Chapter 30

38K 404 51
                                    


"Anong chika ka?!" bungad na sigaw niya.

Napatakbo ako papunta sa banyo. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Dumuwal ako sa may lababo pero wala namang lumabas.

"H-hoy..." humina ang boses niya at tumingin sa'kin na kunot ng noo.

Naghilamos ako ng mukha. Hindi maganda ang pakiramdam ko matapos naming makauwi. Nagstay pa kami do'n dalawang linggo. Nag-enjoy ako ng sobra. Mabuti na lang at hindi na ulit ako pinakialamanan ni Ma'am Lanica kaya naging maayos ang dalawang linggo pa naming pag-stay do'n.

Nung una ay hindi pa sana ako papayag dahil may pasok pa ako pero si Yleo na ang gumawa ng paraan. Hindi niya talaga hinayaan na umuwi ako. Gusto niya kasing mag-enjoy pa kaming dalawa.

Naging maayos naman. Mas napalapit ako sa pamilya niya. Naging close ko na din sina Jennica at si Yannie. Pero may kakaiba akong napansin kay Yannie... Parang hindi niya kami kilala minsan.

Isang gabi, parang naging ibang tao siya. Hinawakan siya ni Jennica no'n pero hinawi niya lang ito at tinanong kung sino si Jennica. Nagtaka lang ako pero si Jennica ay hindi man lang nagulat. Natawa lang ito.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim. Pupunta na muna ako sa clinic at magpapahinga. Ramdam kong hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Hindi naman ako nilalagnat... pero iba talaga 'yung pakiramdam ko.

"Do'n muna ako sa clinic. Ikaw na muna bahala na magsabi na hindi maayos ang pakiramdam ko."

Tinitigan niya lang ako na para bang sinusuri. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko para mapalunok ako.

Hindi naman na siya nagsalita. Hinatid niya lang ako sa clinic at may sinabi siya sa nurse. Pansin kong parang iba 'yung tingin niya sa'kin kaya hindi ko maiwasan na magtaka at kabahan.

May iba sa paraan ng pagtingin niya. Madalas din siyang tumingin sa tiyan ko. Ano bang meron sa tiyan ko at tingin siya nang tingin do'n?

Humiga na ako sa kama. Akmang ipipikit ang mga mata ng dumating ang nurse at may inabot sa'kin.

"Miss, kailangan ko lang makumpirmi bago kita bigyan ng mga vitamins."

Umawang ang labi ko at napatitig sa tatlong pregnancy test na inabot niya. Napalunok ako at tahimik na kinuha 'yun.

Iniisip ba niyang buntis ako kaya gano'n na lang ang tingin niya?

Pero... napahinga na lang ako ng malalim at binasa kong paano gamitin 'yun.

Posible bang buntis ako? Ilang beses na akong naduwal. Masama ang pakiramdam ko... Atsaka, hindi naman siya gumamit ng proteksiyon. Ilang beses na naming ginawa 'yun.

Napatitig ako sa tatlong PT na pare-parehas may dalawang guhit. Napaluha ako at napahawak sa tiyan ko.

Buntis ako... pero paano ang mga pangarap ko? Ano na lang ang sasabihin ni tiya? Nito pa lang kami nagiging okay at ayaw kong magalit na naman siya.

Humikbi ako sa saya at lungkot. Hindi ko ito pinagsisihan... pero kailangan kong isakripisyo ang mga pangarap ko. Kailangan kong tumigil para sa baby ko. Kailangan ko siyang alagaan.

Tulala ako ng makalabas. Kinuha ng nurse ang tatlong PT.

"Congratulations, Miss. Blessings 'yan baby mo kaya h'wag mo ng ituloy ang balak mo kung meron man..." nginitian niya muna ako bago iwan.

Hindi pa din magsink sa utak ko na magiging isang Ina na ako. Tanging paghikbi lang ang nagawa ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

Mamahalin kita, anak. Mamahalin kita ng buong-buo. Kung kailangan kong iwanan at bitawan ang mga pangarap ko para sa'yo ay gagawin ko. Mahal na mahal ka ni Mama. Mahal na mahal kita.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon