Chapter 16

37.1K 459 42
                                    


"Hindi mo naman sinabi na napakayaman pala ng nobyo mo! Huthutan mo nang huthutan, Elya!"

"Tiya..." saway ko.

Hindi gano'n ang intensyon ko kay Yleo at wala akong masamang intensyon sa kanya.

"Ano ka ba, Elya! Maging matalino ka! Magpakasal ka agad sa kanya para naman umangat na tayo!" hindi na ako nakaimik.

"Tiya... hindi naman maganda ang gano'n-" she cutted me.

"Elya, Iha. H'wag kang mabulag sa nararamdaman mo sa kanya. Pera ang mas mahalaga kaysa sa pagmamahal. Wala 'yang pagmamahal kung sasaktan ka lang." sabay ngiti niya.

Mas lalo akong hindi nakaimik. Hindi na ako sumagot dahil baka magalit pa siya.

Ang intensyon at gusto niyang mangyari ay hindi gano'n ang gusto ko. Hindi gano'n... at hindi ko gagawin 'yun.

Sobrang bait ni Yleo sa'kin at pinaramdam niya sa'kin lahat ng mga bagay na gusto kong maramdaman. Siya lahat nagparamdam. Pinupunan niya lahat ng pagmamahal na gusto kong makuha sa mga magulang ko.

"Tiya... ano po palang pangalan ni Mama?" natigilan siya.

Napakagat ako ng labi ng biglang nag-iba ang expresyon ng kanyang mukha.

"Kahit pangalan lang po sana ng mga magulang ko ay maibigay n'yo sa'kin..." mahinang ani ko.

"Kapangalan mo ang Mama mo." tanging sagot niya at iniwanan ako.

Napangiti ako kahit paano. Kapangalan ko ang Mama ko? Ibig sabihin ay pinangalanan niya ako na kagaya sa pangalan niya. Gusto kong malaman kung bakit... pero sapat na nalaman ko ang pangalan ni Mama.

Okay na 'yun at masaya na ako.

Natigilan ako ng harangan ako ni Jude. Nakataas ang isang kilay niya at malditang tumingin sa'kin.

"Ano na namang problema mo, Jude?" tanong ko.

She smirked at me. Hinawakan niya ako sa braso. Bumaon din ang kuko niya do'n at mukhang sinasadya niya talaga.

Hindi ko alam kung ano ang problema niya.

"Ang guwapo ng boyfriend mo, Elya. Bantayan mo ng mabuti huh." saad niya bago haplusin ang braso kong bumakat ang kuko niya do'n.

Tumingin lang ako sa kanya. Siya naman ay mas lumawak ang ngisi sa'kin na para bang inaasar ako.

"Baka maagaw sa'yo bigla e. Bantayan mong mabuti." babala niya.

Hinaplos ko ang braso ko at napatingin do'n. Ramdam ko ang sakit pero pinagsawalang bahala ko na lang.

Palaisipan ang sinabi niya sa'kin. Ayaw kong mag-isip ng kung ano sa puwede niyang gawin.

"Hoy gaga! Bumalik na siya!" bungad agad ni Eunice sa'kin.

May paghampas pa siya sa braso ko kaya napadaing ako. Napatingin siya do'n.

"Ang yari sa braso mo?" hindi ako sumagot.

Nilagpasan ko lang siya at pumunta sa may upuan ko. Wala akong gana ngayong araw. Masakit ang puson ko.

"Aba'y snob!" saad niya.

Pinahinga ko lang ang ulo ko at hinaplos ang bandang puson ko. Naiiyak ako sa sakit. Hindi naman ito ganito kaninang umaga. Wala ngang sakit e.

"Ito na ang chika, anteh! Dito na daw ulit matuturo si Ma'am Lanica! 'Yung ex ng bebe mo." napalingon ako sa kanya.

Bigla akong nacurios at naging interesado. Tumawa siya ng mahina dahil sa naging aksyon ko.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Where stories live. Discover now