PAMILYA

1.1K 11 7
                                    

Umuwi ako at dumiretso sa kwarto, nakita ko si Ellie na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya sa noo.

"Kakatulog niya lang."

Rinig kong sabi ni mommy mula sa likod ko. I smiled at her, I need to tell her na umuwi na si Kristoff na nagkita na kami at nag usap. Kaya lang nagdadalawang isip ako. Maybe I can tell them next time Kapag maayos na ang lahat at masasabi ko na rin sakanila na okay na kami ni Kristoff.

"Kamukhang kamukha niya si Kristoff mi."

Sabi ko at ngumiti. Hinaplos ni mama ang likod ko. Nagtataka ako why mom never ask kung saan ako nanggaling. Kung bakit hindi ako nakauwi kagabi.

"Oo nga eh. I know Ellie would love to see her dad”

Tiningnan ako ni mommy.  Hindi ako nagsalita. Matutupad ko narin sa wakas ang pangako ko sakanya.

"By the way, nasa baba si Garrix dala niya si Eze.”

Agad akong bumaba at dumiretso sa sala. Nakita ko si Garrix na kinukulit si Eze. Napapahagikgik naman itong ten months old na si Eze. Ang gwapo ng batang ito, kamukhang kamukha niya si Garrix.

"“Eze!"

Ani ko sabay karga sa kanya.

"Mabuti pa si Eze napapansin mo pero ako hindi. Naku ha nakakatampo ka na Coleen."

Ani niya. sinuntok ko siya ng mahina. Ke lalaking tao ang arte.

"Tse..bahala ka sa buhay mo..HAHAHA"

Natawa narin ito.

Naging mas close pa kami ni Garrix simula noong araw-araw na niya akong dinadalaw dito sa bahay. Dinadalhan niya ako ng pagkain at gatas para daw mas lumusog si Ellie. Sinasamahan niya rin ako sa mga briefing sa panganganak at halos sa lahat na.

"Kumusta? Mukhang masaya ka ata ngayon ah?"

Ani niya. Halata ba? Sabihin ko na kaya sakanya? Tiningnan ko siya at nginitian.

"Nasabi ko na kay Kristoff ang totoo.”

Tiningnan niya ako at bahagyang ngumiti.

"So nagkita na pala kayo at nag usap."

I nodded. Hindi nga lang maayos ang pag uusap namin. Nagkatinginan kami ni Garrix. Makikita ang lungkot sa mga mata niya, kahit nakangiti siya ay hindi nito natatakpan ang kalungkutan na kumikinang sa mga mata niya.

"Mabuti naman at nagawa mo na iyon. Daddy siya ni Ellie, he deserves to know his child and Ellie deserves to know and feel the love of her father.”

Niyakap ko si Garrix. Kahit na nasasaktan na siya, mas pinili niya na manatili sa tabi ko at sinusuportahan ako. Sa mga panahong hindi pa nahihilom ang sugat sa puso ko, sinubukan kong mahalin siya sa pag aakalang baka sa ganoong paraan ay makalimutan ko na si Kristoff at masuklian man lang ang pagmamahal niya saakin.

Pero sadyang hindi mo talaga matuturuan ang puso. Kahit anong gawin ko ay si Kristoff pa rin ang isinisigaw nito. Pero kahit ganun pa man ay hindi pa rin siya umalis sa tabi ko.

"Thank you Garrix"

Ani ko pagkatapos ko siyang yakapin. And again he smiled. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ang mga mata ko.

"I'm so proud of you."

Ani niya .Napaka swerte ko at nakilala ko ang tulad ni Garrix. Si Garrix na na handang masaktan para sa ikakasaya ng taong mahal niya. Si Garrix na gagawin ang lahat maprotektahan lang ang mahalagang tao sa buhay niya. He is the type of guy I once dreamed of but after meeting Kristoff I never thought that I am going to fell inlove with a guy like him.

"Thank you"

Sagot ko naman sakanya.

"Siguro kung mas nauna mo kong nakilala wala ka sa ganitong sitwasyon. I'm sorry I was late."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Garrix.

"Biro lang."

Pasunod na sabi nito. Alam kong ang birong ito ay may halong lungkot at katotohanan. Kung sana lang ikaw ang nauna Garrix... Napakaswerte ko siguro.



* * *

KRISTOFF's POV

Kakatapos lang ng meeting ko at naka upo ako ngayon sa swivel chair sa opisina ko. Nakatitig ako sa cellphone ko, tinitingnan ko ang litrato ni Coleen na kinuha ko kanina habang mahimbing siyang natutulog.

Nag uumapaw ang saya ko at hindi ko ito maipaliwanag Tumatalon ang puso ko at tila ba hindi ako mapakali. Bumukas ang pinto at pumasok angbsekretarya ko dala ang bagong schedules and meetings ko.

"Sir may meeting ho kayo sa HBC Dragons representative this 2:30 in the afternoon."

Tiningnan ko ang sekretarya ko at tumayo.

"Arrange my schedule and re-schedule the meeting tomorrow."

Sabi ko at umalis. Pupuntahan ko si Coleen. Tama nga ang kutob ko na ako talaga ang tatay ng pinagbubuntis ni Coleen. I can't wait to meet my daughter.


* * *

COLEEN's POV

"Mi ako na lang po ang bahala kay Ellie."

Ito kasing si mommy nag aalala kay Ellie, parang ayaw iwan saakin. Kailangan niya kasing mag grocery at isa pa gusto kong magpahinga muna siya kakakarga kay Ellie. Basta kasi pagdating Ellie hindi daw siya mapapagod. At mapupuyat. Kahit na alam ko naman na pagod na talaga siya.

"Sigurado ka? Naku wag mong pababayaan si Ellie. Lagot ka saakin mamaya kung may kagat na ng lamok yan."

Grabe naman itong si mommy. Hindi ko naman mabantayan lahat ng lamok dito sa bahay kung meron man, she's very meticulous when it comes to Ellie. Parang hindi ko na na fe-feel na anak ko itong si Ellie e, parang naging kapatid ko na. Sana gumawa na lang sila ni daddy ng bunso.

"Yes mi."

Sabi ko at sinirado ang pinto. Inilapag ko si Ellie sa crib na nasa living room at umupo sa couch. Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa kakaupo ay biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ang pintuan sa pag aakalang bumalik na kaagad si mama na kakaalis lang.

"K-Kristoff?"

Nagulat ako ng makita si Kristoff na nakatayo sa tapat ng pintuan. Hindi niya ako pinansin at pumasok sa loob ng bahay. Inilapag niya sa couch ang mga dala niyang paper bags. At lumapit sa crib.

My heart is pounding. Tinititigan niya si Ellie, hindi niya ba kakargahin ang anak niya?

"She's so adorable"

Aniya at dahan-dahang iniangat si Ellie. Kinarga niya ito at hinalikan sa noo. Nakita ng dalawang mata ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Niyakap ko siya at pati ako ay naiyak na rin. Sa wakas ay naging isang pamilya na kami. Masaya ako na makita ang mag ama ko. Parang ayaw na bitawan ni Kristoff si Ellie. Umupo kami sa couch tinuro niya saakin ang mga paper bags na dala niya.

"That's my gift for my little princess."

Aniya. I smiled in response. Ito ang araw na hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Ang araw na naging buo kami. Ang araw na may matatawag akong sariling pamilya.

FCK ACADEMYWhere stories live. Discover now