Chapter 9

37 3 4
                                    

Chapter 9

Day 52: Sevelanio High (Present)

I saw his home and noticed expensive stuff inside. Ang sabi ng iba, makikita sa itsura ng tahanan ang totoong ugali ng nagmamay-ari nito. Masyadong maaliwas ang paligid na bumungad sa akin, hindi halatang drug user ang nakatira roon.

“Sigurado ka bang ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Kuya Van na kanina pa nananahimik sa tabi ko.

Tumango ako nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Patuloy ang pagtipa ko sa keyboard ng cellphone ko para mag-search sa Google.

“Are you going to write an article about drug users?” Muli niyang tanong na ikinailing ko. I am actually figuring out the latest update about drugs sold on illegal sites. Wala naman akong mahanap na kakaibang balita. No new terms or discoveries about a particular prohibited substance

“Goodness gracious, Shiloah!”

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong cellphone nang bigla siyang sumigaw. Inis ko siyang nilingon. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakasapo pa ang kanang kamay sa kanyang dibdib, malapit sa puso.

“Ano?” iritado kong tanong.

“Wag mo sabihing,” he trailed off. Napahawak siya sa kanyang sentido at marahan ‘yong minasahe. “Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin. Gagawin ko ang lahat para makatulong,” aniya na ikinakunot ng noo ko.

“Alam mo? Hindi kita maintindihan.”

Idinilat niya ang kanyang mga mata saka seryosong tumingin sa akin. Hindi naman ako nagpatalo at sinabayan ang pagtitig niya. I was shocked when he suddenly cuffed my face with both of his hands. Nagsalubong ang mga kilay ko? What the hell? Magmumukha akong bibe sa ginagawa niya.

“Masama ang pagtutulak ng droga. You shouldn’t do that. Kung kinakapos ka sa pera, pwede naman kitang pahiramin. Just stop, Shiloah, baka diyan ka mapahamak.”

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sinabi niya. Did he just assume that I am a drug pusher?

For heaven’s sake! Saan napunta ang talino ng lalaking ito?

I grabbed his hands and moved them away from me. I cuffed my own face to prevent him from repeating the same thing he did before. Sinamaan ko siya ng tingin. “I’m not crazy enough to do that.”

He pouted his lips. “I thought you were.” nagtaas-baba ang mga kilay niya. Marunong na rin siyang manira ng araw. I placed my hand on his face and pushed him using that method. Natawa naman siya dahil sa ginawa ko. Napangiwi na lang ako dahil sa naging reaction niya.

“Doon ka na nga! Mag-memorize ka na lang ng symbols.” Itinuro ko ang bakanteng upuan sa unahan kung saan madalas siyang pumwesto.

His expertise is in copyrighting. Make sense; he has a great memory kaya sisiw lang sa kanya ang pagkabisado ng mga symbols.

“Para saan muna ‘yan?” pangungulit niya sabay turo sa screen ng phone ko. He seems so curious about it. But still, ayoko munang ipaalam sa kanya ang totoo. Baka mamaya ay mag-taksil siya at agad na magsumbong sa awtoridad. Hindi pa rin naman ako sure kung anong klase ng drugs ang tinitira ni Grey.

Ewan ko ba, kahit saang anggulo ko tingnan ang lalaking iyon, wala akong makitang bakas ng paggamit niya ng drugs. Wala naman siyang maiitim at malulusog na eyebags. Wala namang pamumula sa mata niya, he doesn’t look like an addict—not a bit. May record na kaya siya sa rehabilitation center?

Siguro kung ilalarawan ko siya in terms of being a drug user, zero rating sa physical appearance. Pero sa utak? Masasabi ko na mas may sense pa kung aamin siya na isang drum ng rugby ang nasinghot niya. Masyadong mahangin ang ulo niya, magulo ang laman at konti na lang, pwede na siyang ma-diagnose as bipolar or even a psycho.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Where stories live. Discover now