CHAPTER FOUR

445 17 0
                                    

I stood there, frozen on the ground as I watch the woman who's flirting openly with my husband in front of me. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkalat ng inis at galit sa dibdib ko. Gusto kong hilahin si Russel, at ilayo sa babaeng iyon, ngunit tila napako ako sa kinatatayuan ko.

Bumalik lamang ako sa huwisyo nang makita kong bahagyang tinulak ni Russel ang babae, saka siya nagbaling ng tingin sa akin at humingi ng paumanhin. Hinila niya ako papalapit sa kanya, at agad niyang pinirmi ang kaniyang kamay sa aking baywang na para bang sinasabi niyang sa kaniya lg ako, o na akin lang siya. It was like claiming his territory, and showing this girl that he's already taken. Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay ng babae, at ang pagsunod ng mga mata nito sa kamay ni Russel.

"Vanessa, this is my wife, si Zahara. Love, this is Vanessa. She's a colleague, and the daughter of our boss," Russel introduced us.

Tumango ako at naglahad ng kamay. Vanessa eyes Russel, then she looked at me and smiled in a fake way before reaching for my hand. "It's nice to meet you, Russel's wife," aniya.

"The pleasure is mine," I responded.

She let go of my hand hastily. "Bueno, we have a lot of food and drinks, feel free to have anything you want. Russel, our team has reserved a seat for you and your wife in our table," saad niya, saka tinuro ang isang round table hindi kalayuan sa kinatatayuan namin kung saan naroon na nga ang iba nilang kasama. Saglit pa niya akong tinapunan ng tingin bago siya tumalikod at naglakad pabalik sa kaniyang kinauupuan.

Russel guided into their table. There were two vacant seat beside Vanessa. She gestured the seat beside her to Russel. Inalalayan naman ako ni Russel paupo sa katabi ng upuan niya.

"Umupo ka na lang dito, love. I'll get us some food and drinks," paalam ni Russel sa akin.

Tumango lang ako sa kaniya. Tumayo na siya at naglakad papunta sa buffet table. I was just watching him fondly when Vanessa's voice caught my attention.

"Russel's really a great man, isn't he? No wonder why you're so in love with him," she stated.

Napalingon ako sa kaniya. Nakangisi siya sa akin, at hindi ko alam kung biro ba, insulto o seryoso ang sinabi niya. Sa huli, hindi ko na lang iyon pinansin at nginitian ko na lang siya.

"Yes, you're right. Russel is a great man, kaya nga maswerte ako dahil ako ang asawa niya. Kahit noon pa man, alam ko nang marami ang nagkakagusto sa kaniya, kaya nga masarap sa pakiramdam ang malaman na ako lang ang nag-iisa sa puso niya," I replied with a smile.

Nakita kong sumama ang timpla ng mukha ni Vanessa, na para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. I smirked. Kung may gusto siya sa asawa ko, nararapat lang na ilagay ko siya sa tamang lugar. Hindi ako madalas magselos, ngunit hindi rin naman ako manhid para hindi makaramdam na iba nga ang turing niya kay Russel. I've seen women admiring him since college, hindi na bago sa akin ang mga kagaya ni Vanessa.

But this is no longer college. Kasal na kami ni Russel ngayon, wala na kaming panahon para sa mga ganiyang biro.

"You're right, you're so lucky to have him . . ." Ngumiti siya sa akin bago nagpatuloy, "If I may ask, how long have you been married?"

"Oh, it's been three years. Pero bago kami nagpakasal, limang taon din kaming naging magkasintahan. We were college sweethearts, actually," I said.

Tumango-tango si Vanessa. "Matagal-tagal na rin pala."

Tumango na lang ako. Natigil lang kami sa pag-uusap nang bumalik na si Russel sa mesa namin. He took the seat between Vanessa and me. Nilapag niya ang plato sa harapan ko, at binigay sa akin ang kubyertos. Namula pa ang mukha ko nang ulanin kami ng tukso mula sa mga kasamahan nila dahil pinaghimay pa ako ni Russel ng buttered shrimp.

Love And MiseriesWhere stories live. Discover now