35

914 23 2
                                    

Bet

Gumising ako sa umaga na may mahapdi at namumugtong mga mata. Ilang araw na ba akong ganito kung gumising? I always wake up like this. When will this end?

Tatlong araw nang walang paramdam si Row. When I asked him to leave, he obeyed. He respected my space.

Hanggang ngayon din ay hindi ko pa binubuksan ang phone ko. I don't have enough courage to do so. As far as I can remember, maraming messages doon si Row. I wasn't able to read them the last time I opened my account sa laptop ni Primo. At sa pagkamiss ko sa kaniya ngayon, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

I pondered on everything that we have talked about that day. I was acting on my emotions. Masyado akong galit at nasaktan kaya padalos dalos ang lahat ng desisyon ko.

Maraming baka na tumatakbo sa isip ko. Baka nagkamali lang siya at nagsisisi na siya ngayon. Baka may nangyari lang kaya nasabi niya ang mga iyon. Baka... Baka mahal niya naman talaga ako.

Ewan.

Paulit ulit kasi na tumatakbo sa utak ko ang mga salita niya. Mahal niya ako. Importante kami sa kaniya.

Pero paulit ulit din na bumabalik sa akin ang nangyari.

He took his woman in front of me. Masyadong malinaw iyon sa paningin ko kaya... kahit anong matatamis na salita o depensa ang ginamit niya, kaagad nabubura iyon sa isip ko. That absurd scene outweighs the love he is talking about.

Maybe... maybe we both need a break. Tutukan niya nalang muna ang mga bata. Saka na ako kapag... kaya ko pang sumugal. I will try again if I still can. Sa ngayon, hindi pa talaga. Sobra sobra ang naranasan ko nitong nakaraan kaya kailangan kong pag isipang mabuti ang magiging desisyon ko tungkol dito.

I went to work. As usual, everyone is busy. We are trying to recover our loss. My parents have been out since days ago kaya hindi pa kami nakakapag usap nang maayos. May pinagawa kasi si abuelo kay mommy.

Tito Vernon stayed here for the meantime. Marami pa raw siyang kailangan ayusin lalo na ang tungkol sa kaso ni Enrique. We always bump into each other pero naging tikom lang din naman ang bibig niya about sa amin ni Roche.

"Pamangkin kita kaya may tiwala ako sa'yo. Whatever your decision about this, I will support you. I trust your husband, napamahal na rin siya sa amin, pero mas matimbang ang kagustuhan kong sumaya ka. I just hope you don't regret anything or at least choose a decision na you will regret less. We love you and if you need help, nandito lang ako."

That's one of the things he told me one time when I asked him why he's trying to make me think about my decision again. Tinanong niya kasi ako kung sigurado na ba talaga ako. Kasi kailangan ko rin daw isipin ang mga bata. Hindi lang ito desisyon para sa aking sarili kung hindi para sa mga anak ko rin.

That's also the reason why I have been pondering about it. Kung final na ba ang gusto ko. I cleared my head first so I can think better.

Kung ako lang kasi, pipiliin ko talaga iyong hindi ako masasaktan. Iyong lumayo ako kasi mas mapoprotektahan ko ang sarili ko.

But then this involves our children kaya... gusto kong piliin ang desisyon kung saan hindi sila masyadong masasaktan. Kasi kung aalis kami, o papalayuin ko si Row, masasaktan sila. Kahit na maiexplain ko naman ang situation namin kalaunan, I'm worrying about their emotions. They are too young for this. And to process heavy emotions for their age will be hard for them. It will take a toll on them. If I can sacrifice, then I would.

Gagawan ko nalang ng paraan paano protektahan ang sarili ko na hindi macocompromise ang kasiyahan ng mga bata. I see how attached they are with their dada. I feel how happy they are every time sinusundo sila ng driver ni Row para magbonding sila. Pag uwi nila sa akin, ang dami kaagad na baong kwento. Kitang kita ko iyon at nasasaktan ako kapag naiisip kong isa iyon sa mawawala kapag inilayo ko sila.

Mercedez 2: Blinding LightsWhere stories live. Discover now