#UNHOLY22

3.1K 61 3
                                    

Kung hindi pa ako binalikan ni Adrian sa loob ng bahay pagkatapos nilang pagtulungan si daddy na maisakay sa kotse ay hindi pa ako mababalik sa tamang pag iisip. 

Na blangko ang buong utak ko at ang tanging paulit ulit kong naiisip ay ang nangyari sa daddy ko noon at ngayon. Patuloy sa pagmamalisbis ang mga luha ko at tahimik namang nagmamaneho si Adrian papuntang ospital.

"You...did not tell me about Vladislav." maya maya ay sabi ni Adrian.

Hindi kaagad ako nakasagot at mas lalong tumulo ang mga luha ko. Napukaw ako sa pag iisip nang mag ring ang cellphone ko. Rinig na rinig ko ito kahit nasa loob ito ng bag ko dahil napakatahimik sa loob ng sasakyan ni Adrian.

When I took my phone out, I saw Nikolai's name on the screen.

I was torn between answering or ignoring it because I don't know how would I be able to talk to him. 

Ilang beses na namatay at nag ring ulit ang cellphone ko ngunit wala akong lakas para sagutin ito. 

Nang mamatay ulit ang tawag ay siya namang pasok ng isang mensahe kaya't binuksan ko ito. Pinahiran ko ang luha sa aking mga mata ngunit mas lalo lang tumulo ang mga ito nang mabasa ang mensahe ni Nikolai.

Nikolai : 

Are you okay, love? 

Then another message came in.

Nikolai: 

I heard about what happened to your dad. I hope you are doing okay.

Nikolai: 

Please call me if you need anything. I love you.

Napahikbi ako sa huling message niya. Ilang araw ko siyang hindi kinausap. Ni isang mensahe ay hindi ko siya ni-replyan pero heto at naghihintay parin siya. Naghahangad ng kahit kaunting atensyon galing sa akin. I fucked up. I fucked up people's life. Adrian, my dad and especially Nikolai.

Baka nga tama si daddy. Wala akong kwenta. Bakit ba kasi babae akong ipinanganak. Bakit hindi nalang ako naging lalaki ng sa gayon ay naging masaya ang mga magulang ko? Pero nang maisip kong kung hindi ako naging ako ngayon ay hindi ko makikilala si Nikolai na tanging taong naniniwala sa akin at sa kakayahan ko. Kaya tama ba sisihin ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko kasalanan dahil lang sa hindi ko maibigay ang gusto ng mga mahal ko sa buhay?

Sa gitna ng pag iisip ay narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Adrian. Saka ko lang naramdaman na huminto na ang sasakyan at nasa ospital na kami.

"I won't ask about him anymore because I guess...It's my fault kung bakit mo nagawa iyon."

Napalunok ako. Gusto kong maglabas ng konti sa nararamdaman ko kaya't hindi ko napigilang sagutin siya.

"I met him when I was in the dark...when I questioned myself of what's wrong with me...when I don't know what to do with my life because I was sure that you were cheating on me...and he saw you with a woman lots of times." Hindi ko napigilan mapaiyak nang mabalikan kung paano kami nagkakilala ni Nikolai. "At first, pinigilan ko. Believe it or not...pinigilan ko. But he was so persistent." Napangiti ako nang mapait. "He was so persistent that my heart was not able to say no."

"But you know what? " Nilingon ko siya. "He makes me happy. Or the happiest. I was able to do the things I wanna do because he supports me. Binuhay niya iyong mga pangarap na binaon ko sa limot. He makes me want to do better for myself. And I know it's wrong but I did it anyway. And the thing is...I am not even sorry about it. I'm not even sorry that I met him and that I accepted him in my life even if I can't give him myself yet...because I am married." 

Adrian held my hand and gave me a comforting smile. 

"You don't have to tell me all the details. If there is anyone here who understands how you feel...that is me. I felt the same with Kayla and I am glad that you found someone that loves you unconditionally, Dakota." 

Umiling ako habang pinapahiran ang mga luha. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak pero hindi ko alam kung bakit patuloy na namamalisbis ang mga luha ko. 

"Hindi ko alam kung...magiging masaya ako sa piling niya nang hindi naayos ang mga bagay sa pamilya ko. Hindi ako magiging masaya kung uunahin ko ang sarili ko sa kabila nang nangyayaring gulo." 

"Shhhh...don't say that. We'll fix this...and I am here to help you. I'll make sure na hindi lang ako ang sasaya sa huli. Gusto ko ikaw rin."

Napatawa ako sa sinabi ni Adrian kahit hindi ko alam kung alin ang nakakatawa doon. Baliw nga ata ako.

"Go fix yourself before we go inside. Mahaba pa ang araw at marami pang mangyayari. Just be strong." 

"Okay." I whispered and fixed myself.

Bago ako lumabas ng kotse ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mag reply kay Nikolai. Kahit isang beses lang. Kahit isang message lang.

Ako :

I'm okay...love. I miss you too.

Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng pag uusap namin ni Adrian at mas lalo na noong nagpadala ako ng mensahe kay Nikolai. Maramdaman man lang niya na nandito pa rin ako sa kabila nang gulo.

Nang makapasok kami sa loob ng ospital ay kita ko si mommy na umiiyak sa waiting area. Bumalik ang kaba na naramdaman ko kanina. 

"M-Mommy.." tawag ko sa kanya nang makalapit ako. Adrian chose to stay behind. 

Galit na lumuluhang mga mata ni mommy ang sumalubong sa akin. Tumayo ito at nilapitan ako sabay sampal sa kaliwa kong pisngi. Namanhid na yata ang buong mukha pati ang katawan ko.

"How dare you show your face here after what you have done! Are you happy now? Nasa loob ang ama mo dahil sa iyo!" 

Akmang lalapit si Adrian ngunit sinenyasan kong huwag lumapit.

Nakatungo lamang ako habang patuloy parin sa pagsasampal si mommy sa akin. Hindi ako nanlaban dahil alam kong nasasaktan siya dahil sa akin. Tulak at pagsasampal ang ginawa ni mommy sa akin hanggang sa nawalan ako ng balanse at tumama ang balakang ko sa bakal na upuan.

Napasigaw ako sa sakit at kaagad akong dinaluhan ni Adrian. Ganoon nalang ang paglaki ng mga mata ko nang biglang sumidhi ang sakit sa puson ko.

"Fuck! You're bleeding!" 

Sigaw ni Adrian ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay...

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon