CHAPTER THIRTEEN

444 15 0
                                    

TW: Suicide Attempt

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang makita ba nang harap-harapan na niloloko ka ng taong mahal mo. O ang hindi niya pagtanggap sa anak ninyo. But either way, I know I am hurting so bad. Iyong tipo ng sakit na kahit ano'ng subok mo na alisin, nakatatak pa rin— sa puso at kaluluwa mo.

Tinitigan ko ang mga mata ni Russel. He was silent, but the look on his eyes told me he was angry. Galit siya sa akin, samantalang siya itong nahuli kong may kasamang iba. And who knows what they might have done. I'm starting to ask myself if it was still worth it. Paano kung sa huli, maubos pa rin ako? Worth it pa rin bang ipaglaban ang relasyong ito? Kung ako na lang ang mag-isang lumalaban?

"Bakit ang dali para sa'yo na kalimutan ang lahat, Russel? Bakit ang dali sa'yo na ipagpalit ako? Minahal mo ba talaga ako?" lumuluha kong tanong.

Kung kanina ay ayaw tumulo ng luha ko, ngayon ay tuloy-tuloy ito. My chest feels heavy that I need to spit out everything that hurts me, or I will crumble down. Lahat ng lakas ng loob na inipon ko, lahat ng katapangan na pinakita ko, ngayon ay natunaw na.

Russel sneered at me, his angry eyes still watching me without mercy. "Don't ask me stupid questions, Zahara. Kung sa pagmamahal lang, hindi ako nagkulang sa'yo. I loved you with all my heart, but you broke it," he paused. "Ikaw ang unang nagloko sa ating dalawa. It was you who had an affair with another guy. At hindi ka pa nakuntento. Nagpabuntis ka pa talaga sa lalaki mo para isampal sa mukha ko ang katotohanang hindi kita mabibigyan ng anak!"

His voice thundered inside the house. It's laced with anger, frustration and pain that made my knees weaken. Napapikit ako nang mariin.

"Russel..." I whispered, "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo? Adam is my client. Wala kaming relasyon, at ikaw ang ama ng batang dinadala ko."

"The tests don't lie, Zahara. Baog ako, at hindi kita mabubuntis. Kaya itigil mo na iyang kahibangan mo!" sigaw niya.

He turned, and then he left the house again. Nanatili akong nakaupo, nanghihina at hindi matigil-tigil sa pag -iyak. Sa sobrang sakit ng damdamin ko ay napasigaw na lang ako, "Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Walang nagbago sa estado ng relasyon namin ni Russel. At kung mayroon man, iyon ay mas lalo lang siyang lumayo sa akin. He couldn't even look at me in the eye anymore. I did everything to try and save our marriage, but it seems like he doesn't care anymore.

Mas lalong naging madalas ang kaniyang paglalasing, at sa tuwing umuuwi siya ay hindi nakakatakas sa akin ang lipstick na naiiwan sa kaniyang damit, o hindi kaya ay sa kaniyang leeg at mga labi. Tinitiis ko ang lahat ng sakit, at sama ng loob na binibigay niya sa akin sa pag-asa na babalik din kami sa dati. Oo, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako kahit na parang imposible nang matupad ang kahilingan ko.

Sa unang buwan ng pagbubuntis ko ay halos wala siyang alam— o di kaya'y walang pakialam. Tuwing tatama ang kaniyang mga mata sa tiyan ko ay agad iyon nanlilisik sa galit. Nasasaktan ako para sa anak ko, ngunit paninindigan ko ang pinangako ko sa sarili ko noon. Ayaw kong lumaki siya na walang kompletong pamilya. Tama na'ng naranasan ko iyon, kalabisan na kung pati ang anak ko ay dadanasin iyon.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa silid ni Dra. Estrerra.

"Good morning," matamlay kong bati.

The doctor looked at me with concern. "Good morning, Mrs. Villafuente."

She looked at my face, and then eyes dropped to my body. Aaminin kong hindi ko na halos naalagaan ang sarili ko. Nahihirapan ako sa paglilihi dahil sobrang sensitive ng pang-amoy ko. Sobrang selan din ng tiyan ko sa pagkain kaya halos hindi ako makakain. Idagdag pa abala rin ako sa project ko sa bahay ni Adam at pati na rin sa mga gawain sa bahay namin.

Love And MiseriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon