Chapter 8

44 5 4
                                    

 
 
Chapter 8
 
 
 
Day 51: Sevelanio High (Present)
 
 
 
Pabalik-balik ang sulyap ko sa orasan at sa pinto ng silid. Halos makumpleto na kami rito, pero hindi pa rin dumarating si Marwin. Saan na kaya nagsuot ang isang ‘yon?
 

“Are you waiting for him?”

Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita. It was Vandreid. Bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko nang hindi ko man lang namamalayan.
 

“What do you mean?”

Ngumiti siya nang hindi lumalabas ang ngipin. It was as if he were teasing me about something I was unsure about. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng buhok ko saka ginulo iyon.

 
“I saw him earlier near the SSG office.”

My body suddenly moved on its own. Muntik pa akong matumba nang pilit kong labanan ang ginawa kong pagtayo.

“I knew it,” nakangising wika ni Kuya Van na naging dahilan ng pagsimangot ko.

 
“Huwag ka ngang ngumiti sa harapan ko, galit ako sayo.” Inirapan ko siya saka tinalikuran. I was about to walk away when he abruptly grabbed my arm and pulled me back. Gulat akong napaharap sa gawi niya.
 

“Hindi ko nakalimutan,” he said with a plain smile. “It’s just that I wasn’t able to see you that day. Hinanap kaya kita.” Bahagya siyang tumungo sabay kagat sa kanyang pang-ibabang labi. Pinagmasdan ko lang siya. “Pero hindi kita nakita eh.” Ibinalik niya ang paningin sa akin.

 
“Is that true?” Paniniguro ko. 

 
He nodded his head. “Cross my heart, tamaan man ako ng kidlat,” he stated before winking at me.

Napangiti naman ako dahil doon. Akala ko talaga ay nakalimutan niya rin ang birthday ko. Figures, masyado nga namang malaki ang Sevelanio at magkaiba rin ang building namin. Isa pa, sa abandonadong side ng Sevelanio kami ni Marwin namalagi noong araw na iyon.
 

Speaking of that guy, he told me to come to school early today, but he was missing in action. Could he really possibly be at his office?

 
“Thank you for remembering my day.” Sinuklian ko ang ngiti ni Van bago ko siya nilampasan. It’s kind of weird to say this, but I feel uneasy about not being able to see that cheeky guy.

 
Tinahak ko ang daan patungo sa building na kinaroroonan ng opisina ng student council. Ilang palikong pasilyo ang dinaanan ko bago marating ang lugar na hinahanap ko. Sandali akong huminto sa harap ng pinto ng kanilang opisina. Nakasara iyon ngunit hindi naman nakakandado.

 
“President Grey?” Hinawakan ko ang doorknob saka marahang pinihit. Kaliwa’t kanan ang tingin ko upang masiguro na walang makakakita sa gagawin ko. Mahirap nang mapagkamalan akong magnanakaw.

 
“Grey! Are you there?” Tahimik pa rin ang paligid at walang sumasagot. Maaaring nasa loob siya ngunit natutulog o wala talaga siya rito. Lakas-loob kong itinulak ang pinto upang mabuksan iyon, ngunit ang uwang ay sapat lamang upang masilip ko ang loob ng opisina.

 
Naniningkit ang matang sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng silid. Organisado ang mga gamit doon, walang nagkalat na mga papel o basura. Maayos ang pagkakasalansan ng mga upuan at lamesa, pati na rin ang mga libro sa malalaking istante. Pero wala si Grey...

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora