CHAPTER ELEVEN

420 13 0
                                    

Imposible! Unti-unti akong nanghina hanggang sa naramdaman ko na lang na pasalampak na akong napaupo sa sahig. Tila ba hindi ko pa rin naiintindihan ang mga salitang binitiwan ni Russel, kahit pa paulit-ulit ko iyong naririnig sa isipan ko na parang isang sirang plaka. Umiling ako. Hindi. Hindi totoo iyon! Hindi siya baog!

“That's impossible, love,” I let out a nervous laugh. “I'm pregnant. Kaya imposible ang sinasabi mo na baog ka. Baka naman nagkamali lang ang doktor. Why don't we go for a second opinion —”

Nanlilisik ang mga matang bumaling siya sa akin. “At sa tingin mo hindi ko iyon ginawa? Fuck, Zahara! I had tested three fucking times, in three different fucking hospitals! Tatlong beses, Zahara! They all have the same fucking results! Paano mo sasabihin sa akin ngayon na ‘baka mali’ lang iyon?”

Parang kulog na dumagundong sa buong kabayahan ang boses ni Russel, dahilan upang makaramdam ako ng takot at kaba. Para akong unti-unting nauubusan ng lakas. Patuloy ako sa pag-iling dahil alam kong hindi baog si Russel. Pero paano ko siya mapapaniwala gayong lahat ng resulta sa kaniyang test ay nagsasabi na baog siya?

“If you want our relationship to work again, get rid of that child, Zahara,” malamig niyang sambit.

I gritted my teeth. “No, Russel. This your child, our child. Hindi ko ito ipapalaglag,” pagmamatigas ko.

“You've made your choice. Don't expect me be involved with that child— hindi ko kikilalanin ang batang iyan.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang pasabi siyang umalis.

Napayuko ako, sukong-suko na ako, ngunit ayaw pa ring bumitiw ng puso ko lalo na ngayong dinadala ko na aking sinapupunan ang anak namin ni Russel. Nagagalit ako sa kaniya, ngunit hindi ko rin magawang iwanan siya dahil hindi ko kaya— hindi ko kayang lumaki ang anak ko na walang buong pamilya. Ayaw ko na matulad siya sa akin. Ayaw kong tanungin niya ang sarili niya kung kulang ba siya? Kung bakit wala siyang ama.

Namalisbis ang luha sa aking mga mata. Ang sakit-sakit na, pero hindi ko kayang magpaubaya. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko hahayaang masira ang pamilya ko. Tutuparin ko iyon.

Pero hindi pa ba ito sira ngayon? Tanong ng isipan ko.

Dahan-dahan akong tumayo at napahawak sa mesa. Napahikbi ako nang makita ang nagkalat na pregnancy test kits, at ang mga pagkain na unti-unti nang lumalamig. Niligpit ko iyon at tinago sa ref. Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay napatitig na lang ako sa kawalan.

I did not expect this to happen. Sa isipan ko ay nakikita ko pa ang tuwang-tuwa niyang mukha, nagtatalon sa saya habang proud na pinagsisigawan na magiging Daddy na siya. Ngunit, kabaliktaran ang nangyari. He got mad when he found out I was pregnant. What's worse? He denied our child.

I felt my heart clenching in pain. Para akong paulit-ulit na sinaksak at pinatay. Para akong pinalipad nang sobrang taas, bago pinutulan ng pakpak at bumulusok sa lupa.

Nakaupo na ako sa couch, hinihintay na umuwi si Russel upang kausapin siya. I'm not giving up my argument. Alam ko na tama ako dahil wala naman akong nakasiping na ibang lalaki maliban sa kaniya. Simula noon, siya lang ang tanging lalaki sa buhay ko na pinag-alayan ko ng sarili ko.

Kahit mag-away pa kami nang paulit-ulit, kakausapin ko siya. Hindi ko siya titigilan hanggang sa maniwala siya na nagsasabi ako ng totoo. Hindi na lang ito para sa akin, kundi pati na rin sa magiging anak namin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking manipis na tiyan.

Hindi ko pa alam kung ilang weeks na akong buntis. Sa kabila ng sakit, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. I can't wait to see our child. Siya lang ang tanging kinakapitan ko ngayon— ang tanging pag-asa ko upang magkaayos kaming dalawa ni Russel. Kahit itulak niya kami palayo, ilalaban ko ang karapatan naming mag-ina sa kaniya. Bibigyan ko ng buong pamilya ang magiging anak ko.

Love And MiseriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon