakita kanina ah,” Nagtatakang saad ni Farrah.

“M-meron, nakita ko kanina. Doon banda sa may tulay.”

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Where stories live. Discover now