ELLIE

580 6 1
                                    

"Mi, do you think dad will forgive me?..I'm so sorry.. I don't know what to do.."

I sobbed. She smiled at me at hinaplos ang buhok ko. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko, dahil nasabi ko narin sa kanila na buntis ako.

"Ofcourse anak. Nabigla lang siya sa mga narinig niya kanina. But I know he'll forgive you. And alam ko na hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon. And I want you to be strong, nandito lang kami ng daddy mo."

I hugged her so tight. Despite of what I have done to our family still they never let me down. They wanted me to learn from my own mistakes and I'm so thankful for that.

"Anak. Tell me si Kristoff ba ang ama ng dinadala mo?"

I  nodded. It's so painful for me na wala siya ngayon sa tabi ko ng inamin ko sa mga magulang ko ang tungkol sa anak naming dalawa.

At hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila na wala na kami ni Kristoff, na itinaboy ko siya dahil naduwag ako, itinaboy ko siya dahil nasaktan ako,

"Where is he? Hindi ba dapat sinamahan ka niya dito?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni mama. Where is he? Hindi ko alam ma, kasalanan ko kung bakit siya lumayo.

"Where is Kristoff?"

Napatayo ako bigla ng sumulpot sa harap namin si Daddy. Napatigagal ako hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Hindi..hindi ko..alam dad"

Napahawak sa sintido niya si daddy. Napabuntong hininga siya. Alam kong pinapigilan niya ang sarili na magalit.

"Anong hindi mo alam Coleen? He is the father of that child right? Anong hindi mo alam?!"

Hinawakan ni mama ang kamay niya. Pakiramdam ko mawawalan na ko ng malay sa sobrang iyak at sakit.

“Hon, that's enough.. Pag usapan na lang natin ito bukas. This is too much for Coleen..Makakasama iyon sa apo natin."

Tumayo si daddy at dumiretso sa kwarto nila ni mama. Niyakap ako ulit ni mama at pinahid ang mga luha ko. Namamaga na rin ang mga mata ko.

"You should take some rest anak. Lets talk about this tomorrow okay? Don't worry too much."

I really hope that dad will forgive me. Kristoff sorry..sorry kung hindi ko man lang ipinaalam sayo. Everything has a reason. I miss you so much.

Inilalayan ako ni mama sa paghiga. Hinalikan niya ang noo ko bago siya lumabas ng kwarto. Tears fell from my eyes again. But this time, not because of what happened, but because of Kristoff.

I miss him so much, I miss his scent, I miss his lips, | miss everything about him. Kumusta na kaya siya? Is he okay? Hindi ko mapigilang hindi mag alala, I know I am stupid because I pushed him away and an idiot dahil itinago ko sakanya ang totoo.

KRISTOFF's POV

Parang pinipigilan ng puso ko ang sarili ko na umalis. Dahil ang puso ko ay gustong magpa iwan. Hawak ko na ang luggage ko at ang passport ko. Siguro kailangan ko lang na mag isip at hanapin ang sarili.

At sa pagbalik ko, sisiguraduhin kong maaayos din ang lahat. Aayusin ko ang relasyon namin ni Coleen. Kahit Papaano ay may tiwala naman ako sakanya sa kabila ng lahat ng nangyari saaming dalawa. lpinangako ko sakanya na hindi ko siya iiwan, aalis lang ako pero pangako babalik ako..

I am heading to Japan, I'm going to meet my dad and talk about business and company. I think it is better for me to focus my attention to other things, and I hope this will really help me.

COLEEN's POV

"Bakit kayo naghiwalay ni Kristoff?"

Tanong saakin ni daddy, nag uumagahan kami ngayon, tumingin ako kay mama, she's smiling at me. Pinapatawad na ba ako ni daddy?

"Umm.. I told him to stay away from me.."

Nanatiling tahimik si daddy at ganun din si mama. Alam kong maraming tanong ang bumabagabag sa isip nila ngayon.

"...dahil.. Ayokong malaman niya na buntis ako.."

Dad sips his coffee. He seems so calm after what happened last night. At masaya ako kasi makakausap ko na siya ng mahinahon ngayon.

"You're selfish Coleen, since you were a kid your mom and I taught you to share your blessings, to share your food and your toys to those children who deserves whatever you have that they don't have. So why is it, you're being selfish now?.."

Napayuko ako.

"_Kristoff deserves to know Coleen... Ama rin ako..At hindi ko makakaya na ilayo o ipagkait saakin ang anak ko. Masakit din iyon para sa isang ama.."

Hinawakan ni daddy ang kamay ko at pinisil ito. He smiled at me, making sure na hindi nila ako pababayaan.

"You should tell him anak. Para sa magiging anak ninyo. Para sa pamilya ninyo.."

Pagkatapos ng pag uusap namin nina daddy, | decided to see him. Pupuntahan ko siya at kakausapin. Kung kailangan kong mag makaawa gagawin ko. Bumalik lang siya saakin.

I know I felt stupid. Pagkatapos ko siyang ipagtabuyan ngayon naman ay gusto ko siyang bumalik saakin. Pero kahit ano pa man, gagawin ko ito hindi para sa sarili ko kundi oara rin sa anak ko..anak naming dalawa.

Pagkalipas ng ilamg linggo ay naisipan kong puntahan siya sa bahay niya nagbabakasakaling  nandoon na siya at para ma sabi ko na sa kanya ang totoo. Kaya lang pagdating ko ng bahay niya ay wala daw siya at nag Japan daw para asikasuhin ang business nila. Nanlumo ako, hindi daw kasi nila alam kung kailan daw babalik si Kristoff..

*** 9 MONTHS LATER... ***

“Arggghhhhhhhhhhhhhbhhhhbhh..."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Garrix. Nagbubutil na rin ang mga pawis sa noo ko.

"Push..."

Inipon ko lahat ng lakas ko para umire. Ptngna ina Kristoff! Kung alam ko lang na ganito ka sakit ang umire sana hindi na lang ako bumukaka sa harap mo! Arrgggghhhhh.. Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg sa sobrang ire.

“Ayoko na...Garrix...Argghhhhhhhh"

Mabuti na lamang at nandito si Garrix, kahit papaano'y tinutulungan niya ako sa lahat, from check ups and briefing.. Hindi niya ako hinahayaan na mag isa.

Pagkatapos kong puntahan noon si Kristoff sa bahay nila ay ipinaalam ko kina mama na umalis siya ng bansa at hindi ko alam kung kailan siya babalik. lyak ako ng iyak noon. Pakiramdam ko unti-unting  namamatay ang puso ko sa pagdaan ng mga araw. Pero may bumisita saakin, si Garrix. ipinakilala ko siya kina mama at daddy.

"GARRIIIIIXXXXX...ARRRGGGHHHHHHHH"

Gusto kong sabunutan si Garrix. Hindi ako mapakali alam niyo yung feeling na parang kinakalikot ang tiyan mo at dinaganan ng limang somo wrestler yung puson mo?

"Kaya mo yan Coleen.. Hingang malalim."

Bakit ang hirap ilabas ang anak ko? Naluha na ko't lahat. Hindi ko na alam ang gagawin.

"One more push.."

Tiningnan ko si Garrix, takte parang mamatay na ako. Hindi ko na kaya.. Kanina pa yang one more push na yan! Hindi naman lumalabas anak ko!

Huminga ako ng malalim at buong lakas na umire. Ramdam ko na parang binunutan ako ng isang malaking tinik sa kikik ko. Tngna ang sakit!

“ARGHHHHHHHHHHHHHHHH"

Narinig ko ang iyak. lyak ng anak namin ni Kristoff. Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa sobrang tuwa. Ibinigay saakin ng nurse ang anak ko matapos niya itong ibalot sa lampin.

"Hi Ellie, mommy's here."

Tila tumigil sa pag iyak si Ellie ng marinig ang boses ko. Hinawakan ko ang maliliit niyang daliri. You really look like your dad.. I can't wait to see the both of you together, bumuhos bigla ang mga luha ko. Hinalikan ni Garrix ang noo ko.

"You did a great job Coleen. Congratulations.."

FCK ACADEMYWhere stories live. Discover now