#UNHOLY3

6.2K 69 11
                                    

"Where have you been?"

Salubong ni Adrian sa akin nang makapasok ako sa bahay.

Naka- casual attire parin ito at hindi pa nagbihis. Sadyang hinintay pa akong dumating.

"Why are you home already?"

I tried to dodged the question so I can think of a good excuse.

Kahit kasi medyo matagal narin akong nakikipag kita sa ibang lalaki ay hindi pa naman ako matatawag na pro. Hindi gaya ng asawa ko.

"Mom called me last night. She wanted to have lunch with us both later."

I checked my watch and saw that it is already five o'clock in the morning. Anong oras ba kami natapos at ni hindi ko man lang namalayan ang oras? Tumaas ang kilay ko sa sagot nito.

"That's it?" kumunot naman ang noo nito.

"What do you mean, that's it?" confusion is evident in his face.

"That's the reason you went home right away?"

"What? Uh, no. Tinapos ko kaagad kung anuman ang kinailangan kong tapusin dahil gusto kong makauwi kaagad. Sa'yo. Tapos tumawag si mom para sa lunch mamaya."

Tinitigan ko siya ng maayos bago nagbawi ng tingin at bumuntong hininga.

"Let me sleep and rest so I can come with you later sa lunch."

I was about to go upstairs when he stopped me.

"You did not answer my question. Where have you been?"

Kalmado lang naman ang pagtatanong niya. Walang halong pagdududa o anuman. S'yempre, hindi niya maiisip na ginagawa ko rin ang kung anuman ang ginagawa niya.

"Someone I met from the auction last night invited me to check her works so I went to her studio. Hindi ko lang namalayan ang oras at doon na rin nagpahinga since tinamad akong mag drive."

Nasa kandungan ako ng ibang lalaki at mula hapon hanggang mag uumaga kaming nagtatalik hanggang maubusan kami ng lakas- gusto ko sanang sabihin ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Tumango ito at ngumiti.

"Good to hear that you are making friends now. C'mon, let's rest."

Hinila niya ako papunta sa kwarto namin. Nauna itong maglakad at hinayaan ko siyang alalayan ako.

Alalayan mo ako dahil sobra akong napagod at nawalan ng ulirat dahil sa ibang lalaki. Gaya na lang kung paano kita alagaan sa tuwing galing ka sa kandungan ng babae mo.

Nagsasalita ito habang naglalakad kami papunta sa kwarto namin sa taas ngunit hindi ko na narinig kung ano ang mga sinasabi niya.

Tinitigan ko nalang ang likod niya.

I was about to fall for him. I knew and I felt it. And I was just so glad na hindi nangyari but that doesn't mean na hindi ako naapektuhan. I vowed to be with him for the rest of my life and we also swore to respect each other .

But that did not happen. He disrespected me first by cheating on me.

And I know it is fucked up kasi hindi naman talaga tamang magtaksil sa asawa mo, pero hindi ko rin hahayaang maging martyr sa loob ng pagsasama na ito. I gave him so many chances to tell me the truth because I am so ready to forgive him and forget what happened.

But no, he didn't.

"You okay?"

Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ang tanong niya. Nasa kwarto na pala kami at kung saan saan na umabot ang isip ko.

"Are you sick?"

Yeah, sick and tired of your bullshit.

I only sighed.

"I'm just so tired. I wanna sleep."

Ngumiti ito sa akin at iginiya ako sa kama. Kinuha nito ang bag na dala ko at ipinatong sa couch. Kaagad naman akong nagpunta sa closet at kumuha ng pantulog. Papasok na ako sa banyo nang magsalita ito.

"Do you want to take a shower with me?" umiling kaagad ako.

"No, Adrian. I just want to take a shower and sleep."

Tapos ay pumasok na kaagad sa loob ng banyo. Kaagad naman akong naghubad at pumailalim sa shower. Napapikit ako at dinama ang tubig na dumadaloy sa katawan. Madaming bagay ang pumapasok sa isip ko ngunit mas pumaibabaw doon ang lalaking iniwan ko habang tulog. I can't deny the fact that I am starting to catch some feelings for him...and I know he felt the same way. Pero hindi naman ganoon kadali iyon. Parehas kaming committed na dalawa at nasa loob ng relasyon.

Ang pagkaiba lang, kayang kaya niyang iwan ang ka relasyon niya anytime. Habang ako, marami akong dapat ma-consider bago ko gawin iyon. Isa pa, kasal ako. Legal. Mahaba habang proseso ang dapat gawin.

I can't wait to be with him again. He can remove all my fears and anxieties right away just by being with him. You may judge me for thinking of another man while my husband is just outside the bathroom. But, I know, mas malala pa ang ginagawa niya. Patas lang.

Naghihigante ba ako?

Siguro.

Noong una.

Ngunit alam kong hindi na iyon ang rason kung bakit nakikipag relasyon ako sa ibang lalaki kahit kasal pa. Mahina ako noon. Wala akong kaibigan. Tago sa totoong mundo. Pero hindi ko naisip na maging martyr sa kahit na anumang bagay.

Ilang beses pa ba dapat magpatawad sa isang relasyon?

Ilang beses ka mags-suffer bago ka magpatawad?

Ilang beses ka dapat hindi nirerespeto upang makamit mo ang respetong dapat ibinigay sa iyo unang una pa lang.

All of these things? Are just bare minimum. You don't have to ask for it.

Tinapos ko na ang pagligo at pagkatapos ay tinuyo ang sarili at nagbihis na ng pantulog. I applied my skin care routine at dahan dahang lumabas ng banyo.

I saw my husband lying on our bed with his eyes  closed. But he immediately opened his eyes when he heard the bathroom's door opened.

I sat on my vanity mirror and blow dried my hair and then combed it. Pinanood lang ako ng asawa ko at tila ba hinihintay kung kailan matatapos.

Pagkatapos ko ay kaagad akong naglakad papunta sa kama. Walang imik na humiga at pumailalim sa comforter.

Kaagad naman itong kumilos at mas lumapit sa akin. Nakatalikod ako dito kaya mas madali niya akong nayakap. Ramdam ko pa ang yakap at pag amoy niya sa buhok ko.

Napapikit ako sa yakap niya.

Hindi dahil gusto ko ang pakiramdam niyon.

Kundi dahil ibang klaseng yakap ang hinahanap ng katawan ko at hindi ang sa asawa ko.

******************************

What do you think of the story so far? Please drop your comments and thoughts! :)

UNHOLYWhere stories live. Discover now