CHAPTER NINETEEN

603 16 0
                                    

Pinikit ko ang mga mata ko, at sinandal ang pagod kong katawan sa upuan. Nang mapatingin ako sa labas ng bintana bus na aking sinasakyan ay napansin kong madilim pa rin ang paligid. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw.

Lulan ng bus, hindi ko pa rin alam kung saan nga ba ako pupunta. Ewan, siguro ay susubukan ko na lang na makipagsapalaran sa kalapit na probinsiya. Sinubukan kong umidlip, ngunit maging ang pagtulog ay mailap sa akin. Bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa bahay ni Adam kanina.

“Zahara... Okay, I'll admit it. It was all planned out. I wanted to help my sister. But I never planned on falling in love with you. In a short span of time, I came to love you for who you really are. You have taught me how to love. Everything I did, I said and showed you, it's all true. I'm not acting up... I don't need to act because I'm really falling so hard for you...” Adam explained.

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay umalis na rin ako sa bahay niya. Hindi ko na kaya pang manatili roon pagkatapos ng mga nalaman ko. Magulo pa rin ang isipan ko, at wala pa rin akong alam na pupuntahan. But I was so determined to leave, because I have so many reasons to do so now.

When the first ray of the sun peeked through skies, creating a beautiful scenery, I glanced at it's magnificence. Mahigit isang oras din ang naging biyahe bago tuluyang tumigil ang bus sa terminal. Habang pababa ng sasakyan ay palinga-linga ako sa paligid. Nakakapanibago dahil mukhang malayo sa siyudad ang lugar na ito.

Humapdi ang tiyan ko dahil sa gutom kaya naman agad akong pumasok sa isang karinderya na nasa tapat ng pilahan ng bus. Mangilan-ngilan pa lang ang mga tao roon dahil masiyado pang maaga. Um-order ako ng pagkain at umupo sa isang pandalawang mesa. Habang naghihintay ay nagtanong-tanong din ako kung mayroong mga bahay na puwedeng upahan malapit sa bayan.

Hindi naman ako nabigo, dahil bago pa man mag alas siyete ng umaga ay may nahanap na ako. Maliit lamang iyon, pero tama na rin sa akin iyon. Iisa lang ang kuwarto nito, ngunit may kalakihan iyon at mayroon nang banyo sa loob. May maliit na sala, kung saan mayroong mga sala set na gawa sa kawayan. Maliit lang din ang kusina at mayroon nang gamit roon na pang luto. Dala na rin ng pagod, natulog muna ako. Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko.

Mataas na ang sikat ng araw nang muli akong magising. Inayos ko ang mga gamit ko sa aparador na kawayan. Ang higaan ay gawa rin sa kawayan, at may manipis na foam. Nang lumabas ako nang hapong iyon ay bumili na rin ako ng mga gamit at foam, pati na rin ng grocery. Nakakatuwa, dahil bagamat maliit lang ang bayan na ito ay kumpleto naman ito. Sa tapat ng plaza ay naroon ang simbahan. Katabi nito ang munisipyo ng lugar, at sa likod naman ng munisipyo ay ang pampublikong ospital. Ilang metro lang din mula roon ay ang wet market, at mga grocery stores. Mayroon ding mga tindahan ng damit at iba pang kagamitan.

Napangiti ako. This is it, freedom and peace.

“ZAHARA, may gulay ako rito,” ani ni Aling Lucing, ang kapit-bahay ko na nagtitinda ng gulay sa palengke.

Lumabas ako sa bahay at pumili sa dala niyang gulay. Kumuha ako ng kalabasa, talong at okra para gawing pinakbet mamayang hapunan.

“Maraming salamat, Aling Lucing,” saad ko, sabay abot sa kaniya ng bayad.

“Oh, siya. Aalis na ako. Magbubukas ka ba ng tindahan mo ngayon?” tanong niya.

“Opo, pero baka mamaya pa,” sagot ko.

Sa mahigit isang buwan kong pananatili sa lugar na ito, nakagaanan ko na rin ng loob ang mga tao. Maliit lang ang komunidad namin, at halos lahat sila ay magkakilala. Marami rin ang sumusubok na makipagkilala sa akin, kahit pa nga malaki na ang umbok ng aking tiyan.

Living alone in a far place, away from the comfort of my own home taught me how to adapt. At dahil may kaunti naman akong savings, nagsimula ako ng maliit na negosyo sa bayan. I rented a small stall, and turned it into a flower shop and the other portion on the side for a snack house. Nakakatuwa na kahit bago palang iyon ay mabilis ding naging kilala sa bayan, at madalas na ginagawang tambayan ng mga estudiyante sa hapon. Marami rin akong order ng bouquets at iba pang flower arrangements para sa iba't ibang okasyon.

Love And MiseriesWhere stories live. Discover now