Chapter 32

32.4K 399 10
                                    


Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Hindi nga nagpakita sa'kin si Yleo. Hindi ko na nakita ang anino niya. Sa anim na buwan ay walang kahit na anong bakas niya ang nakita ko.

Totoo ngang pinaglaruan niya lang ako. Bumalik na siguro siya sa girlfriend niya. Hindi na ako binalikan, e. Tinaboy ko din naman. Kasalanan ko... pero umasa akong babalik siya.

"Ikaw ng bahala dito sa bahay, Elya. Labhan mo ang mga labahan diyan." ani ni tiya.

Nakita kong nakabihis sila. Mukhang aalis sila. Gagala... pero hindi ako kasama.

Hindi na ako umimik. Hinaplos ko lang ang umbok kong tiyan. Ng makaalis sila ay naghanap ako ng makakain kaso wala.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Dumiretsyo na lang ako sa mga labahin.

Buntis ako pero ako ang gumagawa ng mga gawain dito sa bahay. Ang maghugas ng plato, ang maglinis ng bahay at ang maglaba. Kapag hindi ako kikilos ay lagi nila akong sinusumbatan. Minsan ay sinasaktan ako ni tiya kaya sumusunod na lang ako kahit na nahihirapan ako... lalo na sa paglalaba. Nahihirapan kasi akong umupo.

Pinaikot ko muna ang washing bago iwanan. Kumuha ako ng pera. Mabuti na lang at may pera pa akong naitabi. Kapag wala silang pagkain na iniiwanan sa'kin ay bumibili ako pero tipid lang.

Madami akong cravings, mga gustong kainin pero hindi ko nakakain lahat. Nagigising ako sa umaga na gustong kumain ng kahit na ano pero napupunta lang ako sa pag-iyak dahil wala naman magbibili sa'kin.

Hindi ko nga alam kong paano ko nakakayanan sa anim na buwan na itulog na lang ang pagtatakam ko sa ano-anong mga pagkain.

Binuksan ko ang pinto ng may kumatok. Napakunot ang noo ko dahil sa hindi pamilyar na lalaki na nasa harapan ko.

"Ma'am, order n'yo po." I shocked a bit.

"P-po? Wala po akong inoorder. Wala po akong pambayad diyan."

Ngumito ito. "Bayad na po 'yan, Ma'am. Papirma na lang po."

Nagtataka man ay pumirma na lang ako. Nagpasalamat ako ng makuha ang mga supot.

Kanino kaya ulit ito galing? Hindi isang beses akong may natatanggap na order kahit na wala naman akong order. Nakakapagtaka lang na alam niyang 'yun ang pinaglilihian ko kaya naiibsan minsan ang pag-iyak ko sa gabi.

Natakam ako ng makita ang hiwa ng watermelon. Hindi ko alam kung bakit sa watermelon ako naglilihi. Natakam na lang ako bigla dito.

Umupo at hinawakan ang umbok kong tiyan bago kumain. Kung sino man ang taong nagpapadala ng mga pagkain sa'kin minsan ay nagpapasalamat ako sa kanya ng sobra. Sana ay makilala ko siya para personal na magpasalamat.

Hindi naging madali sa'kin ang pagbubuntis ko. Mas naging emosyonal pa ako lalo. Umiiyak na lang ako bigla kahit wala naman nakakaiyak at dapat iyakan. Tuwing gabi din ay hinahanap ko ang presensya ni Yleo.

Gustong-gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang kayakap sa tuwing gabi... pero tuwing maaalala ko ang ginawa kong pagtataboy sa kanya ay sinisisisi ko na lang ang sarili ko.

Kung nandito ba siya sa tabi ko ay hindi ganito ang pagbubuntis ko? Hindi kaya ako ganito mahihirapan?

Iniisip ko minsan na nasa tabi ko siya at inaalagaan ako. Magigising sa gabi dahil nagca-crave ako sa mga pagkain na gusto ko. Makikita ko siya sa umaga at ipagluluto ako. Hinahaplos ang tiyan ko at masaya kami.

Iniisip ko lahat ng 'yun at kung paano siya magiging ama sa anak namin.

Namalayan kong umiiyak na lang ako kaya natawa ako.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon