Chapter 18

34.1K 458 26
                                    


"Pasensya na. Pinaghintay pa kita." he just chuckled.

"It's okay, sister in law." I blushed.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Ang gaan ng pakiramdam ko kay Yielo. Hindi pala siya mahirap pakisamahan.

Madali lang siyang makaclose.

Akala ko ay masungit ito dahil napakamisteryoso niya sa kanilang magkakapatid... pero mali ako dahil kapag nakilala mo na siya ng lubusan ay makikita mo ang totoong Yielo.

Iba ang pagkakakilala ko sa kanya nung unang kita ko pa lang sa kanya at ngayong medjo naging close ko siya.

Nakuwento niya din sa'kin ang babaeng mahal na mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko nga maiwasan na humanga sa kanya lalo na sa pagmamahal niya sa dalaga.

Ang suwerte ni Celesta kasi hanggang ngayon ay hinihintay siya ni Yielo at umaasa itong babalik sila sa dati.

Masakit lang ang nangyari sa kanilang dalawa pero wala naman ako sa lugar para ikuwento at pangunahan siya.

"How's life?" he asked.

"Ayos naman. Walang bago sa buhay ko." sagot ko.

He nodded. Nagdrive na siya papunta sa kanila. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na sumama sa kanya. Alam kong ando'n siya dahil family dinner nila ngayon.

Hindi ko pa din malimutan ang nakita ko. Tuwing naaalala ko 'yun ay nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

Akala ko iba siya sa ibang mga lalaki... pero kagaya lang pala nila siya.

Bahagya akong nagulat ng hawakan niya ako sa baywang. Magtatanong pa sana ako ng tiningnan niya ako ng may kakaibang ngiti sa labi.

Hinayaan ko na lang.

Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ng mga magulang niya at mga kapatid niya. Ng tuluyan kaming makarating sa dining area ay napatigil sila at napatingin sa'min.

Napatingin ako sa kanya. Dumilim ang mukha nito at bumaba ang tingin sa baywang ko na hawak ng kapatid niya. Mabuti na lang at kami lang dito sa buong restaurant.

Pinanghila niya ako ng upuan bago tumabi sa'kin. Ramdam ko pa din ang mga tingin nila.

Yiem cleared his throat. Mukhang nararamdaman niya ang kakaibang atmosphere.

"Good evening, I'm Yannie!" napg-angat ako ng tingin.

May magandang ngiti 'to sa labi habang nakatingin sa'kin. Ngumiti din ako sa kanya. Nakakahawa ang ngiti niya.

"I'm Solana..." nahihiyang pakilala ko.

"Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sa'yo." I just smiled at her.

Nagsimulang kumain ang lahat. Ramdam ko pa din ang mariin niyang titig lalo na ng asikasuhin ako ni Yielo.

"Thank you..." he smiled.

Nakakailang kumain dahil sa titig niya, kahit na hindi ako tumingin sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang tingin niya.

"Mabuti naman at sinama mo si Solana," saad ng Mommy nila,

"She's part of our family, Mom."

Nakinig lang ako sa usapan nila. Ilang pa din sa dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin. Kumain na lang ako.

"Kelan ba ang kasal na sinasabi mo, Yielo?"

"Kailan mo ba gusto, Solana?" he asked.

Napalunok ako bigla at napainom ng tubig. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o gusto niya lang na pagselosin ang kapatid.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon