13

831 20 0
                                    

Missing

Maaga akong nagising kinabukasan. Toni just texted me that he would be here in 45 minutes kaya binilisan ko ang pagkilos. I just wore a plain white sleeveless top and a maroon plaid skirt. My flats completed my attire.

"Oh, my baby. Saturday ngayon, ah? May lakad ka?" kaagad na tiniklop ni daddy ang binabasa niyang magazine nang makita niya ako pababa. It's Clique. Baka tungkol sa business na naman ang binabasa.

"Gagala lang ako, daddy. Uuwi rin bago mag-night."

Napangisi ito. "Nagdadalaga na talaga ang baby ko..."

I pouted when he extended both of his arms. Hinila niya ako paupo sa kandungan niya. Nanlalambing itong yumakap sa akin.

"Daddy naman..." Humilig ako sa balikat niya. He kissed my head as he tightened his embrace more.

"Naku, Rugo, ah. Malaki na ang anak mo, nilalambing mo parin," biglang sulpot ni mommy na may hawak na tasa. Inilapag niya iyon sa center table bago umupo sa tabi ni daddy.

"Baby ko parin 'to," pinanggigilan ni daddy ang magkabila kong pisngi kaya nalukot ang mukha ko.

Ang laki ko na daddy, 'e. I have a boyfriend na nga...

"Scam ka. Sabi mo dati, ako ang baby mo," biglang matigas na ani ni mommy.

Nagkatinginan kami ni daddy at sabay na natawa.

"Ang Vienna ko, nagtatampo..." malambing na hinalikan ni daddy ang pisngi ni mommy. Busangot na ang mukha nito habang pigil naman sa paghalakhak ang daddy ko.

"Tsupe ka." masungit na pagtaboy niya. Tuluyan nang natawa si dad.

"Teka nga, Gucci Zarene. Saan ka pupunta?" mapanuri nitong tiningnan ang aking kabuuan. Looks like she just noticed my attire.

"Mommy, lalabas lang po. Gala."

I smiled at her. Hindi naman sila mahigpit ni daddy. Actually, pati sina tito Vernon, tita Hariette, tito Vann at tita Dane ay hindi naman strict. All of them are like modern parents. Basta they are always there to guide us lalo na kapag nagkakamali kami.

They allow us to decide for ourselves and explore. Pero pinapaalalahanan nila kami sa possible consequences ng mga choices namin. Kaya naman kapag nagkamali, no regrets parin. Gagabayan parin naman nila kami.

"Basta ang mga bilin namin ng daddy mo, Gucci. Malaki ka na, alam mo na ang mga dapat at hindi dapat," muling paalala nito sa akin.

I smiled at her widely. "Yes po, mommy!"

Ilang saglit pang naglambing si daddy sa akin bago nila ako pinakawalan. Nilakad ko nalang ang pagitan ng bahay namin at ang pwesto ng pinagparkingan ni Toni ng sasakyan niya.

Kaagad akong pumasok nang makumpirma kong kaniya iyon dahil sa pagbusina nito.

"Babe, drive safe lang, huh?" I reminded him. He just lazily nodded and kissed me on the cheek.

"Babawi ka ngayon, Guch." Mapungay nitong tiningnan ang aking mga labi.

Mariin ko iyong tinikom bago tumikhim at nag-yaya na umalis na kami. He briefly kissed me before he maneuvered the car.

"Babe, you wanna learn shooting? Guns... airsoft?" my lips parted and my eyes widened in shock.

"Am I allowed to? I'm a minor..." I slowly asked.

He smirked at me. "My cousin owns it," he said.

Na-excite ako bigla at sunod-sunod na tumango. "Gusto ko!" I exclaimed. Mahina itong natawa sa naging reaksyon ko.

Mercedez 2: Blinding LightsWhere stories live. Discover now