CHAPTER TWELVE

423 15 0
                                    

“That’s the baby,” the Doctor pointed at the lizzard-like image on the screen of the computer.

“My baby,” naluluha kong bulong habang pinagmamasdan ang napakagandang larawan na iyon.

“You are three weeks and six days pregnant. Congratulations!” nakangiti niyang bati sa akin

Ilang minuto pa akong napatulala at tila hindi makapaniwala, ngunit totoo nga. The image of that little fetus is a proof that I'm not dreaming. Uminit ang sulok ng mga mata ko. Ang anak ko, ang anghel ng buhay ko.

Pagkatapos ng ultrasound ay naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko nakuha ang resulta nito, pati na rin ng mga laboratories na ni-request ni Dra. Estrerra. Nang makuha ko iyon ay bumalik ako sa ospital para dalhin iyon kay Dra. Estrerra.

Mula sa labas ng ospital ay punuan ng mga buntis na nakapila para sa kanilang pre-natal check-up. Napangiti ako, dahil isa na rin ako sa mga babaeng ito. Dumiretso ako sa Nurse at kinuha niya muna ang personal information ko, at vital signs ko. Kinuhanan niya rin ako blood pressure. Binigay ko sa kaniya ang resulta ng lab tests ko at pati na rin ang ultrasound na ini-attached naman niya sa record ko.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kasama ko. Ang iba ay malalaki na ang tiyan at tila naghihintay na lang ng kanilang kapanganakan, habang ang iba naman ay maliit pa lamang ang umbok ng tiyan. Napangiti ako. Hindi ako makapaghintay na makitang lumalaki rin ang aking tiyan. I look forward to the kicks, and the movements. I look forward to hearing the heartbeat. I look forward to every step of this new journey.

Mamahalin ko ang batang ito nang higit pa sa buhay ko. Ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga siya, na hindi siya nag-iisa at lagi akong nandito upang maging karamay at kakamapi niya. Na tanggap ko ang lahat sa kaniya— his flaws and imperfections. Hindi ko hahayaang maranasan niya ang mga sakit na pinagdaanan ko noon. Ayokong kutyain siya ng ibang tao dahil wala siyang magulang, kaya ilalaban ko ang karapatan niya sa abot ng aking makakaya.

“Mrs. Villafuente!”

Napatayo ako nang marinig ko ang pangalan ko. Pumasok ako sa maliit na silid ng doktor. Nginitian niya ako.

“Congratulations, Mrs! I'm happy that you have finally conceived,” nakangiting bati ni Dra. Estrerra sa akin.

Ngumiti ako pabalik, ngunit may kumudlit na sa sakit sa aking dibdib nang maalala kong ako nga lang pala ang masaya sa balitang ito. Russel didn't like this news as much as I did. He wanted me to get rid of our child, but I will never do that— not in this lifetime.

“We’ve been waiting for this miracle for so long, Doc. Excited na akong makita ang magiging anak namin ni Russel,” saad ko.

“Inumin mo ang mga vitamins mo. Get enough sleep, and don't overwork yourself. Also, please avoid stress,” the doctor said. “Pinaka maselan na parte ng pagbubuntis ang first trimester. Makakaranas ka ng morning sickness, mood swings, sensitivity to smell and hormonal imbalance. It's normal.”

Tumango ako. Tama nga siya. Ganoong-ganoon nga ang naramdaman ko no'ng isang araw. “You'll also feel tenderness and swelling on your breasts. Sa susunod na buwan ang next check up mo. We will listen to your baby's heartbeat by then,” nakangiting dugtong ng doktora.

My heart skipped a beat. Para bang gusto kong hilahin ang mga araw at pabilisin ang-ikot ng mundo.

“Salamat, Doc.” Nagpaalam na ako sa doktor.

Dumiretso muna ako sa pharmacy para bumili ng mga vitamins na nireseta ni Dra. Estrerra. Pagkatapos ay dumiretso ako sa mall upang mag-grocery at maglibang.

Nauna akong naglibot sa department store ng mall. Unconsciously, I walked to the maternity and infant department. Wala sa sarili kong hinawakan ang maliliit na mga ternong damit, at napangiti ako. Pinigilan ko ang sarili kong bumili ng mga damit pambata, lalo na at hindi ko pa alam ang kasarian ni baby.

Love And MiseriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon