POSITIVE

1.1K 6 2
                                    

"Salamat Garrix."

Ani ko at ngumiti.

"Always welcome. Ihahanda ko lang ang kwarto."

Ayokong bumalik sa dorm. Hindi ko kaya, baka makita ko lang siya at baka pumatak na naman ang mga luha ko. Lumipas ang mga araw, pero hindi pa rin natatanggal ang sakit ng kahapon. Mabuti na lamang at hindi ako iniwan ni Garrix. Hindi na rin kami nagkikita ni Kristoff. Inaamin ko, namimiss ko siya sobra. Pero kailangan kong lumayo, dahil ito ang tama.

"O? Okay ka lang?"

Napasinghap ako. Kasalukuyan kaming kumakain ni Garrix dito sa cafeteria. Hindi maganda ang pakiramdam ko simula noong isang araw. Madalas ako mahilo.

"Ang putla mo? Sigurado ka ba talagang okay ka lang?"

I nodded. Kanina pa itong pagkain ko sa harap pero ni hindi ko man lang ito nagalaw. Wala akong ganang kumain. Siguro kailangan ko lang ipahinga ito. Dahil din ito siguro sa stress at pagod.

"I'm okay. Kailangan ko lang sigurong magpahinga."

Dahan-dahan akong tumayo. Pero kamuntikan na akong natumba mabuti na lamang at nasalo ako ni Garrix.

"Dadalhin na kita sa clinic."

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. Parang gusto kong masuka.

"H-hindi na..."

Inipon ko lahat ng lakas ko at sinubukang tumayo at lumabas ng cafeteria. Dumiretso ako sa banyo at nagsuka. Napahawak ako sa ulo ko.

"Ano ba kasing kinain mo?"

Sinundan pala ako ni Garrix. Nanghihina na ang katawan ko. Alam kong ilang sandali lang ay babagsak na ko.

"Okay lang ak-"

Naramdman ko ang paghawak saakin ni Garrix, and after nun, everything went black. Nagising ako sa loob ng puting kwarto. Kung hindi ako nagkakamali ay dinala ako ni Garrix dito sa clinic. Naaaninag ko ang mukha ni Garrix, nakikipag usap siya sa school nurse. Pero bakit mukhang malungkot ang mukha niya? Nakita niya akong gising kaya mabilis na lumapit ito saakin. Hinipo niya ang ulo ko. Makikita sa mukha niya ang labis na pag aalala.

"Kumusta pakiramdam mo?"

Pinilit kong bumangon pero pinigilan niya ako at inihiga ulit. Namumuo ang mga luha sa mga mata niya. What's wrong with him? Maya-maya pa ay lumapit saakin ang nurse at may iniabot. Kinuha ko naman ito at tiningnan.

“Pregnancy test? I don't need this."

Naguguluhan ako. Anong gagawin ko dito? Hindi ba dapat bigyan niya ko ng gamot? Sana naman mali itong iniisip ko ngayon. Sana nananaginip lang ako ngayon.

"You need that. Alam kong gusto mong malaman ang resulta."

Sabi ng nurse. Napasinghap si Garrix. Dahan-dahan akong bumangon, inalalayan ako ni Garrix papuntang banyo. Hawak ko ngayon ang magpapabago ng buhay ko, kung sakali man. Hindi ko mapigilang hindi maluha, hindi ko alam kung matutuwa ako o kung ano, gayung hindi na kami nag uusap ni Kristoff.

Umupo ako sa toilet bowl. At ginawa ang proseso. Kinakabahan ako habang tinitingnan ang pregnancy test. Lumabas ang isang pulang guhit. Sunod nun ay lumabas pa ang isang guhit. Nanginginig ang buong katawan ko.. At nanigas ako ng makita ang naging resulta ng test, dalawang pulang guhit. Ibig sabihin buntis nga ako.

Bumuhos ang mga luha ko, napaupo ako sa sahig. Kinakatok ni Garrix ang pintuan ng banyo, pero hindi ko siya pinansin patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"COLEEN! ANONG NANGYARI??! ARE YOU OKAY?!"

Niyakap ko si Garrix. Nagtagumpay ako sa plano ko. Hindi ba dapat masaya ako ngayon. Hindi ba dapat masaya ako kasi sa wakas makakalabas na rin ako sa impyernong ito. At hindi ba dapat masaya ako kasi magkakaanak na kami? Pero paano? Gayung nagkakalabuan na kami. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakanya na magiging tatay na siya.

"Buntis ako......Garrix, buntis ako.."

Nakakunot ang noo niya. Kinarga niya ako at inihiga ulit sa hospital bed. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Paano? Hindi naman kayo nagkikita."

Nagugulahan man ay pilit kong ipinaliwanag sakanya.

"Noong huling gabing may nangyari saamin... Wala siyang suot na kahit na anumang proteksyon... Hindi ko pinansin iyon dahil bugso ng aming damdamin.. Garrix, siya ang ama ng dinadala ko ngayon."

Napahawak sa batok si Garrix. Sinuntok niya ang pader. Nakita ko ang landas ng mga butil ng luha sa pisngi niya.

"Fvck! That bastard! Hindi niya man lang alam ang ginawa niya."

Bumangon ako at niyakap si Garrix. Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos ito.

"You need to talk to him."

Umiling ako, hindi niya kailangang malaman ito. Ayokong malaman na wala siyang pakialam saamin ng magiging anak niya. Natatakot akong balewalain niya kami ng harap harapan.

"Hindi. Wala kaming dapat pag usapan."

Humugot ng isang malalim na hininga si Garrix. Kahit anumang pangungumbinsi niya. Hindi ko pa rin ito gagawin dahil ito ang tamang gawin sa ngayon.

"Anong plano mo?"

Tanong saakin ni Garrix. Nakabalik na kami sa dorm niya, binigyan ako ng gamot para sa pagbubuntis. Kumakain ako ngayon ng cookies at gatas. Ito namang si Garrix inaasikaso ako ng mabuti mas lalo na ngayong alam niyang buntis ako.

"Kailangan mong magwalking para hindi ka mahirapan pagnanganak ka."

Tumaas ang kilay. Paano niya nalaman ang mga ganung bagay?

"Teka? Paano mo nalaman yun?"

Ngumiti naman ito. Hawak pa niya ang kutsilyo at apple.

"Syempre. Nalaman ko yan sa nanay ng anak ko no."

Aniya sabay hiwa ulit ng apple. Napangiwi naman ako. Nakalimutan kong may anak na pala siya.

"Garrix?"

Ani ko.

"Hmm?"

Naka focus pa rin siya sa ginagawa niya. Ngayon naman ay nagbabalat siya ng orange. Baka mabundat naman ako sa mga pinapakain niya.

"Ano ba pakiramdam na maging isang magulang?"

Nakangiti siya na tumingin saakin.

"Masarap at masaya. Masarap sa feeling na may tatawag sayong daddy. At masaya dahil sa hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng anak. In short ito yung most treasured and unforgettable moment of your life as a person. Mahirap at challenging ang pagiging isang magulang. Pero hindi nito mapapantayan ang kasiyahan sa puso na dulot nito."

Miss na miss niya na siguro ang baby niya.

"Anong pangalan ng baby mo"

Tanong ko.

"Ezekiel. Alam mo ba kamukha niya ko.."

Inilapag niya ang mga prutas sa mesa at umupo sa tabi ko.

"Na miss ko anak ko."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. I know he's a great dad. I can't wait to meet his boy.

FCK ACADEMYWhere stories live. Discover now