PAALAM PT 2

616 8 8
                                    

"Sigurado ka bang hindi mo ipapaalam kay Kristoff na aalis ka na dito?"

Tanong ni Garrix habang tinutulangan akong mag empake ng gamit.

"Hindi niya naman na kailangang malaman. Kahit namang sabihin ko sakanya na siya ang ama ng dinadala ko ay malabong maniwala yun saakin."

Sagot ko. Habang patuloy na tinutupi ang mga damit ko.

"Kung ano man ang desisyon mo ay naiintindihan ko at nererespeto ko. Pero tandaan mo Coleen kahit anong mangyari siya pa rin ang ama ng baby na yan. May karapatan siya sa bata at may responsibilidad."

Hindi na ko nakasagot pa sa sinabi ni Garrix. Tama nga naman siya may karapatan si Kristoff na malaman ang katotohanan. Pero masyado pang magulo ang lahat ngayon at hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sakanya ang totoo.

Hila-hila ko ang aking maleta nasa hallway na kami ngayon ni Garrix. Pinagtitinginan kami ng lahat ng nadadaanan namin. Nadaanan namin ang cafeteria kung saan nakita kong naka upo si Kristoff at nakatingin sa malayo. Napahinto ako.. Gustong gusto ko siyang yakapin bago ako umalis pero di pwede alam kong galit pa rin ito saakin.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko ng bigla itong lumingon sa direksyon ko. Makikita sa mukha niya ang pagkabigla. Tumulo ang mga luha ko at nagsimulang maglakad papuntang elevator kung saan naghihintay si Garrix.

"Are you ready?"

Tanong ni Garrix.

"Yes, Let's go"

Buti na lang at may sasakyan pa lang dala si Garrix dito sa school kaya naman di na kami nahirapan pang maghanap ng taxi. Pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit namin sa likod ng kotse ay umalis na kami. Bago kami tuluyang makaalis ng eskwelahan ay di ko mapigilang hindi mapatingin ulit dito. Parang kailan lang noong unang pasok ko dito. Hinawakan ni Garrix ang likod ko at hinimas ito. Lalo akong napaiyak. This place gave me so much experience. Experience that I will never forget for the rest of my life. Napahawak ako sa tiyan ko. Magiging okay din ang lahat.

Inihatid ako ni Garrix sa bahay.

"Thank you so much for everything Garrix."

Ani ko. Ginulo niya ang buhok ko.

"Ingat ka. Alagaan mo ang sarili mo. If you need help just call me. And one more thing.. Sana masabi mo na ang totoo kay Kristoff. He deserves to know."

Aniya. At pinaandar ang sasakyan, nag wave siya saakin. I waved back hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nag doorbell. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay mama at daddy ang sitwasyon ko. Pero kung anuman ang sasabihin nila ay tatanggapin dahil alam kong nagkamali ako.

* * *

"Bakit ka biglang nag dropped out sa Felip Academy? May nangyari ba Coleen?"

Nasa living room kami ngayon. Kinakausap ako ni mommy at daddy, they're asking me kung bakit ako umalis sa eskwelahang iyon.

"It's just that...uhmm"

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kina mama na buntis ako.

"You should've informed us Coleen!"

Dad is really mad, knowing I dropped out from FCK ACADEMY. How much more kung malaman niyang buntis ako.

"Mom, Dad... Alam ko biglaan yung pag drop out ko..."

Tumayo si Daddy at tumungo sa pintuan. Bumuhos ang mga luha ko. Hindi ito madali para saakin. But I need to tell them, kasi sila lang ang meron ako ngayon. Sila lang ang makakatulong saakin.
Sinundan ni mama si daddy at inalo. She's begging him to stay and listen to me.

"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa anak mo, I'm doing everything para mabigyan siya ng magandang kinabukasan! I let her choose the school she wants because I thought na it will motivate her to pursue her college but Now what?! Bigla bigla na lang siyang uuwi then sasabihin na nag drop out siya sa eskwelahan niya?"

Mama calm him down and comforts him. I feel so down and selfish. Hindi ko man lang sila inisip. Hindi ko man lang inisip kung gaano ba ito makakaapekto sakanila. Nilapitan ko sila at niyakap si Daddy.

"Dad.. I'm sorry.. I'm so sorry for disappointing you..I'm sorry.."

I sobbed. Hinimas ni mama ang likod ko.

"Mom, Dad.. I know you'll get disappointed again. But I'll understand, I know this is my fault. But only the both of you can help me get through this.."

Hindi sila nagsalita. I assume they want to hear what I am about to say right now. This is it. Whatever this may take, no matter what they would say. I'll accept it. Because they deserve to get mad, and I deserve to be scolded after what I've done.

"Mom, Dad..."

Napalunok ako. At napapikit.

"I'm preganant."

Namilog ang mata ni daddy ng marinig ang sinabi ko. He walked out, I cried so hard.. Niyakap ako ni mama at inalo. Tears fell from mama’s eyes. I hugged her back..

"Stop crying.. Everything will be alright. Okay?"

She said at pinahid ang mga luha ko. I'm thankful na hindi nagalit saakin si mama but I know deep inside she' s also hurt like dad.

Pinaupo niya ako sa sofa at pinainom ng tubig. She tried to calm me down, but I can't. Sobrang sakit lahat ng nararamdaman ko ngayon.

***

KRISTOFF's POV

Nagtama ang mga mata namin ni Coleen, may dala dala itong maleta. Maya maya pa ay umalis na rin ito napatayo ako bigla. What's the point of staying here if Coleen's not here anymore. She's the only reason why I'm staying.. and now she's gone.

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Felip. I need to talk to him and tell him I need to leave. Binuksan ako ng sekretarya niya na halos wala ng saplot sa katawan. Such a pervert.

“What brings you here Kristoff?"

Tanong niya habang umiinom ng brandy. He is sitting in his chair comfortably.

"I need you to sign this."

I handed him the papers.

"Are you dropping out from my school? Interesting.”

Sinusubukan niya akong inisin. Pero hindi ako magpapatalo. I knew him since we were kids.

"Yes"

Tipid kong sagot.

"Why? May nabuntis ka ba?"

Lumapit ako sakanya at umupo sa harap niya.

"I need to leave because of dad. He is sick and he needs someone to handle the company. So please. Let me get the hell out of here.”

I know he won't say no. Basta si dad na ang pinag uusapan. Si dad na rin ang tumayong ama niya simula ng mamatay ang mga magulang niya. And besides if not because of dad wala ako dito ngayon. Nandito lang naman ako dahil yun ang gusto ng tatay ko to show support to Felip. The fuq

He signed the papers and gave it to me.

"Thanks"

Sabi ko at lumabas ng opisina.

Bumabagabag sa isip ko ang mga sinabi ni Coleen. Hindi ako makapaniwala na si Garrix ang ama ng ipinagbubuntis niya? Totoo ba talaga iyon? O gusto niya lang akong burahin sa buhay nila ng anak ko?

Alam kong mahal niya ako. At alam kong hindi niya magagawa iyon. Pero kung anuman ang binabalak niya ay hahayaan ko muna siya sa ngayon. Masakit man para saakin pero kailangan ko munang magpakalayo layo.

Paalam muna sa ngayon, pangako babalik ako.. babalikan kita Coleen..

FCK ACADEMYWhere stories live. Discover now