HULI

1.8K 12 2
                                    

COLEEN'S POV

"Hey Garrix!"

Pakembot kembot akong lumapit sa kinaroroonan ni Garrix. We are celebrating our christmas party dahil sa susunod na araw ay bakasyon na namin. Hawak ko ang isang basong alak, aminado akong medyo tinatamaan na ko ngayon. Hindi naman kasi ako sana'y uminom.

"Hi there Coleen! You look fabulous tonight."

Nginitian ko siya bilang tugon. Mukha siyang masaya ngayon. Bakit kaya?

"Kumusta? You look happy huh."

Hinapit niya ang bewang ko at dinikit ang katawan ko sa katawan niya.

"Okay lang. Na miss kita"

Sa amoy ng hininga niya at base na rin sa pananalita niya, alam kong lasing na siya. Inilayo ko ang katawan ko sa katawan niya, kaya lang masyado siyang malakas kaya hindi ko nagawa. Tiningnan ko na lamang siya at bahagyang natawa. Ang cute niya pala paglasing.

"Let me go. Kukuha muna ako ng makakain."

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Nagugutom ka na ba?"

Bulong niya.

"Oo, kaya bitawan muna ko at kukuha na ko ng makakain."

Kahit anong pilit kong umalis, ay hindi ko magawa, ang kulit talaga ng lalaking to.

"Please, pakainin mo na ko."

Hindi ko maintindihan kung bakit pero bigla na lamang siyang ngumiti na parang asong ulol na manyak. Baliw. Lumapit ulit siya saakin at bumulong.

"Sigurado ka?"

Aba?! Tinatanong pa ba yan? Hindi ba malinaw sakanya na nagugutom na nga ako?

"Oo naman"

Sagot ko. Medyo naiinis na ko.

"Tara"

Bigla na lamang akong hinila. Ano ako aso? Nakakabwiset.

"Teka! Sandali! San mo ko dadalhin?!"

Na weweirduhan na ko sakanya. Ang pagkain nasa loob tapos hinihila niya ko palabas? Aba? Anong ipapakain niya sakin? Mas masarap pa ba kaysa sa mga pagkain sa loob?

"Sabi mo pakainin kita? Kaya tara na, pakakainin kita."

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at kinaladkad, pa ekis-ekis akong nagpakaladkad sakanya, hindi na ko nagpumiglas pa, wala na kong sapat na lakas para bawiin ang kamay ko na hawak niya. Nasa hallway na kami ngayon at mukha atang papunta kami sa mga dormitories, ano bang klaseng pagkain ang ipapakain niya sakin? Di kaya ipagluluto niya ko? Not a bad idea anyway. Binuksan niya ang isa sa mga dorm, at halos mapasigaw ako dahil tumambad sa amin ang mga hubad na nilalang. Napatakip ako ng bibig, mali ata ang napasukan namin.

"He-he? S-sorry!"

Agad kong hinila si Garrix palabas ng dorm, maling dorm number ang napasukan namin, napahagikgik kaming dalawa habang naglalakad sa hallway. Maya-maya pa ay pumasok na naman kami sa isang dorm, sa tingin ko ito na ata ang dorm niya. Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto niya at ni-lock ang pintuan.

"Wait, bakit dito tayo sa loob ng kwarto mo? Akala ko ba ipagluluto mo ko?"

Napa awang ang bunganga ko ng makitang hinubad niya ang suot na t-shirt at itinapon sa sahig, tinulak niya ko sa kama at ikinulong sa mga bisig niya.

"Sabi mo nagugutom ka, pwes pakakainin kita"

Walang sabi-sabi niyang sinunggaban ang mga labi ko, inangkin niya ito ng puno ng kasabikan. Akala ko ba ako ang nagugutom? Mukhang mas gutom pa ata siya kesa saakin.

"W-wait!"

Hiniwalay ko ang labi ko sa labi niya, Tngna! Hindi pwede to. Hindi maari, mali ito. Bigla na lang akong nakaramdam ng guilt, I feel like I am betraying Kristoff. Bakit? Ano ba kami?
Ibinagsak niya ang sarili sa gilid ko.At hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. hindi ako nakagalaw o nakapagsalita man lang, na tameme ako.

"I'm sorry."

Hindi pa rin ako nakapagsalita.

"I'm really sorry Coleen. I-I'm sorry."

Narinig kong tila ba umiiyak siya, hindi ko siya nilingon, ayokong pigilan niya ang mga luha niya dahil lang sa nandun ako. Mas makabubuti na iiyak niya na lang lahat, para kahit papaano'y maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

"It's okay, Garrix."

Hinaplos ko ang kamay niya. Nakayakap na siya saakin ngayon at patuloy pa ring humihikbi.

"Garrix, anong problema?. Tell me"

Bumangon siya at pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya sabay iniabot sakin ang kanyang kamay.

"Let's go. Baka mahuli pa tayo ni Kristoff."

Hinawakan ko ang kamay niya tsaka niya ko hinila patayo. Pinulot niya ang kanyang damit at isinuot. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakanya at nagkakaganito siya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon Garrix, alam kong kaya mo yan, at nandito lang ako para sayo tandaan mo yan."

Hinarap niya ko at hinalikan sa noo. Tinitigan niya ko sandali at hinaplos ang aking pisngi.

"Napakaswerte ni Kristoff at nakatagpo siya ng isang kagaya mo."

Napangiti ako. Napakabolero talaga. Sabay kaming lumabas ng kwarto niya.

"Upo ka muna, may gagawin lang ako."

Umupo ako sa couch at nagbuklat ng mga magazines. Natawa na lamang ako na pati mga magazines dito hindi pinalagpas, puro babaeng hubad ang laman, napailing iling na lang ako. Maya-maya pa ay may naglapag ng pagkain sa center table.

"Wow naman.. Mukhang masarap yan ah"

Umupo siya sa tabi ko.

"Mas masarap ka syempre."

Pinandilatan ko siya. Napakaloko.

"Biro lang, syempre naman, para sayo. Diba sabi mo kanina nagugutom ka?"

Kumuha ako ng bowl at kutsara na nasa tray, at tinikman ang niluto niya. Masarap nga.

"Masarap nga! "

At dahil nga sa gutom ako, ay nilantakan ko ng bongga ang soup na ginawa niya. Pagkatapos kumain ay lumabas kami, ihahatid niya na raw ako sa dorm, ayoko sana kaya lang mapilit e. Sabay kaming lumabas sa dorm ni Garrix, nang makita ko si Kristoff sa di kalayuan, nakatayo at tila nakatingin sa aming dalawa ni Garrix, napailing ako.

Hindi maganda to. Mabilis siyang naglakad papunta sa kinaroroonan namin ni Garrix, nag aapoy sa galit ang kanyang mga mata. Hinila niya ko, halos mapasubsob ako sa sahig sa bilis at pwersa ni Kristoff.

"Kristoff, let me explain.."

Hindi niya ko pinakikinggan.

"Kristoff! Pare! It's not what you think!"

Rinig kong sigaw ni Garrix. Huminto siya at tiningnan ng masama si Garrix.

"Anong gusto mong isipin ko matapos kong makitang magkasabay kayong lumabas ni Coleen ng dorm?! Na nagbahay bahayan lang kayo?! F*CK YOU!"

Alam kong nagtitimpi lang si Kristoff. Pumasok kami sa dorm, binitawan niya naman kaagad ang kamay ko. I know he is trying to calm himself. Napasabunot siya at sinuntok ang pader. Awtomatikong nagpatakan ang mga luha ko. Mali ang iniisip niya. Hindi ko magagawa ang kung ano man ang akala niya. Hindi ko kaya, hinding hindi ko magagawa iyon sakanya, hindi kakayanin ng konsensya ko.

FCK ACADEMYWhere stories live. Discover now