#UNHOLY27

2.7K 56 4
                                    

Nagwawalis ako sa aking maliit na bakuran nang tawagin ako ni Nanay Mina. Ang matandang kapit bahay ko. 

"Hija, may sabaw akong niluto baka gusto mo?" 

Nginitian ko ito. "Opo, salamat po. Hindi pa po ako nakaluto ng ulam para mamaya." 

Nalibang kasi ako sa pag lilinis, pagdidilig ng mga halaman ko sa aking munting bakuran pati narin  pagwawalis kaya hindi ko na namalayan ang oras.

Si Nanay Mina ay isa sa mga mababait na kapit bahay ko. Hindi nila ako itinuring na iba simula nang dumating at lumapit ako rito. Kasama niya ang kanyang apo dahil namatay na ang kanyang asawa ilang taon na ang lumipas. Habang ang kanyang apo naman na si Rapunzel ay iniwan ng kanyang anak na siyang ina nito at hindi na binalikan pa. Matanda na si Nanay Mina pero sadyang malakas pa rin ito. 

She really takes care of me at minsan pa ay sinasamahan ako sa check up ko. Kung hindi naman ay ang pinapasamahan niya ako sa apo niya kaya napalapit na silang mag lola sa akin. Kaya naman nang magkaroon ng dengue si Rapunzel ay hindi ako nagdalawang isip na tumulong lalo na nang kinailangan ng malaking pera pang gastos sa ospital. 

Nang makuha ang sabaw ay pumasok ako sa loob at napagpasyahang magpahinga na muna. 

Gusto kong sa sala kumain dahil gusto kong ipahinga ang aking mga paa na ngayon ay nangangalay na kakatayo. Inayos ko ang mga maliliit na unan sa maliit kong sofa nang mailagay sa center table na yari sa kahoy ang mga pagkain.

Tanging ang huni ng ibon at ang hampas ng alon ang maririnig mo sa lugar na ito lalo na at wala akong TV or radyo. Ayokong magkaroon ng kahit na anumang balita tungkol sa kung sinumang makapag paalala sa akin sa buhay na iniwan ko. 

I was silently eating and enjoying my food when suddenly, my phone rang. 

Kinailangan ko pang tumayo at kuhanin ito sa kwarto ko. Namatay ang tawag ngunit tumunog ito ulit. 

I took my phone that is on my bed and saw who is calling. Well, isang tao lang naman ang pinapayagan kong may contact sa akin kahit na lumayo ako. 

"Hello?"

"I'm sorry, Dakota. Hindi ko alam na magagawa iyon ni tito. Naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat at wala naman siyang reaksyon kaya akala ko ay okay na sa kanya. Hindi ko naman naiisip na kaya niyang ipahamak si Nikolai-"

"Wait, what?"

I was confused at first but when i heard Nikolai's name, I felt nervous.

"What?" He also asked. Maybe confused why I asked.

"What did you say? Anong ipinahamak? Anong nangyari kay Nikolai?" 

Hindi kaagad sumagot si Adrian sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan. 

"Adrian? Please fucking talk!"

"You didn't see the news?" 

"No! Bakit? ano bang nangyari?"

I heard him sighed on the other line.

"Just...just go home, Dakota. He needs you now."

Napaupo ako sa kama dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa man alam ang nangyari kay Nikolai pero pakiramdam ko ay nasa panganib ito kaya't mas lalo akong kinabahan pa.

"I'll send someone to fetch you. Just prepare your things after this call."

Iyon ang huling sinabi niya bago niya pinutol ang tawag. 

Nanghihina akong napaupo sa kama at nakatulalang ibinaba ang teleponong hawak. Naiiyak na kinakabahan akong napahaplos sa aking tiyan.

My mind is thinking of the worst but I managed to move. I went to my cabinet and took the luggage on top of it and started putting in my clothes inside.

Konti lang ang nilagay ko at hindi ko kayang magbitbit ng marami dahil na rin sa laki na ng tiyan ko.

Nagbihis na rin ako at maya-maya akong napapatingin sa telepono. Naghihintay ng update galing kay Adrian. 

Kaagad akong napatayo nang makarinig ng busina ng sasakyan sa labas. Alam kong ito na ang sundo na sinasabi ni Adrian dahil wala namang gaanong sasakyan sa lugar na ito. 

Paglabas ko ay nasa labas rin ng bakuran niya si Nanay Mina at gaya ng ibang mga tao ay kuryosong nakatingin sa galanteng sasakyan sa labas ng bahay ko.

"Anong nangyari, anak? Saan ka pupunta?" kaagad na tanong ni Nanay nang makita akong may bitbit na maleta. 

"A-Alis po muna ako 'Nay. Ikaw na po muna ang bahala sa bahay ko."

Tumango ito nang may pag alala sa kanyang mukha. 

"Huwag kang mag alala. Akong bahala dito."

Yumakap ako sa kanya pagkatapos kong magpaalam.

"Ate! Uuwi ka na po?" si Rapunzel na kakalabas lang ng bahay nila.

Yumuko ako ng kaunti at hinaplos ang mukha nito. "Uuwi muna si ate. Pero babalik ako at itatali ko ulit ang buhok mo." 

Malungkot itong tumango sa akin at yumakap sa bewang ko. Hinaplos ko pa ulit ang buhok nito matapos magpaalam.

Kaagad na kinuha ng driver ang maleta ko at inilagay sa likod ng sasakyan. Binuksan nito ang pinto upang makapasok ako at inilalayan ako hanggang sa kumportable na ang pagkaupo ko.

Nakatulog ako habang nasa byahe at nagising dahil sa malakas na tunog ng telepono. Kaagad ko naman itong sinagot.

"Adrian..."

"I hope you had a safe trip. My driver will bring you to our old home. Doon ka muna magpahinga pagkarating mo." salubong niya sa akin.

"No! Please tell me what happened! Hindi ako mapakali, Adrian! Ano ba ang nangyari kay Nikolai?"

"Dakota, I will tell you once you arrive here. Sasabihin ko sa iyo kapag nandito ka na. I just want to make sure that you'll be safe at na wala kang gagawin pagkatapos mong malaman ang nangyari. You are pregnant and your safety is the priority here."

Nag aalala man ay naiintindihan ko naman ito. 

"I  will bring my fiancee and my kid in our old house para may kasama ka...you'll meet your inaanak na." 

Alam kong sinabi niya lang iyon upang pagaanin ang aming pag uusap pero kahit na ganoon man ay napangiti ako ng mapait.

Masaya na ito dahil kasama nito ang kanyang pamilya. Habang ako...heto at magulo pa rin ang pamilya. 

Tapos ngayon...may nangyari pa kay Nikolai. 

And to think na may kinalaman si daddy sa kung anuman ang nangyari sa kanya....

Kung anuman ang ginawa ni daddy kay Nikolai....

Hindi ko siya mapapatawad kapag napahamak at nasaktan ang huli dahil sa kanya...

Napapikit ako at taimtim na nagdarasal na maging maayos ang lahat.

UNHOLYWhere stories live. Discover now